29 | The Proposal

8.7K 236 21
                                    

Chapter Twenty-Nine | The Proposal
Chess' Pov:
happy 30k reads nga pala.! Thank you everyone! 042815

Nagising ako na wala na si Rude sa bahay. Ang bilis lang pala, ayun. Wala na kami. It was disappointing pero It didn't make me sad, kasi for the past few days I have been feeling nothing but total sadness already. I guess im used to it? I got out of bed as soon as my phone started buzzing, so I decided to take a shower already at magbihis na lamang.

April twenty-eight na ngayon, death anniversary ni Mommy. Bibisitahin ko siya ngayon sa puntod niya sapagkat 'di si Dad makakadalaw kasi nasa States pa rin siya, kaya ako nalang mag-isa ang aalis mamaya.

April twenty-eight, birthday ko din. Ang araw na kung saan ipinanganak ako ni Mom.

April twenty-eight, ang last day ng contract ng relasyon namin ni Rude.

April twenty-eight, ang last day ng pagkikita namin ni Rude. Mamayang hapong na ang flight ko papuntang US. Doon na rin kami titira for good. Aargue man ako kay Dad pero hindi na pwede, para din sa kinabubuti ko 'to.

I decided to go to the cemetery earlier kasi I need to prepare my things for the trip. Nagdala lang ako ng flowers atsaka cake sa puntod ni Mom. I sat sa puntod niya for an hour, nag-uusap lang ng kung ano-ano, telling him about the recent happenings sa buhay ko. And telling him about Rude, and how we just ended up as nothing.

"Ma, how's it up there?" tanong ko sa kaniya. I received nothing but the rustling of the wind of April.

I stood up and went back to the car para makabalik na sa bahay. I still need to finish preparing all of the things na kailangan kong dalhin para sa States. Habang papauwi, I realised i wanted to visit my alma-mater muna. So sinabihan ko muna ang driver namin na pumara muna kami sa school ko noon.

I'm gonna miss this gabaldon styled school. My alma-mater, the place where everything happened for a reason. The place where I met Rude.

When I stepped inside the school's ground, may sumalubong sa akin kaagad na isang guwardiya.

He gave me a letter.

Binuksan ko din naman ito eh. At may nakatype na directions. Sabi dito, pumunta daw ako sa bench ng park ng aming school. So I followed it and when I found myself on the park.

The park where me and Rude first had an interaction.

I saw Onxiel, he was smiling while carrying a signboard. Binasa ko itong nakangiti. "Hi Chess. Punta kang Locker room." Ngumiti naman sa akin si Onxiel. I decided to leave him pero hinawakan niya ako "Chess I'm sorry." Sabi nito sa akin, I just nodded at him. "Its okay." And continued walking.

Umalis na ako at nagpaalam na kay Onxiel. Pumunta naman ako sa locker room. Pero bago pa man ako makapasok doon. Sinalubogn ako ni Steve na may dala-dalang letter.

Binasa ko ang nakasulat dito. "There's an open locker. There, you'll see the last clue."

Agad ko ding nakita ang nakalagay na clue. Isang box ng sigarilyo.

Sabi ko na nga ba eh. Wala talagang magawa ang mga unggayo na to. Kinuha ko rin naman ang box ng sigarilyo, pero pagkuha ko may note pala sa ilalim nito.

May nakasulat dito ng : "Go to the School's Gym. Your journey is not yet ending."

Sinunod ko naman ito. Closed ang gym ng school, kaya madilim ang loob kapag naoff ang ilaw. Oh, akala ko ba may reunion?

Bigla namang may nagspotlight pagpasok ko. Atsaka may tumugtog ng kanta na Love Me like you do ni Ellie Goulding. Remix version ngalang ni Sandh. This was the song Rude used to hum nung paalis na kami ng Ospital. Kaya pala pamilyar ang kanta nay un, kais, nakakahele.

Kasabay ng pagbeat ng rhythm ng kanta ay ang pagsunod-sunod na pag-ilaw ng mga kumikintab na mga ilaw.

May nagopen ng mic. "Beyonce taught us that it's okay to be single."

It's Rude. Nakangiti lang siya sa akin habang nagsasalita. Ako naman, parang napako sa aking kinatatayuan.

"Divergent taught us that its okay to have fears."

"Christinna Perri taught us that it's okay to make mistakes because we're only humans."

"Lady Gaga, taught us that it's okay to be different."

"Olaf taught us that some people are worth melting for." He smirked at me as he hold unto his mic tightly.

Nakatayo lang akong nakatingin sa kaniya.

"Katy Perry taught us to love unconditionally."

"Pharell Williams taught us to be Happy."

"Taylor Swift said You belong with me." Then he laughed. "Because I love your curves and all your edges, all your perfect imperfections."

Tumawa naman lahat lahat ng mga tao sa loob ng gym. May mga nag cheer din. Kinikilig ata.

"But there's one thing that we should always be reminded about, that love taught us how to change, to appreciate things, to not blame others and to not expect anything. Because love just comes out. " he sighed then went near me.

"Because, you're the love.. Who taught me to change."

Nakita ko siyang lumuhod sa harap ko. Then, kinuha niya ang hawak-hawak kong kahon ng sigarilyo, I realized hindi pala 'yun sigarilyo may tinatago palang ring sa loob ng box nay un kaya pala mabigat. Jusko. Binuksan niya ito at nagsalita.

"Will you be my forever?"

Ang mga katagang sinabi niya ay nagpamulat sa akin. Nagpamulat sa akin sa katotohanang may mga tao palang nagbabago. Dahil lang sa pag-ibig. Tears again, started to fall from my eyes. Umiyak na naman ako, bwiset Rude. Epal na naman ang mga luha ko. Hindi ako umiiyak dahil sa saya.

Kung hindi dahil sa huli na ang lahat para sa kaniya.

"S-sorry Rude."

RUDE (boyxboy)(bromance) - completedWhere stories live. Discover now