CHAPTER 4: Nababaliw sayo..

Start from the beginning
                                    

“Teka nga—bibili ako ng pagkain. Hintayin mo ko. Dito ka lang ah. Wag mong aalisin yan.”

“Pag ako pinagtripan mo isusungalngal ko sayo takong nito.”

“Haha sige.”

Umalis na muna ako para bumili ng pagkain.

Pero pagbalik ko.

Nakita ko si Engot. Tumatayo at naglalakad, suot niya pa rin yung heels.

"Ay tae!!"

Muntik na siyang matumba! Pero nasambot siya nung batang lalaki kanina. ENGOT KA TALAGA!

Napakaripas ako ng takbo sa kanila..

“Hoy Engot anong ginagawa niyo ha?!"

Kinuha ko yung braso ni Engot mula sa pagkakahawak sa kanya nung isa pang bata.

"At sino kanaman ha?!"-ako

"Oy Asungot wag ka ngang OA sinalo niya lang ako dahil muntikan na kong matumba dahil dito sa pesteng heels na to! "-Engot

Tinignan niya yung lalaki. Nakakainis na ah!

"Sorry , Gab ha , pagpasensyahan mo na tong Asungot na to, kulang lang to sa vitamins." -Engot

ABA KILALA NIYA NA AGAD! Nawala lang ako saglit.

"Hoy anong kulang sa vitamins?? Ha? Engot ka , tara na nga . Hoy ikaw Kab-ayo ka lubayan mo tong si Engot ah!!"-ako

Hinatak ko na palayo si Engot. Hindi pa kami nakakalayo, napansin kong nahihirapan siya sa paglalakad, tas kinakaladkad ko pa siya. Huminto ako tapos inalis ko yung heels sa paa niya. Binalik ko sa paper bag at pinasuot ko sa kanya yung dollshoes na suot niya kanina.

“Tara.”

“Teka nga!”

Nagpumiglas siya sa hawak ko.

“Ano bang problema mo ha? Ano yung pinaggagagawa mo? Bakit ka ganyan bigla?”

Hindi ka na pwedeng mawala sa paningin ko baka mamaya kung sino nanamang lumapit sayo. Hindi na kita pwedeng hayaang umalis, baka hindi na kita makita ulit.

“Kala ko ba hahanapin natin yung kaibigan mo?”

“Wala pa namang text. Pahinga muna tayo.”

Naupo nanaman siya.

“Ang sakit ng paa ko.”

Naupo ako sa tabi niya..

“Nakakainis.” -ako

“Ano?”

RAIN’s POV

AKO: Ikaw! Nawala lang ako saglit, nanlalake kana!!

ENGOT: Hoy! Ang OA mo! Sinalo lang ako Nanlalalake agad?!

AKO:E bat nginitian mo pa?!

ENGOT:E bat ba nangingielam ka??? Pake mo ba?!

AKO: E ampangit mo tapos ngingiti ngiti kapa!! Di kana nahiya!!!

ENGOT: Ewan ko na sayo! Asungot ka talaga napakaepal mo! Kaasar ka na.

AKO: Basta wag ka ng manlalalake!!

ENGOT: E hindi nga ako nanglalalaki! Asa naman akong may papatol sakin! Tsaka kanina nga ikaw yung nakita ko na nakikipag-usap sa ibang babae!

AKO: Edi sige!!

ENGOT:Anong sige??

AKO: Engot mo talaga , edi sige hindi na ako makikipagusap sa ibang babae ,wag ka lang manlalake !

Asungot and Engot: A small ForeverWhere stories live. Discover now