"Gusto mo 'ko?" Tanong ko. Mas lumapad naman ang ngiti niya at tumango sakin. "Sana tinanong mo muna ako kung gusto ba kita." Dagdag ko pa.

Napaawang naman ang labi niya sa sinagot ko at parang nasaktan. Sus! Kunyari pa siyang nasaktan eh halata namang hindi siya seryoso sa sinabi niyang 'yon!

"Boom basted!" Sabi pa ng mga kaklase ko rito at tinawanan si Evan. Hindi ko nalang sila pinansin at binalik ko nalang ang atensyon ko sa aking kinakain. Nakaramdam ako ng titig kaya napatingin ako kung kanino 'yun. Kay Xiela. Nang tignan ko siya pabalik, mabilis niya itong iniwas sa akin. Napakunot bigla ang noo ko. Anong problema niya? Nag iisip ba siya ng bagong logic na ipapasagot sakin? Pwes, sorry girl. Di ko talaga 'yan masasagot. Bobo ako, remember?

"Pagkatapos natin kumain, anong gagawin natin?" Napatingin kami kay Sean ng bigla itong magsalita. Himala!

Ilang minuto kaming napatulala sa mukha niya bago kami sabay sabay na napainom ng tubig. Himala talaga! Hahaha!

"Guys, tandaan niyo ang araw na 'to okay? Tandaan niyo ang date ngayon. Ito ang ang araw na nakapagsalita na si Sean!" Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Hanwie.

"Check niyo nga baka may lagnat." Natatawang sabi ni Bernazae. Inangat ko ang aking kamay sa noo ni Sean at napansin kong namula siya sa ginawa ko. Nahihiya siguro siya.

Natawa ako at humarap kay Bernazae, "Negative."

"Ah, akala ko may sakit eh." Sabi nalang ni Bernazae at binalik ang atensyon sa pagkain.

"Pero 'yung tanong ni Sean na kung anong sunod nating gagawin pagkatapos nito, manonood tayo ng movie." Masayang sabi ni Hanwie.

"Boring naman!" Angal ni Jared.

"Okay sige, porn nalang panoorin natin! Ano? Okay ka na?" Nagtawanan kami sa sinabi ni Bernazae. Masyado talagang pranka si Bernazae. Kung anong gustong sabihin ng utak niya, sasabihin talaga niya.

"Okay na okay!" Sagot naman ng loko at napangisi pa. Mga lalaki talaga kapag porn ang pinag-uusapan, go agad. Tss.

"Kung sino huling matatapos kumain siya ang maghuhugas ng plato." Sabi ni Jared na ikinagulat ng lahat. Except kay Alice. Siya kasi naghugas kanina at parang ang sipag niya pag dating sa mga gawaing bahay.

"Si Rodell nalang. Wala namang ambag 'yan sa storyang 'to!" Sabi ni martin.

"Wow ha? Ikaw may ambag ka?" Sabi naman ni Rodell. Hindi naman nakasagot si Martin. Hahaha, pahiya.

"Edi si Kenrick nalang!" Sabi ni Catriona.

"Hala, 'wag si Kenrick. May sugat pa siya sa daliri niya." Sabi naman ni Eula at alalang-alala kay Kenrick. Napangisi na naman ako pero mapakla.

"Ang OA mo naman. Hindi naman ikakamatay 'yan ni Kenrick." Sabi ni Bernazae sakaniya bago ito uminom ng tubig. Gusto pa sanang sumagot ni Eula pero agad nagsalita si Alice.

"Ako na nga lang. Nagtuturuan pa kayo," Sabi niya at ngumuso.

Nang matapos kaming kumain, kumilos agad si Alice para ligpitin ang mga pinagkainan ng mga tamad kong kaklase. Tumulong nalang rin ako kay Alice para hindi siya mahirapan.

"Thanks." Sabi niya sakin habang parehas naming sinasabunan ang plato.

"Nako, maliit na bagay." Sabi ko nalang at tinuon ang tingin sa platong sinasabunan ko. Mula rito sa kusina, rinig namin ang ingay ng mga kaklase namin. Paniguradong pinagtatalunan nila kung anong movie ang papanoorin namin.

"I'm happy na nagkaroon tayo ng ganito. Bonding narin ng section natin. Kahit na konti lang tayo, masaya naman." Biglang sabi ni Alice. Napangiti ako sa sinabi niya. Tama siya. Kahit na 'yung iba rito eh hindi ko ganon kasundo, masaya ako kasi kasama sila sa highschool memories ko.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now