FoFiL1

41 9 0
                                    

🚫 Plagiarism is a crime🚫
~Lhienzi

1 — First Boyfriend

♥♥♥

Jane's POV:
      “Kinikilabutan na ako sa’yo pren, ngumingiti ka na magisa. sabi ni Hera na katabi ko ngayon.

       Buong maghapon kasi kaming magka–text ni Mark. Kakasagot ko lang sa kanya last last week pero sobrang sweet niya sa akin.

      “May sakit kasi yan”. paliwanag ni Nathalie.

     Sakit? Eh bakit ayaw niyang uminom ng gamot?”. inosenteng tanong ni Shane.

     “Lovesick yung tawag sa sakit niya. Malalaman lang na may ganito kang sakit kung lagi kang tulala, ngumingiti ka na magisa, at sa bawat makakarinig ka ng tungkol sa mahal mo ay para kang asong may rabies, in short nauulol ka. paliwanag ni Nathalie.

     4 lang kaming magkakasama ngayon, at kung saan saan na naman ata pumunta yung iba.

    “Sila Krizelle nga pala asan?”. tanong ni Shane habang hawak ang isang libro.

    “Malamang inatake ng sakit na katamaran yung magkambal. sagot naman ni Nathalie.

    “Bakit parang lahat ata may sakit?”. sarkastikong sabi ni Hera.

    “May sakit rin si Traycie no?”. hula ko.

    Oo, literal na sakit. She’s hurt mentally but not physically”. makahulugang sabi ni Nathalie.

     “Ano na namang pinupunto mo?”. mataray na tanong ni Hera sa kapatid niya.

    “Ang pinupunto ko, may sakit na ata sa utak si Traycie. Ganun!”. walang kwentang sagot ni Nathalie.

    Ikaw ata ang may sakit sa utak eh”. biro ko kay Nathalie.

     Matagal na, ngayon mo lang ba nabalitaan?”. blangkong sabi niya.

    Hanga na talaga ako kay Hera. Napapag–pasensyahan niya ng matagal si Nathalie. Kung ako siguro kapatid nito baka matagal ko na siyang itinakwil.

    “Eh bakit nandito ka pa? Dapat nasa mental hospital ka na. asar ko sa kanya.

    “Di na siya tinanggap doon, masyado na daw siyang malala. Di na kayang gamutin. asar naman ni Hera sa kapatid.

Fear Of Falling In LoveWhere stories live. Discover now