💙Chapter 26💙

37 0 0
                                    

Abrianna

(PS: This scene po is before mahimatay si Abrianna. Yung bago siya saluhin nung tatlo but exactly the person who catch her is Wyatt.)

"Wait me here, I'll go to the restroom."-paalam ko atsaka tumayo at nagpunta downstairs

May nakamasid sakin. Ramdam ko yun kaya naman nagkunwari akong naghuhugas ng kamay at sinundan ng tingin yung nakamasid sakin na nagpunta ng restroom kaya sinundan ko siya at pagpasok ng restroom chineck ko ang bawat cubicle.

Nang may maramdaman akong nakatayo sa likod ko at hinawakan ako sa balikat ginawa ko ang simple method ng self defense at isinandal siya sa pader at hinawakan sa leeg.

"Who the hell are you?"-galit na tanong ko

Nagsmirk lang siya kaya inangat ko siya. "Ahk."-react niya

"Answer me before I kill you. Who the f*ck are you?"-sabi ko dahil sa pagsakal ko sa kanya natanggal ang benda sa kamay ko at muling nagdugo

He smirked. "Di ka nila papatahimikin. Tandaan mo yan. I'm an Afoneon. Di ka naman talaga target namin pero dahil malapit ka sa target namin ikaw ang sisimulan namin."-nakangiting sabi niya at parang bumwelo siya

Nakaramdam ako ng sakit sa tagiliran ko kaya naman bago ako manghina sinuntok at tinanggalan ko ng malay itong lalaking to.

Napalunok ako habang nakatingin sa tagiliran kong may dugo. Tinanggal ko ang kutsilyong nakasaksak dito at itinapon sa malapit na basurahan atsaka itinago sa coat ko pati narin ang kamay ko at lumabas mg restroom na parang walang nangyari.

Pagakyat ko sa 2nd floor, doon ako tuluyang nanghina at unti unti naring dumidilim ang paningin ko at ang huling nakita ko lang ang pagtakbo ng tatlo papalapit sakin at nawalan nako ng malay.

Wyatt

Kararating lang namin sa hospital at kasalukuyang tumatakbo kami habang tulak ang isang stretcher kung saan nakahiga si Abrianna na walang malay.

Pagdating namin sa ER pinalabas ko muna ang dalawa atsaka in-ambu bag si Abrianna. Pinahawak ko yun sa nurse at pinapisil atsaka ko sinira ang damit ni Abrianna yung makikita lang yung hiwa atsaka tsineck.

"Let them in."-utos ko sa nurse.

"Is it deep?"-nagaalalang tanong ni Clarence

Napabuntong hininga ako. "Nah, pero kailangan tahiin to."-sabi ko

Tumango tango naman si Ericsson atsaka ako tumawag ng isang doctor at dinala si Abrianna sa OR para doon tahiin ang sugat niya.

Napaupo si Ericsson sa bench sa labas ng OR ganun din ako at si Clarence. Parang naubusan ako ng dugo at hininga.

"Matagal ba yung operation?"-tanong nanaman ni Clarence

"Hindi. Atsaka di naman siya ooperahan tatahiin lang yung sugat niya."-sagot ni Ericsson

Tumango tango siya atsaka humarap ulit samin."Ahh. Bakit sa operating room dinala? diba dapat sa SR?"-tanong ni Clarence

"What is SR?"-sabay na tanong namin ni Ericsson

"Sewing Room. SR. Wala ba kayo nun dito?"-tanong niya pa

Sabay naming binatukan ni Ericsson si Clarence. "Shut the eff up okay?"-sabay din na bulyaw namin sa kanya at nanahimik na siya habang hinihimas yung batok niya.

"Di rin masakit ah."-sabi niya pero di nanamin pinansin yun bahala siya dyan.

She will be okay now.

Prosecutor is in-love with a Lawbreaker Where stories live. Discover now