08 | At the Hospital

Start from the beginning
                                    

"Kung matutulog ka nalang, sigurado naman akong ako ang makikita mo sa panaginip mo." ngumisi lang ito.

"Hindi, kase unicorns ang nakikita ko." saad ko pa.

"Owsss?, edi ako yung mga unicorns, walang ibang mukha ng unicorns kundi mukha ko lang." hinampas ko lang siya sa balikat.

"Iiiihh ang panget kaya." tumawa naman siya. I tried imagining na isang unicorn si Rude, Jusko. It's a horror.

"Chess, Im sorry." he held my hands.

"Para naman saan?" nagtataka kong tanong.

"Inabisohan pa kita na makipagbati eh, 'di ko naman alam na mauuwi sa aksidente. Chess, im so sorry talaga."

Oh my god, ang cute niya. Tumawa naman ako. "Anong nakakatawa?" he pouted.

"Rude? Is this you Rude? Nakakapanibago" I laughed, nakaramdam ulit ako ng pingot sa ilong. " Oo na, okay lang! ano ka ba?" hinampas ko ang braso niya ng mahina atsaka tumawa.

"I love you Chess." ngumiti siya at niyakap ako.

Huh? Wait did he just say I love you? Nabigla ako - No - I was taken aback by his sudden choice of words.

Is this really Rude.

"Ouch." napa-aray ako bigla, nahawakan niya kase ang mga sugat ko. Gago, 'di man lang nag-sorry sa akin.

"Buti naman sugat lang at maliit na fracture sa paa ang nakuha mo. Iiyak talaga ako kung magkaka-amnesia ka." teary eyed niyang sinabi. Agad ko naman siyang hinampas sa batok. "Aray naman, What was that for?" he yelled, nagulat naman ako. Hawak-hawak niya ang ulo niya. His forehead creased.

"Sorry, ikaw kase eh, kung anu-anong iniisip. Bakit, masakit ba?" tinry kong ireach ang ulo niya so I can blow an air, para kunwari daw tinatry ko iheal. Umiling lang siya sa akin.

"Nauntog kase yung ulo ko sa pader sa sobra kong pagmamadali." explain niya. Naawa naman ako.

"Aww 'yan kasi ang clumsy mo." I teased, suddenly he pout at me again.

"Okay lang!" pinilit niyang ngumiti at saka nagthumbs up.

"Masakit pa yan eh!" mangingiyak kong sinabi sa kanya, tumawa lang siya at pinisil ang aking pisngi.

"Okay lang sabi eh."

I gave up "Sabi mo eh."

"Masakit." sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Sabi sayo eh."

"Tama na, tama na." dagdag niya. He pouted at hinawakan ang ulo niya. Agad naman akong napahawak sa batok ko. Ouch, medyo masakit parang nangangalay.

"Anong problema?" taning nito na may halong pagalala.

"Masakit ang batok ko."


"Pahinga ka muna." utos ni Rude, tumayo na siya at nilagay ang bag niya sa sofa na nakalagay sa harap ng higaan ko. Sinunod ko naman ang utos niya at namahinga ako, hanggang sa makatulog nadin ako.

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Rude. "Hey, gising na."

Unti-unting dumilat ang aking mga mata. May dalang isang sopas si Rude. Umupo naman siya sa tabi ko at pinasubo sakin ang isang kutsarang mainit na sabaw. Sa una, ayaw ko pa kase nakakahiya sa kanya eh, kasi siya na nga tong nag-aalaga sakin tapos susubuan pa ako? sobra naman diba? Tapos I don't really like Hospital foods because they taste bland.

"Rude, kaya ko naman eh." ngumiti lamang ito sakin.

"No its okay, It's okay. Susubuan lang naman kita. Gusto mob a iba isubo ko?" Inabot ata 'to ng topak, Jusko. Rude just smirked at his behavior. Kaya binatokan koi to ulit.

"Ouch." He pouted, "I just want to serve my wife."

"Anong wife?" tanong ko habang nakataas ang kilay. Napakamot nalamang siya ng ulo niya. "'Di pa nga tayo" I rolled my eyes at him.

But he didn't mind what I said instead he took a spoonful of soup and said, "Open your mouth." utos nito sakin, sinunod ko naman at sinubo na.

"Ba't ba ang bait mo?" I asked. "This isn't like you at all."

"Ganito talaga ako Chess, 'di lang halata kasi astig ako." nagpogi sign naman siya. Mukha niya astigin!

Nang maubos ko ito, pinatong na ni Rude ang bowl sa end table sa gilid ko. "At isa pa, ganito ako kung mahal ko ang isang tao." Sabi nito sa akin, he was serious when he said those words.

"Ang tanong, mahal mo ba talaga ako?" tumango lamang siya at ilang minutong di nagsalita.

"Oo naman syempre."

"Totohanin mo kase Rude..." alam ko naman kaseng napipilitan ka lang. Malungkot ako nang sinabi ko 'yun. Di naman talaga ito ang ginusto ko eh, aaminin ko mahal ko na si Rude. Pero may parte din sa puso ko na parang 'di to tama. Na parang ayaw niya.

"Promise Chess, totoong-totoo ito." he held my hands at pinatong to sa dibdib niya. His heart was beating so fast. "I love you." ngumiti ito sakin at hinalikan ako sa labi. It was a long and passionate kiss and I can't get over it, kaya napahawak ako sa leeg nito just so he can deepen the kiss.

Nakaramdam na naman ako ng spark? siguro iba na to? Nagelectrify naman sa buo kong katawan ang tinatawag nilang spark, mula sa labi ko hanggang sa paa. Feeling ko kasi may dumaloy na electric current sa katawan ko. Honestly it tickled my whole body, then the butterflies inside my stomach started flying again.

Yeah, this is really weird.

We stopped when we heard someone open the door, a familiar voice called my name.

"Chess?"

Levi looks flustered, confused and aggravated?





My illustration on the media provided 😉

RUDE (boyxboy)(bromance) - completedWhere stories live. Discover now