CHAPTER 2: Kiss sa Cheeks

Magsimula sa umpisa
                                    

*EEEEEEEEENNNNNNNGGGGGGGG!!!!*

Aray ah! Machakit yun!

Grabe naman tong dugong na to!! Tsk..

 Well dugong siya kasi flat chested,, Alipunga kasi nga para siyang sakit sa paa dapat nga Kalyo din e kasi ang kapal ng balat at mukha na pumasok ng DS gamit ang mukhang iyon.. Buti napigilan ko, at Bukayo kasi yung mukha niya parang binabakbak na kalsada ,bako bako may humps pa nga eh.. Haha! edi ako na ang meanie. Sorry naman kasalanan ko ba na pinaglihi ako sa kagwapuhan???

 Eewweey lang kasi nakayakap ako sa kanya ngayon, pero feeling ko comfortable naman ako sa ganitong posisyon, malambot kasi siya hmm.. Ganon talga siguro no?? Pag bata ka pa baby skin, pero pag tumanda parang rocky road na.. Ang sama ng ugali ko >_< haha! Pero kahit na! Bat naman tong batang to? Baby skin nga, anyare sa mukha?!

 Well buti nalang kahit papaano may maganda sa bukayong ito. Pero pangit pa rin siya. 

 "AAAAAAAAAAAHHHHHH! MANYAKES! REYPEST! BASTUUUUUUUSSS!"

ARAY!!! Sumigaw daw ba? Hello? Last time I checked wala naman akong diperensya sa tenga pero mukhang magkakaroon dahil sa babaeng ‘to!

Pinaghahahampas pa ko!

Nag 'sssshhhh' nalang ako, pasalamat siya NAPAKA sakit ng katawan ko at hindi ko siya masigawaan ...

"Wag kang maingay hindi ako makakilos.. Napilayan ata ako.. A-aaah.." nanghihina ako.. Kainis. Pero gwapo pa rin.

"Ang bilis ng karma.. Salbahe ka kasi.. Salbahe!" Aba naman!!! Tama ba ako ng dinig?! Ayos siya ah!! Aiisshh!!

"Kaya nga niligtas ko buhay mo para makabawi ako e.." –Ako

"ABA! UTANG NA LOOB KO PA?! EH IKAW RIN NAMAN ANG DAHILAN NG MUNTIK KO NG KAMATAYAN EH! Tss.. Pero ang bata mo pa baka nga napilayan ka.."

"Ang ingay mo naman! Tss.. Ikaw naman ang bata mo palang pangit ka na.."  halos pabulong ko nang sabi..

"So kailangan ulit ulitin?? Tss.." reklamo niya

"Hindi naman.. Kailangan lang ipaalala sayo baka kasi isipin mong natutuwa ako sa pwesto natin eh.."

 Bleh!! kala mo papatalo ako sayo?? Hello? Ang pangit mo kaya. Haha!

"Tss.. Kala mo naman kagwapuhan.."

"Bakit hindi ba?"

"HINDE! HINDING HINDE!"

"Sige magsinungaling ka.. Ikaw rin.. Haha!"

"Aiissh..tsk..ang yabang.."

"OH MY GOSH!! Ranier BABY!!"

Napadilat ako ng wala sa oras.. Si Mo- si Mommy yun! Nakakahiya naman! >.<

Utang na labas Mommy wag Baby! Wag dito Mom! Maawa ka sakin. Huhu!

"Oh my Gosh!!! Ranier BABY!! Anong nangyari sayo? My gahd!! Hon!! si Ranier!! Daliii!!!" grabe naman magpanic si Mommy..

Buhay pa naman ako.. =__=

>.< Sana walang nakarinig na tinawag ako ni Mommy na--

"Baby…"  nabulong ni Engot at humalagpak na sa tawa =__= 

"AMPUTEK!!! BABY????!Bwahahahahaha!!"

"Hoy pangit!! Wag mo kong tawanan!!" sabi ko, KAASAR! How I hate that Word! Grrr!

"Hoy ranier 'BABY' , pakiss mo na ang iyong mga tyugat tyugat sa iyong Mommy!!! Bwahahahahaha!!!"

"CHE!!!! PANGIT!!" nang aasar pa eh!

Asungot and Engot: A small ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon