25 | I Love You

9.1K 248 25
                                    

Chapter Twenty-Five | I Love You
Chess' Pov:

Ilang araw nalang at matatapos na din ang kontrata namin ni Rude. Hindi na siya mahihirapan sa akin. Dahil isa lang naman akong sagabal. Medyo pumayat na ako, nawawalan kase ako paminsan ng ganang kumain. Dahil sa madalasan na ang pagdalaw ng 'hirap sa paghinga' sa akin.

Paminsan na hospital na naman ako, isang araw akong kinonfine pero nag matigas padin ang ulo ko. Dahil gusto kong maging malaya. Gusto ko nang ienjoy lahat-lahat hanggang sa makakaya ko pa. Panay na naman ako sa kakaubo. Andito ako ngayon sa bahay ni Levi, na ngangamusta lang naman.

"Hindi ka na naman uminom ng gamot ano?" Tinaasan lang ako ni Levi ng kilay, ako naman nagkawaling taenga lang sa kaniya.

"Ano ka? Hoy nakainom yata ako nun."

"Hmm." He just scratched his chin.

I nodded. Nakaupo siya sa sofa nila habang nanunuod ng Wrestling, ako naman. Hindi ko matake ang pangaaway ni Triple H at ni Sting kaya lumabas muna ako ng bahay ni Levi atsaka nagpahangin-hangin. Umupo ako sa damuhan ng garden nila. Abala ako sa pagbubunot ng damu ng magring ang cellphone ko.

Sinagot ko naman ito, Si Rude lang pala.

"Oh?" Sagot ko sa kaniya.

"Hi My wifey. Sunduin na kita diyan? Kagagaling ko lang sa Grocery eh. Ta-try kong magluto ng adobo ngayon." Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. "Baby, is something wrong?" Bakas sa boses niya ang pagaalala.

"W-wala." I sighed.

"Sige, papasundo ka na?" He asked me.

"O-oo." i said astaka tumayo na ako. Rude ended his call. Pinak-pak ko ang shorts ko atsaka pumasok sa bahay ni Levi.

Umupo lang ako malapit sa kaniya. Habang nanunuod na naman kami ng Wrestling. "Levi, noon ko pa to gustong itanong sayo eh."

Levi just arched his brow. "Ano yun?"

"Kayo ba nung babae na yun?"

By means of 'yun ang babaeng nakita kong kasama niya noon ba. He just nodded. "Magtatatlong buwan na din." Gumuhit ang ngiti sa mukha niya. I don't know kung ano ang pumasok sa kokote ko na basta ko nalang niyakap si Levi.

"Naks, gumu-girlfriend na. Ayieee." Tukso ko naman sa kaniya.

"Ikaw nga nakikipag-Love Quarrel Love Quarrel pa kay Rude eh." Tukso din nito pabalik sa akin. "Di pa there's was never an us ka pa." He mocked my voice.

Hala? Paano niya nalaman?

Napanganga ako, yun ang line ko kay Rude ah? "Hala? Pano mo nalaman?"

Nag-act si Levi na para bang bakla. "Heler?, nung nasa ospital ka at nakatulog lang ako sa sofa ng kwarto. Rinig na rinig ko ang pag-aaway niyong dalawa ano ba? Tahimik din kaya akong lumabas nun. Busy kayo sa pag-LQ ni Rude eh." At tumawa pa ang gago.

"Chismoso! Che." Sinampal ko ng mahina ang braso nito.

"So, kelan mo sasabihin kay Rude?" bigalng tanong ni Levi sa akin. Umayos ito ng pagkakaupo at saka prenteng nagposisyon sa harapan ko para tanungin ako ng seryoso.

"Wala ayaw ko naming sabihin sa kaniya."

"Do you think fair yun para kay Rude?" I just nodded.

"Sabi kasi ni Dad ayaw niyang sabihin ko kay Rude. At isa pa, its for the better naman." Magsasalita pa sana si Levi nang magbeep ang sasakyan sa labas ng bahay nito.

"Oh, andiyan na si Coco Martin mo."

Nagbelat lang ako sa kaniya at lumabas na ng bahay niya. "Salamat nga pala sa WRESTLING mong yan. Ge, mauna na ako."

He just waved at me and continued watching his favourite show. Lumabas ako ng bahay niya atsaka nakita ko naman si Rude na nakashades pa at nakacap pa na naghihintay sa akin sa labas ng sasakyan niya.

"Wife ko, sorry natagalan si Hubby mo." He whimpered like a dog.

"Eww." Saad ko pa sa kaniya at pumasok na sa loob.

Umuwi na din kami ng bahay namin, wala na naman kase si Dad dahil abala sa pag-aasikaso ng mga kailangan para sa pag-alis namin. Pinark na ni Rude ang sasakyan niya sa aming garahe atsaka binaba na niya rin ang mga pinamili niyang grocery at tinulungan ko naming itong bitbitin ang iba.

Pagkatapos kong ilagay ang mga binili niya ay pumunta ako sa kwarto para magpahinga muna. Pagkagising ko, mag-gagabi na pala. Bumaba na ako ng kwarto at nakita ko naman si Rude na katatapos lang magluto. Amoy na amoy ko ang adobong linuluto niya. Masarap. Para ata akong ginutom.

Pagkababa ko. Bumungad sa akin ang isang gwapong lalaking naka-apron. Tapos may dumi pa sa mukha niya. Nang tumama ang mga tingin namin sa isa't isa. Ngumiti lang ito sa akin atsaka hinandaan na ako ng pagkain.

"Baby, kain ka na." He offered me his delicious meal. Lumapit naman ako sa kaniya atsaka inalis ko ang dumi sa mukha nito. Akala niya siguro hahalikan ko siya sa lips ng torrid. Pero, pagkatapos kong kunin ang dumi i gave him a smack in his lips.

Mami-miss ko 'to.

Ngumiti lang ako sa kaniya atsaka inaya na siyang kumain na kami. Masarap ang luto ng mokong, not bad for a first timer.

"Babe, I love you."

Ayan na naman Rude eh, natapos na akong kumain nang sinabi niya na naman ang mga katagang 'yan mabuti nga hindi ako umiyak. Ang panget tingnan eh. Nag-iwas ako ng tingin. Rude suddenly held me by the hand, "b-baby may problema ba?"

Hindi ko lang siya pinansin, nakatingin pa din ako sa ilalim. "Hey, andito ako ho. Akala ko ba sasabihin natin lahat ng mga problema natin sa isa't isa ah?" Para siyang nagtataka.

I just nodded.

"So? Anong problema?"

"W-wala naman." Ngumiti ako sa kaniya ng matamis."I-I love you." Dagdag ko pa sa kaniya ang salitang hino-hold ko noon pa man.

He just smiled at me bitterly. Rude, nagbago ka na. Masayang masaya na ako para sayo. Hindi ka na ang Rude na nakilala ko noon na masungit. Ibang iba ka na. You now learn how to be kind, and care for others. Especially how to love.

Totoo nga ang kasabihan ni Spongebob na "no one can change a person but someone can be a reason for a person to change."

RUDE (boyxboy)(bromance) - completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon