His Wife (43) The Beginning

Start from the beginning
                                    

 

 

“ Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang mag-sorry! Fvck, I’m going to be late on my meeting! Wala ka talagang kwentang babae ka!” asik ko sa kanya at pabalya kong binitawan yung pagkakahawak ko sa braso at batok niya. Nakita ko kung paano tumama yung tuhod niya sa lamesa. Muntik pang mahulog yung laptop ni Emerald. Dali- dali akong tumalikod at hinayaan na dumaloy yung luha ko. I’m sorry Emerald…

 

 

Walang kwenta. Walang konsiderasyon. Tanga. Bwisit. Boba. Stupida

 

 

Yan lagi ang tinatawag at pinaparamdam ko sa kanya. I know how hurt she is. Kung paano siya umiyak. Kung paano niya indain lahat ng sugat at sakit na binibigay ko sa kanya. Parehas kami… parehas na kaming durog. Parehas na kaming wasak. Dahil kay Hiro ang lahat ng ito… He fucking ruined everything. Our supposed to be happy relationship…

***

 

 

I intently look at the girl na ipinadala ni Hiro sa akin. Yung babaeng gagamitin ko for my scheme. Malayo pa lang ako ay naamoy ko na ang niluluto ni Emerald. I just smile at the thought of her… cooking my favorite meal.

 

 

“ Katulong mo?” tanong ng babae sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Emerald sabay ng pagyuko niya. Nag-umalpas na naman yung luha ko na madali kong pinahid at ngumiti rin pagkaraan. “ Yup” sagot ko sa babaeng kasama ko na kulang na lang ay maghubad dahil sa suot niyang damat. My wife, Emerald is way better than this bitch.

 

 

Nakita ko na yung dumaang sakit sa mukha ni Emerald. Nagsimula na ring mangilid yung luha niya. Shit! Pinaiyak ko na naman siya pero pagkaraa’y ngumiti rin ito. Alam kong may kalokohan na naman itong naisip. Alam ko. At tama nga ako dahil kung anu- ano siguro ang nilagay niya sa juice ng babaeng katabi ko at naibuga niya iyon sa akin. I acted that I was very angry perosa loob loob ko’y natatawa na rin ako.

 

 

“ Tanga tanga kasi. Kaya mo na yan, lagyan mo ng betadine.” Gustong gusto ko siyang daluhan ng makita kong naapakan niya yung isang bubog. How I wanted to comfort her. How I wanted to hug her. Tell her that everything is okay at gagamutin ko iyon. Pero I know that Hiro’s eyes were everywhere.

 

 

Kagaya ng napagusapan ay kakamustahin ni Hiro si Emerald at tatawag siya dito. “ What do you want from my wife?” with full conviction na tanong ko na may halong sarkasmo na rin. “ Kuya? Are you hurting Era, again?” hindi siguro napansin ni Emerald yung tunog ng mahinang pagtawa ni Hiro.

 

 

“ Era, is Kuya hurting you again? Tell me the truth” tanong niya sa asawa ko pero I know him well. Alam kong sa likod ng nagaalala niyang boses ang pagngisi niya sa nangyayari dahil he knows very well that Emerald will start to hate me.

His WifeWhere stories live. Discover now