Chapter 45: CANADA baby

Start from the beginning
                                    

"Sana nga." Umiwas ng tingin sa akin si Arden.

Ilang minuto na lang at paalis na ako. Parang ang cool, 'no? Pero hindi ko naman alam kung saan ba dapat unang pupunta. Bahala na nga, sabi naman nila ay may magga-guide naman daw sa 'kin.

Ang dami ko ngang dalang pagkain para kay Nathan eh.

Narinig ko na ang pagtawag dun sa flight number ko. Waah! Heto na! This is it! Sino kaya ang susundo sa 'kin pagdating ko dun? Baka naman mawala ako.

"Ma'am, ipinapasigurado po sa 'min ni Young Master Smith na maayos kayo. 'Wag po kayong mag-alala dahil may mga susundo po sa inyo pagdating niyo dun." Dumating si Greg, ang butler ni Nathan.

"Ganun po ba? Sige po, kailangan ko nang umalis."

Niyakap ako ni Nicole at nagpaalam na ako sa kanilang dalawa ni Arden.

"Ingat, best friend! Naglagay na rin ako ng condom dyan sa maleta mo! Proteksyon 'yan!"

Nakakahiya! Bakit kailangan pang isigaw ni Nicole iyon?! Ano ba iyan! Ipinahiya pa niya ako bago umalis.

***

Pagkarating ko sa Canada, masyado akong namangha nang makita ko kung gaano kalaki ang airport nila. Napakalinis nito. Ang tatangkad ng mga tao kaya nanliit ako.

Sumusunod lang ako sa mga pasahero na kasama ko papunta rito hanggang sa makalabas na ako nang tuluyan. Nakita ko ang ilan kong kasamahan sa eroplano na nakita na ang mga pamilya nila. Nasaan ba si Nathan? Kinakabahan na ako kasi feeling ko naliligaw na ako.

"Is it her?"

"I think so. She has a short hair."

May mga lumapit sa aking lalaki at hinawakan ang braso ko.

"Sino kayo?!"

"Sumama ka na lang sa amin." Hala! Marunong pala silang magsalita ng tagalog.

Hinampas nung isang lalaki 'yung kasama niya. Ang weird nila. Sa'n ba nila ako dadalhin?

"'Di ba sabi ko sa 'yo huwag kang magsasalita ng tagalog. Dapat mukha tayong foren-jer!"

"Nakalimutan ko eh! Teka, nagsalita ka rin naman ah?"

"Nakakainis ka kasi, ikaw ang nagsimula!"

Nag-away na sila samantalang pinipigilan naman sila nung iba pa nilang mga kasamahan na lalaki. Bahala sila sa mga buhay nila basta aalis na ako. Hindi ko naman sila kilala eh.

Unti-unti akong umalis palayo sa kanila habang dala ang maleta ko. Nakakapagod naman at nakakagutom. Napahawak ako sa tyan ko.

Lakad ako nang lakad hanggang sa nakalayo na ako sa parte na maraming tao. Nasa'n na ako? Bakit kaya ako pinabayaan ni Nathan? Hindi man lang ako sinundo!

Kapag nawala ako, paano na? Mukhang ang hirap pa namang kausapin ng mga tao dito. Dudugo ang ilong ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Napatapat ako sa isang pulang Ferrari car. Sobrang ganda pala ng sasakyang ito sa personal at ang kintab-kintab pa! Sa magazine ko lang kasi nakikita ang ganitong uri ng sasakyan.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa repleksyon na nanggagaling sa bintana ng Ferrari. Medyo humahaba na pala ang buhok ko. Sinuklay ko ito gamit ang aking kamay at hinawakan ang aking mukha. Kinuha ko ang aking pressed powder at naglagay nito sa mukha, naglagay na rin ako ng lip gloss. Nagawa ko pang mag-pout. Ayan, mas lalo akong gumanda.

Ilang sandali lang ay nagulat ako nang bumukas 'yung bintana at nakita ang nakangiting mukha ni Nathan. Nakahawak siya sa manibela habang nagpipigil ng tawa. Isinubsob pa niya ang kanyang ulo sa manibela.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Where stories live. Discover now