25. Caught in the act

Comincia dall'inizio
                                    

"I-ivan.."

Bakit sya... umiiyak?

Pero.. hindi ko naman ginusto na mangyari to at mas lalong hindi ko inasahang mangyari to..

"Hindi ko alam n-na.. na ganito ka pala.. meiko. Mali ba ang tingin ko sayo? P-pakiramdam ko, nag iba ka na.. Hindi.. iba ka na pala talaga sa meiko na nakilala ko noon"

Nakaramdam ako ng sikip sa dibdib dahil sa mga sinabi nya..

Naiyukom ko nalang ang mga kamay ko..
Gustong kumawala ang mga luha na tumitipon sa mga mata ko pero pinipigilan ko iyon..

"S-sabihin mo.. kailan nyo ba ginagawa to..? G-ginagawa ko lahat para protektahan ka sa lalaking yun p-pero hindi ko alam na.. na wala din namang kwenta lahat ng mga ginagawa ko para sayo"

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko..

Ako ang nagpumilit na layuan sya nun kasi ako naman ang may gusto na lumayo sya saken nung malaman ko yung nararamdaman nya saken..

Pero bakit..

Bakit nasasaktan ako?

Nangyari na ang kinatatakutan ko..

Alam na nya..

Lalayuan nya na ba ako dahil dito..? Hindi ito ang gusto kong maging dahilan para layuan nya ako..

Ginawa ko lang naman na layuan sya para mawala kung ano man yung nararamdaman nya para saken, hindi yung pagkakaibigan namin..

Hindi ko alam na aabot sa punto na pati ito malaman nya...

"Meiko.. sabihin mo saken.. Mali ba ang pagkakakilala ko sayo?"

Hindi ko man lang magawang magsalita..

Gusto kong kalimutan nya kung ano man yung nararamdaman nya para saken pero.. pero wala sa plano ko yung layuan nya ako dahil dito..

Tumalikod sya at nagsimulang maglakad palabas ng gate..

Sinundan ko sya hanggang sa maabutan ko sya sa labas.

"I-Ivan sorry!"

Hindi ko na mapigilang ibuhos lahat ng mga luha na kanina ko pa kinikimkim.

Hinawakan ko naman ang kamay nya..

"Sorry.. sorry kung hindi ko sinabi sayo. Alam kong nandidiri ka na saken, Ivan. Alam ko na nag iba na ang tingin mo saken dahil sa nakita mo. Sorry.. Sorry.."

Kahit masakit, sinabi ko ang mga katagang iyon..

"Hindi, pakiramdam ko lang kasi nagmukha akong tanga eh, hindi ko alam na.. na hindi ka na pala katulad noon.. m-masyado lang ako naniwala at umasa na katulad ka pa rin ng dati.. tanga ako na hindi ko man lang napansin na nag iba ka na.."

"Ivan.. h-hindi ko naman g-ginusto lahat ng mga nangyayari saken kung alam mo lang pero wala akong magawa"

"Hindi ba talaga, eiko? Sa nakita ko parang ginusto mo yung nangyayari"

Natahimik ako sa sinabi nya..

"Hindi ganito ang meiko na kilala ko. Hindi ko alam bakit naging ganito ka, meiko"

Pagkatapos nyang sabihin yun, naglakad sya papuntang driver seat.

"Ivan"

Tawag ko sa kanya, hindi sya nakinig at daling sumakay ng kotse saka pinatakbo yun..

Nabigla ako sa mga nangyayari.. Ibig sabihin, si Ivan yung tumawag saken sa cellphone ko para ihatid yung notebook na hiniram nya saken...

Bakit hindi ko naisip agad yun?! Napigilan ko na sana si keiji at hindi sana mangyayari to!

[R18] My Step Brother Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora