FoFiL4

15 3 0
                                    

🚫 Plagiarism is a crime🚫
~Lhienzi

♥♥♥
Chapter 4 – Activities and Contests!!

    Natapos na ang kanilang kinanta ngunit nanatili akong nakatulala. Natauhan na lang ako ng malakas na nagtilian ang mga kababaihan.

    “Hello, my name is Nathan, I am the vocalist”. pagpapakilala ng isang lalaki at nag pose pa.

    “I’m Hiro, I’m in charge in drums”. pagpapakilala naman ng isa.

     “I’m Joshua, I’m the guitarist. If you forgot my name, just call me babe”. maharot na pagpapakilala ng gitarista na naging dahilan upang lumakas ang hiyawan.

     “My name’s Kevin, the pianist in the group!”. masiglang pagpapakilala niya.

    “And we are The Black Emperor!!”. sabay sabay nilang sabi.

    Well, lahat naman sila may itsura kaso wala akong magustuhan sa kanilang apat. But someone caught my attention, he’s not in the band but he’s clearly enjoying himself.

    Marami siyang kasamang lalaki na sa tingin ko ay tropa niya at may mga nakapalibot na babae sa kanila ngunit wala siyang ine–entertain na babae.

    Mayroon siyang hawak na baso na may lamang kulay asul na inumin. Pinaglalaruan niya ito sa kaniyang mga kamay. He's kinda attractive while he's doing that.

    Itinungga niya ito at lumanding sa akin ang kaniyang mga mata bago sya ngumiti.

   Iniiwas kong ang aking paningin at muli na lang hinarap ang stage.

   Sheez! Ang gwapo niya ngumiti! Kyaaaah!

   Oyyy! Okay ka lang??. kunot noong tanong ni Ely.

    “O–oo. nauutal kong sambit. OMG! Ramdam ko yung titig sakin ni kuyang pogi!

    “Sure ka ba? Ba't parang namumula ka?”. mapaghinalang tanong ni Ely.

    “A–ano ka ba, n–naka blush on kasi ako”. tanggi ko.

     Myghad kuya, tama na kakatitig mo sakin, baka matunaw ako.’

    “Hi girls”. bati ng isang baritonong boses sa aming likuran.

    Sabay kaming napatingin ni Ely sa pinanggalingan ng salita at — shet! Si kuyang pogi!

    Napahinto ako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw.

    “Hi. I'm Aaron Villaflor. pagpapakilala niya sa amin sabay lahad ng kaniyang kamay.

    Nagising naman ako sa aking pagpapantasya at agad na iniabot ang aking mga kamay.

    “Hi! I'm Jane Irish Mercado.” kinakabahan kong sambit.

     Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. At ramdam ko rin ang pamumula ng aking pisngi.

    “Siya naman si Elyzabeth, kaibigan ko”. pagpapakilala ko kay Ely na busy sa panonood ng performance ng mga bands.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fear Of Falling In LoveWhere stories live. Discover now