His Wife (02)

45.8K 582 37
                                    

Kasalukuyan akong nagluluto ng paboritong ulam ni JC na Kaldereta sa kusina namin ng marinig ko ang hagikgikan at tawanan ng isang babae at ng asawa ko? Oh no! Not again, don’t tell me, naguwi nanaman siya ng babae sa bahay namin! Oh? Nagtataka siguro kayo? ‘Nanaman’ ang ginamit ko kasi lagi naman siyang naguuwi eh. For Pete’s Sake I always hear them moan and groan because of ecstasy. Sino ba naman ang hindi? Siguro akong makita mo pa lang ang abs ni JC, tutulo na ang laway mo.

“ Emerald!” sigaw sakin ni JC, dali-dali naman akong nagpunas ng kamay at pumunta kung nasaan sila. Hinawakan ako sa braso ni Aling Cynthia pero ngumiti lang ako. Siya yung kasama namin sa bahay, alam niya ang lahat ng nangyayari sa relasyon namin kaya pinipigilan niya akong pumunta, alam niya kasing baka saktan na naman ako ni JC eh.

“ Bakit?” tanong ko habang ngumingiti ng napakatamis, tinitigan naman ako nung babae mula ulo hanggang paa. Infairness, lollipop ngayon yung babae. Last time kasi, yung dinala ni JC, hipon! Pwe! Red lipstick, 6 inches stiletto, super micro mini skirt, sleeveless. Mygaaaawd! Bakit hindi na lang kaya siya nagpanty at bra? She’s so bwisit and so malandi.

“ Katulong mo?” tanong sakin nung Lollipop girl sabay angkla nung braso niya kay JC, ngumiti naman si JC na parang tuwang tuwa na mapagkamalan akong yaya niya. Shit! Huwag ka ngumiti! Natutunaw na ako.

“ Yup.” Sagot ni JC while smiling. I grimaced. Nung isang araw, ang pakilala niya sakin, hardinera, ngayon yaya? Ano sa susunod, tiga- agiw? Sorbetera sa loob ng bahay? Ganito na ba ako kalosyang para mapagkamalan akong yaya?

“ Oh yeah! Good. You, get me some orange juice, I want it fresh with only two cubes of ice. Dapat yung ice, mineral huh? Like duh, make it faster. You are so bagal!” inismiran ko na lang siya habang tinitignan yung asawa ko. Hindi na ba siya nagsasawa sa kapapanakit sakin? Hindi pa ba siya kuntento na heto ako at durog na durog na? Na heto ako at wasak na? Na heto ako na halos mamatay na?

May naisip naman akong kalokohan at kamalditahan. Hindi naman uubra sakin yang kamalditahan ni Lollipop Girl. How dare her to insult me!? Urgggh. JC! You are so pakipot! Pasalamat ka mahal kita! Kahit sinasaktan at sinugutan mo ako!

His WifeWhere stories live. Discover now