Chapter 45: CANADA baby

Mulai dari awal
                                    

"Pfffft! Hahahaha!" Natawa na talaga siya. At mukhang naiiyak na ata siya sa katatawa. Grabe, nakakahiya 'yung ginawa ko! Magsalamin ba naman daw ako dun? May pout pa akong nalalaman eh nasa loob pala ng sasakyan si Moo!

"You never fail to make me happy."

"Happy? Baka laugh."

Lumabas siya ng sasakyan and... drools! Ang... ang gwapo ni Nathan ko! May nagbago sa aura niya. Para siyang modelo. Alam kong malakas na talaga ang sex appeal niya pero mas grabe iyong ngayon. OMG! Ang hot ng boyfriend ko!

"Laway mo."

"Psh."

He pinched my nose at saka kinuha ang maleta ko.

"Those bastards! I told them to fetch and bring you here." May sinasabi siya pero hindi ko masyadong marinig.

Inilagay niya 'yung bag ko sa likod ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Pumasok naman ako at tumingin sa loob. Hindi kaya may isinasakay ng babae dito si Nathan?

Nakita ko kung paano siya umikot sa harap ng sasakyan niya. Kinikilig na agad ako sa simpleng ganun! Sumakay na siya ng sasakyan at pinaandar ang makina. Ang sarap ng hangin na nanggagaling sa aircon ng sasakyan niya. Omg, first time kong sumakay sa ganito!

"Moo," tawag niya sa 'kin. Hindi pa rin kami umaalis pero buhay na ang makina.

"Hmm?"

"You forgot something."

"Ha? Ano?"

"Aish. Alam mo na iyon."

"Hindi ko alam."

"You know."

"Hindi ko talaga alam, Moo. Ano ba iyon?"

"Mika Mendoza," naiinis niyang banggit sa pangalan ko. Ang hirap naman. Hindi naman ako manghuhula para mabasa ang iniisip niya. "Don't act as if you don't know."

"Hindi ko talaga alam, promise!"

Inilapit niya sa 'kin ang kanyang pisngi. Anong ginagawa niya?

"Ha?"

"Aish! Nevermind, you idiot girl with a really low IQ." Naiinis na siyang nag-drive. Ang gulo talaga ni Nathan. Sabi nila babae raw ang magulo sa relasyon. Hindi raw maintindihan kung ano talaga ang gusto naming mga babae. Pero bakit baligtad sa amin ni Nathan? Si Nathan iyong mahirap intindihin. Ang labo naman! Hindi pa kasi niya sabihin agad eh.

Nag-eenjoy ako sa view nang biglang umimik si Nathan.

"Bakit ka pa nalagay ng lip gloss, mawawala rin naman iyan mamaya?" he said then smirked.

Iyong itsura ni Nathan, parang may nai-imagine siya habang nagda-drive. Lip gloss? Bakit naman mawawala ang lip gloss ko mamaya? OMG! Hindi kaya kukunin niya ang lip gloss ko? Baka... baka kaya pinapunta ako rito ni Nathan para sabihin na... isa siyang kalahi! Hindi maaari! Bakla na si Nathan dahil may nakita na siyang lalaki dito na mas gwapo sa kanya! Kawawa naman ako!

Pinitik ni Nathan ang noo ko.

"Ouch!"

"What are you thinking?"

"Wala. He-he-he!"

***

May isang oras ang byahe namin. Hindi pa rin ako makapaniwala na habang palayo kami ng palayo mula sa airport ay paganda nang paganda ang mga nakikita ko.

Ang sarap ng feeling na kasama mo 'yung mahal mo dito. Napatingin ako sa direkyon ni Moo habang nag da-drive. Aw. May mas cool pa ba sa itsura niya ngayon? Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa manibela at ang isang kamay naman ay nakasandal sa bukas na bintana habang nakahawak sa labi niya. Shet, ang gwapo niya. Napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang