XXVII. Lost and Found

Start from the beginning
                                    

Dawn: Left for the US and transferred to Monte Carlo.

Ibang kaso nga ito kung ganun. Lahat ng namatay nasa loob ng Sisters of Mary. Kaya hindi ako naisunod at nakaligtas ay dahil umalis ako at lumipat dito. Pero bakit nga balak kaming patayin? At ngayon, may natanggap na naman akong red note. Muli akong nagsulat sa notebook ko.

We're still watching note: For Dawn only. WHY???

Posibleng alam na niya ito noon pa, na umalis ako ng Sisters of Mary at sinundan pa rin niya ako dito sa Monte Carlo. Pero bakit? Kung ako ang kailangan niya, bakit kailangang mamatay si Anastacia? At bakit pinapatagal pa niya ito? Bakit hindi na lang siya magpakita o ipadala na yung mga mama na yun dito para patayin ako? Bigla akong natakot. Naalala ko na naman ang mga mama na iyon. Hindi pwede. Mabilis akong nagsulat sa notebook ko dahil alam ko na ang mangyayari.

Red notes sender from SoM to MCHS=Twins disappearance?

Ibinalik ko na ang mga gamit sa box at huminga ng malalim. Dawn, kalma lang. Hindi ito pwede ngayon. Kung kailan naman nakakapag-isip na ako at nasisimulan ko nang pag-tagpi-tagpiin ang mga bagay bagay, ngayon pa ba mangyayari 'to?

Tama na po... Nina's voice echoed in my head. I shut my eyes and I saw the two men as they slaughtered her to death. Hindi...hindi pwede 'to. Umalis na kayo...

BOOM!!!

Nagulat ako sa malakas na pagsabog na narinig ko, parang poste ng kuryente na sumabog. Kasunod noon ay ang biglang pagkamatay ng mga ilaw sa loob ng Restricted Garden. Inilabas ko ang cellphone ko at inilawan ang paligid. Binitbit ko na ang box ko at dahan-dahang lumakad palabas ng lugar na iyon. Anong nangyari? Agad kong pinatay ang cellphone ko nang marinig ang boses ng mga Security sa paligid. Curfew na pala. Patay.

Bumalik ako sa loob ng Restricted Garden at lumakad papunta sa pinaka-loob nito. May napansin akong pader sa gilid ng mga puno, ito siguro yung naghihiwalay sa Garden at sa mga Dorms. Pwede akong dumaan dito pabalik. Agad kong nilapitan ang punong nakadikit sa pader at sinimulang akyatin ito. Mataas din pala. Napagtanto ko lang ito nang makaramdam ako ng pagod sa pag-akyat.

"Ang hirap umakyat kapag madilim at naka-uniform ka pa." Kinausap ko na lang ang sarili ko para mawala ang pagod ko at makabasag man lang sa nakakabinging katahimikan sa paligid.

Narating ko na ang itaas ng puno at tinulay ang sangang nag-du-dugtong dito at sa pader. Tinignan ko muna kung may barb wire o bubog ang itaas ng pader bago ako humakbang. Nakatapak na ako sa itaas ng pader habang naka-kapit sa mga sanga ng punong inakyat ko. Sobrang dilim. Nakikita ko na ang Dorm at sobrang tahimik dito. Lumakad ako pakanan, sa tapat ng bintanang bukas. Sa tingin ko, second floor ito. Malapit lang sa amin. Tumingin ako sa ibaba at napahigpit ang kapit ko sa sanga. Ang taas pala talaga.

Kaya kong talunin ito. Kailangang makapasok ako sa Dorm kung ayaw kong mahuli ng mga Security na pakalat-kalat sa labas. Huminga ako ng malalim at nagdasal bago tumalon patawid sa loob ng kwarto.

"Aray!!!" Sabay naming sigaw nang makapasok ako sa loob ng kwarto. Hindi ko napansin na may tao pala at doon tuloy ako bumagsak. Wait. What? Tao?!

"Anong ginagawa mo dito?!" Sabay na naman kaming nagtanong. Agad akong kumalas sa pagkakadagan sa kanya at sumandal sa gilid ng kwarto. Ano ba'ng ginagawa nito dito? Teka... Inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight nito. Inilibot ko ang ilaw sa paligid ng kwarto at unti-unti akong nanghina hanggang sa matapat ang ilaw sa kanya.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now