"Tapos na 'ko!" Sigaw ni Jana at malawak na binuksan ang cubicle kung saan siya nanggaling. Agad siyang dumeretso sa salamin at inalapag ang gamit niya sa lapag.

Sumunod naman sa paglabas niya si Amarie at nagpalakpakan kami nang makalabas siya. Inayos din kasi ni Jana ang suot niya, paano'y siya ang napili na Ms. Intrams representative ng grade level namin. Nakayuko lamang siya at parang nahihiyang tumingin sa amin.

"Ay bongga, ganda ah!" Sabi ni Max at tinampal siya sa braso. Umirap na lamang siya at lumapit na kay Jana, yinuyugyog niya ang braso nito.

"Pa make-up ka na kay Max, 'te." Sabi sa kanya ni Jana kaya napatango na lang siya. Umupo na lang si Amarie sa lababo at simulan na ni Max ang pag make-up sa kanya. Naka lock din kasi ang pinto ng CR na 'to kaya kami-kami lang ang narito. Sinabi na rin naman namin sa MAPEH teacher namin na dito na lang namin aayusan si Amarie kaya ayos lang na i-lock namin ang pintuan.

Natapos na si Max at pinicture-an muna namin si Amarie bago lumabas. Tahimik lang si Bianca na nakasandal sa pader habang pinagmamasdan kami. Iniisip siguro nito si Germain, ang seryoso kasi ng itsura niya at mukhang ang lalim ng nasa isip niya. Hay, pag-ibig nga naman.

Nilingon ko ang pinto dahil may narinig akong katok dito. Dalawang beses lang ang katok kaya binuksan ko ito agad, niluwa naman nito si Leila. Usapan kasi namin ang dalawang katok para may palatandaan na isa iyon sa amin. Pinapasok ko agad siya at agaran namang ni-lock ang pinto.

"Ay wow, bakit lahat kayo naka-ayos, 'te? Akala ko ba si Amarie lang ang Ms. Intrams?" Tumawa siya kaya inirapan namin siya. Palibhasa kasi hindi siya tumulad sa amin na sumama sa flaglette at majorette.

"Inggit ka lang, 'di ka kasi sumali." Pambabara sa kanya ni Jana.

"At least wala akong ginagawa, 'no!" Sabi niya naman pabalik at nagkibit-balikat.

May kumatok muli sa pinto namin kaya napalingon kami roon ng sabay-sabay.

"Girls? Labas na. Magsisimula na ang parada." Wika ng boses sa labas. Agaran naman ang pagkuha namin sa gamit namin at binuksan ang pinto, si Ma'am Via pala iyon, ang MAPEH teacher namin. Siya kasi ang naghahandle sa batch namin para sa intrams, lahat kasi ng MAPEH teacher ay isa sa mga organizer ng intramurals.

Unang lumabas si Bianca at Leila, tapos kaming apat ni Max, Jana, at Amarie. Tinitigan ni Ma'am si Amarie at tinapik niya ang braso nito. Pinuri niya ang itsura nito pati na rin ang amin, ang gaganda raw namin at bagay sa amin na sumali kami sa ganito. Tama lang din daw na si Amarie ang pinili niya. Nagpasalamat na lang kami sa kanya at tumango na lamang siya, nauna na rin siya bumaba.

"Oh Leila, hawakan mo 'to lahat ah." Ani Max at ibinigay ang make-up kit at cellphone niya. Isinunod naman ni Jana ang gamit niya, tapos ang akin, at ang kay Amarie. Sa iba kasi pinahawak ni Bianca ang gamit niya.

"Dami niyo namang gamit!" Sigaw ni Leila at umirap. Inayos niya ang mga iyon at inilagay lahat sa bag na dala-dala niya.

"Salamat, I labyu!" Sabay-sabay naming wika nina Max. Ginaya kasi namin iyong si Sen, kaklase namin. Halos lahat kaming magkaklase ay ginagaya na iyon simula nang marinig namin iyon sa kanya. Nagtawanan kami at umiling-iling si Leila sa amin.

"Ewan ko sa inyo. Punta na nga kayo sa harap, tsupi!" Inaksyon niya ang kamay niya na pinaalis kami. Pumunta na siya roon sa pila ng section namin at pumunta na kami roon sa pinakaharap. Nauna ang mga majorette, sunod ang mga flaglette, at sunod naman iyong drum and lyre. Sa likod naman namin ay ang players ng basketball, volleyball, badminton at iba pa.

Pumwesto kami nina Max at Bianca sa kung saan kami in-assign ni ate Ali, iyong leader namin sa flaglette. Nasa harap si Bianca, samantalang nasa gitnang likod ako at katabi ko naman si Max. Sumipol ang leader ng Majorette na si ate Ayen at sumunod na rin si ate Ali. Sabay silang nagbilang at nagsimula na rin kaming mag-martsa. Naglakad kami palabas ng gate ng paaralan namin at ginawa namin ang mga routine na itinuro sa amin ni ate Ali.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now