His Wife (23) I love--hate you JC!

25.1K 267 19
                                    

Naalimpungatan na lang ako sa pagkakatulog ng makarinig ako ng mahihinang yabag papunta sa kama ko. Nagkunyari akong tulog at pinakiramdaman na lang ang kung sinong tao na pumasok sa kwarto ko. Sandali kong nilanghap ang bangong nanuot sa ilong ko… Napangiti na lang ako. Kilala ko kung kaninong amoy iyon. Sa kanya lang naman iyon eh… Naramdaman kong tumabi siya sa kama ko, still nagpapanggap pa rin akong tulog.

I stiffen ng maramdaman kong hinahaplos niya yung buhok ko and he kiss me on my lips. Naramdaman ko na lang na may tumutulo sa ulo ko. Yinakap niya ako ng mahigpit na para bang mawawala ako sa kanya. Umiiyak ba siya? Bakit? Anong dahilan bakit siya umiiyak? Patuloy pa rin niya akong niyakap, I can hear his sobs.

“ Emerald…” mahinang bulong niya sakin. Alam niya kayang gising ako?

“ Ginagawa ko naman na ang lahat… pero bakit nandiyan ka parin? Bakit nagtitiis ka pa rin sa demonyong tulad ko? Pwede mo naman akong iwan eh” sabi niya sakin, still fighting my urge to kiss and hug him, telling him that’s everything is alright.

“ Katigas kasi ng ulo mo eh. Hindi mo ba naiintindihan? I want you out of my life…” yang mga katagang sinabi niya sakin, parang kutsilyo na tinurok sa puso ko. He wants me out of my life, pero bakit? Hindi pa ba ako sapat?

“ I hate to see you crying” patuloy pa niya. Naguguluhan na ako. Ano ba itong relasyon na napasukan ko? Ayaw na niya ako sa buhay niya pero ayaw din niya akong nakikitang nasasaktan? Ang gulo naman, diba? Ayaw na daw niya ako… kaya ko ba yon? Pero little by little, hindi ko nalalaman na masyado din palang nasasaktan si JC. Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako bago umalis sa kwarto.

Pagkaalis na pagkaalis niya, pinakawalan ko na ang mga luhang nagbabadya ng umalpas mula sa mata ko. Naguguluhan na ako… nasasaktan. He wants me out of his life pero parang may pumipigil sa akin. Napatawa na lang ako ng pagak, napakamartir ko talaga kasi ako eto… umiiyak at nasasaktan pero pilit ko pa ring iniintindi si JC. Maraming beses ng dumaan yung plano kong iwan si JC. Nasasaktan at nahihirapan na ako, di ba sapat na rason na yun para iwan siya? Kunsabagay… iniwan na niya ako pero ako pa rin itong pilit na bumabalik sa kanya.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon