His Wife (15)

30.1K 269 7
                                    

Naalimpungatan na lang ako ng makita kong halos alas dos ng madaling araw. Tinignan ko naman yung katabi ko. Kahit paiba iba yung mood swings ko, hindi na siya nagagalit sa akin. Ang sweet pa nga ni JC sakin eh. Halos langgamin na nga ako eh. Ang gwapo gwapo ni JC kaya lang naaalibadbaran ako sa mukha niya. Ewan ko kung bakit. Basta, isa lang ang alam ko, mahal ko siya. Teka, hindi ko pa pala nakukuha yung gusto ko kung bakit ako nagising! Gusto ko ng buko shakeeeee~ Naramdaman siguro ni JC na gising ako kaya nagmulat din siya ng mata. Overprotective din itong lalaking ito eh! Bawat galaw ko, akala mo magagalusan ako, pero nung dati naman. Haaaay. Bakit ko ba iniisip yung dati? Diba dapat masaya na ako? Ito na yung dream ko eh. Pero napagisip isip ko. Kung hindi ba ako buntis, magiging ganito pa rin ba siya? Haaaay, stress! Go away.

“ Anong gusto mo, Emerald ko?” tanong niya pero nakapikit yung isang mata. EMERALD KO, ang sweet. Ano ba gusto ko? Ah! Buko shake? Pero damn! Bukod shake at 2:30 am?

“ JC… I want buko shake” nakalabing sabi ko. Tumayo na siya at tinignan yung orasan sa bed side table. Dapat makakuha siya ng shake kung hindi! Nako! Gusto ko ng buko shake.

“ But, it’s already 2:30 in the morning. Bukas na lang, I’ll buy you ranch with hectares of buko.” Sabi niya sakin. Napafacepalm na lang ako. Sabi ko, gusto ko ng buko shake ngayon. Ngayon. Ngayon. Hindi ko sinabing gusto ko ng puno ng buko? Ano namang gagawin ko dun? Ngangatain? Naramdaman ko na lang na naluluha ako. Ambilis ko talagang umiyak ngayon. Dati naman, hindi.

“ Ah ganon? Ayaw mo na akong bilhan. Sige, tiisin mo lang kami. Gustong gusto ko pa naman ng buko shake ngayon. Tse!” sabi ko sabay irap sa kanya. Tatayo na sana ako sa kama ng akapin niya ako mula sa likod. 1 month na si baby~

“ Baby naman. 2:30 na oh. Wala ng bukas na tindahan” alam ko na nakanguso na itong si JC. Pero gusto ko talaga ng buko shake eh.

“ Ah basta. Gutom kami ni baby ngayon. Kahit wag na buko shake. Gusto ko ng food.” Sabi ko sa kanya. Napasigh na lang si JC. Alam niya kasing naubos ko na yung pagkain sa kusina eh. Aba! Ewan ko ba kay baby at minu-minuto kung magutom. Nagsuot ng cargo shorts si JC at tshirt, nagpalit lang ako ng maluwang na tshirt at shorts. Yehey! Lalabas kami. Nagulat naman ako ng pagtaasan ako ni JC ng kilay.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon