"Girl! Diba sya yan? "

"Kilala mo sya? "

"Hindi! Pero nakita ko syang lumabas sa kotse ni Acer mah labs ko. Hinatid nga sya sa 1st building "

"OMG! REALLY"

"yeah"

Sabay silang pumasok? Magkakilala sila? Psh. Ano bang pakealam ko?...

Bigla naman itong siniko sa tagiliran kaya napabitaw ito sa pagkakaakbay sa kanya. Ibang klase talaga tong si Mahgie. Yung iba nga gustong gusto idikit ang sarili kay Acer. Pero sya? She's different...

Lumakad ito palabas ng cafeteria ng hindi manlang sya nililingon.

"Sandali Baby Gie! Hintayin mo ako. Huwag ka na magtampo. Dapat nga ako ang magtampo dahil----"

Hindi nito natapos ang sasabihin dahil biglang lumingon si Mahgie sa kanya at sinamaan ng tingin. Napakamot naman to ng batok at tahimik na sinundan to.

Pero teka nga? Baby Gie? Girlfriend nya ba Si Mahgie? Kaya ba nagpunta sya dito para sabay sila maglaunch ng GF nya?

Bigla naman ako nainis sa isiping yun. Teka nga...

Bakit ba ako naiinis? Psh. Ano bang pakealam ko?

End of flashback

Hindi ko talaga alam kung bakit nakaramdam ako ng inis ng makitang may nakaakbay sa kanya.

Siguro baka dahil dun sa pag iisnob nya sa akin at hindi tumatalab ang charms ko sa kanya. Tama yun nga yun... Walang ibang  dahilan ang pagkainis ko kundi yan. TAMA...

Sa kaiisip hindi ko namalayang...

"Class we have a short quiz tomorrow so be prepare okay? I don't want a lowest score to be result . Im hoping that you'll read and review. So that's all. CLASS DISMISSED"

Takte naman oh! May quiz pa bukas. Eh wala akong naintindihan sa tinuro ni Ma'am. Napalingon ako kay Ark at nag aayos na ito ng gamit nya. Lumapit ito sa akin at ngumisi. Psh

"Hindi ka nakinig noh? "-pangangasar nito. Binatukan ko ito. Dahil Nakakainis ang paraan ng pananalita nya. Parang sinasabing hindi-ka-nakinig-dahil-iniisip-mo-you know. Basta, ganun.

"Tumigil ka Ark. Medyo inaantok ako kaya hindi ko masyado naintindihan tinuturo ni Ma'am"-palusot ko. At dahil nga isip bata sya...

"Ay oo nga pala. Nag bar tayo kagabi. Anong oras ka umuwi nun? Si Insan kase ang aga umuwi kaya sumama na ako dahil wala akong sasakyan "-sabi nito. Naglalakad na kami ngayon papunta sa Parking lot.

Diba ang dali nyang mapaniwala?

Nagbar kami kagabi para mag liwaliw. Marami kaseng chicks sa bar. Kaya nakakarelax talaga kapag nasa bar ako. Hindi ko lang alam sa tropa ko. Ang dami ngang lumalapit na chicks sa kanila pero Kung hindi nila papansinin, sinusungitan naman nila kaya sa akin sila lumalapit at Syempre gentleman ako sa mga babae.

Maaga akong umuwi nun. Nung Makaalis ang tropa. Umalis na rin ako dahil hindi masaya kung wala ang tropa.

Napahinto ako sa paglalakad dahil biglang Napahinto si Ark. Napatingin ako sa kanya.

"Si Mahgie ba yun? "-sabi nito

Nagtataka na sinundan ko yung tinitignan nya.

0____0

Napanganga ako at talagang nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila.  Kaya pala ganun ang reaksyon ni Ark.

Nakita namin sa hindi medyo kalayuan mula sa pwesto namin si Mahgie na kasabay sa paglalakad patungo sa kotse si..

Hence...
At Hindi Lang iyon. Kahit na medyo Malayo sila kitang kita kong...

Nakangite ito habang kausap si Hence... Lalo pa itong ngumite ng pagbuksan sya nito ng pinto ng kotse pero bago sya makapasok sa loob bigla itong napatingin sa direksyon namin----ko.

Dug.dug.dug

Nagulat ako at agad na napaiwas ng tingin. Naging cold ulit ang mga mata nito ng mapatingin sa amin.

Maya maya lang ay sinusundan ko ng tingin ang kotseng sinakyan nila paalis hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

"Si Hence yun ah. Nakauwi na pala sa pilipinas ang loko. Hindi manlang nagsasabi"

"Sabihin natin sa kanila na nakauwi na si Hence. Baka Hindi pa nila alam"-sabi ko

"Mabuti pa nga"

Naupo akong driver seat at papaandarin ko na ito ng biglang pumasok sa loob si Ark. Napakunot noo ako.

"Sabay na ako sayo. Nauna na si Insan eh. Wala akong sasakyan "-at nag peace sign pa ito.

Hindi ko na lang pinansin at pinaharurot ko ang kotse papunta sa hideout.

Habang nagdridrive ay hindi ko maiwasang maisip si Mahgie. Hindi ko alam pero ng makita ko syang nakangite kanina kahit na hindi sya nakatingin sa akin parang nag slow mo ang paligid. At mas lalong hindi ko alam kung bakit bumilis yung tibok ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman to.

Weird.....

Hindi kaya nahilo ako kanina kay Parang nag slow mo ang paligid...

At

May sakit ako sa puso dahil bumilis yung tibok ng puso ko...

Pero parang Hindi... Psh Ewan... Im starting to get confused... 


The Coldest Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن