FoFiL3

18 3 0
                                    

🚫 Plagiarism is a crime🚫
~Lhienzi

Chapter 3 — Move on..

♥♥♥
 

     Nakatulala ako sa bintana ng bus at inaalala ang nangyari kahapon. Unti unti kong naramdaman ang pag–agos muli ng luha ko. Kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi ko ang isang malamyos na tugtog. Kasalukuyan kaming papunta ni Ely sa sinasabi niya.

     Pinagmamasdan ko ang mabagal na pagpatak ng ulan. Nagluluksa ang kalangitan na tila ba ito at nakikisimpatya sa aking pinagdaraanan.

     Mas lalong bumugso ang aking mga luha ng tumugtog ang huling chorus ng isang napakasakit na kanta na parang sadyang isinulat para sa tulad kong isinulat.

     There's a danger in loving
     Somebody too much
     And it's sad when you know
     It's your heart you can't trust
     There's a reason why people
     Don't stay where they are
     Maybe sometimes love,
     It just ain't enough

     “Promise that it would be the last time that you’ll cry towards that man. A woman should cry only once to a guy”. kalmadong sambit ni Ely.

     Kinalikot nya ang kaniyang cellphone at pinalitan ng isang masiglang kanta.

     Batid kong kanina pa nahahalata ni Ely ang pag–iyak ko subalit sa halip na kumprontahin ay hinayaan nya lamang ako.

     Alam kong puro malulungkot at senti na kanta ang nasa playlist ni Ely pero siya ngayon itong nag–aadjust para sakin.

     Nabawasan kahit papaano ang bigat na aking nararamdaman. Huminto na ang ulan at tanging ambon na lang ang mayroon sa labas. Gumaan rin kahit papaano ang atmosphere sa aking paligid dahil sa masiglang tugtog at sa kapaligiran na ngayon ay malinaw ko ng nakikita.

     Sa sobrang pagkamangha ko sa lugar ay hindi ko namalayang huminto na pala ang bus na aming sinasakyan.

     Inayos ko ang aking sarili at sumunod na kay Ely sa pagbaba. Kinuha ko ang aking back pack at dumiretso sa pampang kung saan nakadaong ang speed boat na aming sasakyan papuntang isla.

    I was so amazed sa nakikita ko habang nakasakay kami sa speed boat. It’s like a real life paradise. Asul na asul ang dagat at ang ganda ng ambiance dito. Makikita mo ding inaalagaan talaga ito dahil walang ni isang dumi especially yung white sand, napakaputi kala mo wala pang umaapak dito. WOW! I wanna stay here.

     Sa sobrang pagka-amaze ko sa paligid Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa islang sinasabi ni Ely.

     “Who owns this place at pano mo nalaman na may magaganap na music fest dito?”. naa–amaze ko pa din na tanong sa kanya.

     “Hmm. Too beauty for you? Many secrets kept in here. Sometimes even the beauty has so many secrets, they can fool the world by their face”. tanging sagot sakin ni Ely at ngumiti pa ng nakakaloko.

     “Secrets? Like what?”. curious kong tanong.

     A beautiful island like this have so many secrets? You’ve gotta be kidding me!

    “Secret nga di ba? Pag sinabi ko sa’yo, di na secret yun”. nakangising asar ni Ely sa akin.

    “Sinabi mo na sa akin eh, edi medyo hindi na siya secret”. pagdadahilan ko sa kanya para sabihin niya yung sikretong sinasabi niya.

    Technically speaking, hindi ko pa nasasabi yung pinakasikreto. sabi ni Ely.

     “Ely naman eh”. pagta–tantrums ko.

    “Wag ka ng makulit. Malapit na magsimula yung Music Fest”. sita sa akin ni Ely.

    Napanguso ako at sumunod na lang sa kanya. Dumiretso kami sa isang open space dito. There’s a stage sa gitna wherein dun ata magpe-perform yung banda. Hayyyss!! mas masaya sana kung kompleto kami dito.

     “Hey, Ely anong banda ba magpe-perform dito?”. curious kong tanong sa kanya.

     “Hmm... I'm not familiar with there band name but I've seen them perform once and masasabi ko lang na magaling sila”. nakangiting sabi niya sakin na tila inaalala yung first time na napanood niya yung band.

    “Gwapo ba yung mga members?”. tanong ko sa kanya.

     “Of course”. sabi niya pa with dreamy eyes.

     Mukhang okay naman pala na sumama ako sakanya dito at least I can forget that jerk. Siguraduhin lang talaga ni Ely na gwapo at magaling kumanta yung mga yun kundi makakatay ko si Ely.

     “Maglilibot libot muna ako dito par...you know para maghanap ng gwapo”. natatawa kong sabi sa kanya.

     “Okay just be back before 6”

     Pumunta ako sa isang souvenir shop dito sa tabi tabi. Nakakita ako ng isang cute na cute na pony and it’s in color blue. OMG!! I want that one.

     Agad akong nagtatakbo sa papunta sa shop.

     “Magkano po itong pony ate?”. tanong ko sa tindera.

     “Naku ma'am! Naka reserve na po kasi yan eh”. sagot ng tindera.

     Nanlumo ako sa sinabi nung tindera. Waaahh!! I kennat.

     “Hindi po ba pwedeng bilhin ko na lang?”. nagpapa–cute pa ako sa tindera habang sinasabi yan.

     “Hindi po talaga pwede eh”. iling na sabi niya at halatang nakukulitan na siya sakin.

     “Eh di wag hmmp! Kala mo naman hindi na ako makakahanap ng ganyan. Pag ako nakahanap sinasabi ko sayo, ate, who you ka sakin”. naiinis na sabi ko sa kanya at umalis na lang dun. Nakakabad-trip yung tindera.

     Bumalik ako sa pwesto namin ni Ely ng nakasimangot.

     “What happened to you? Bakit parang iritangirita ka?”. curious na tanong niya sakin.

     “I’m fine. Nakakainis lang yung tindera.

     Nahalata naman ata ni Ely na hindi ko trip magkwento kaya hindi na lamang siya nagtanong. Umupo nalang kami sa buhangin at hinintay na magperform yung bandang sinasabi niya.

    “Ladies and gentlemen, here is the viral boy band that compose their own songs, let’s welcome.....”. pagpapa–suspense ng Host.

    “The Black Emperor!!”

    Naghiyawan ang mga manonood maliban sa akin. Black? Emperor? Bagong grupo kaya sila? I never heard of them.

    “Ely, bagong banda ba sila?”. tanong ko sa katabi ko.

    “Ang pagkakaalam ko ay matagal na sila pero ngayon lang sumikat. Malay mo, iintroduce nila yung sarili nila”. paliwanag ni Ely.

     Mula sa maingay na audience ay biglang itong tumahimik. Pumaibabaw ang isang malamyos na tugtugin.

    “This song is dedicated to those who are heartbroken!”. sabi ng isa sa vocalist ng banda.

    Wow ha! So it means, dedicated din sa akin yung kanta?! The song have a melodious tune and their lyrics have deep meaning.

    Am I escaping reality?

♥♥♥

Fear Of Falling In LoveWhere stories live. Discover now