Chapter 12: Forced Amnesia

48 3 0
                                    


After two years...

Louie.

Hindi ko alam na makakabalik pa pala ako sa Pilipinas. Akala ko sa paaralang yun nalang ako hanggang grumaduate ako. Hindi ko alam kung kulungan ba iyon o paaralan. Mabuti nang nakaalis ako. Kung alam ko lang sana na ganon doon...

Kamusta na kaya si Naomi? Hindi ko na alam kung anong mga nangyari sakanya. Kung hindi dahil sa invitation ng school na iyon, hindi din naman ako aalis. Pumayag lang ako sa gusto ni dad.

Kung alam ko lang na babalik pa ako dito, edi sana hindi ko nalang yun ginawa sa kanya. Sana hindi ko siya tinulak palayo, sana hindi ko winakasan ang pagkakaibigan namin. Nagsisisi talaga ko. Ayaw ko kasing umasa pa siya na babalik pa ako.

"Sana mapatawad mo pa ako Naomi." Lumabas ako ng airport at nakita kong naghihintay si dad sa labas. "Dad!"

"Louie! Hay, ang tangkad mo na. Kamusta ang pag aaral mo sa U.S.? Maganda ba dun? May naging kaibigan ka ba?" Hindi po naging maganda. Wala po akong naging kaibigan.

"Oo naman po, siyempre! Ako pa ba?" Hindi ko na gustong mag alala pa siya.

"Mukhang pagod ka na ah." Pagod na pagod talaga. "Ako na ang magdadala ng mga yan AT wala kang maggawa." Kinuha niya kaagad sa akin ang mga gamit ko.

"Dad, kaya ko na. Hindi na po ako nasa elementary..." Wala siyang sinabi. Nako talaga. "Dad, kamusta nga pala sina tito at tita? Yung parents ni Naomi?"

"Ha? Sila ba? Hindi na kasi kami business partners ngayon. May problema lang kasi, may hindi pagkakaintindihan. A month after ka umalis, kinausap na kaagad nila ako. But don't worry. Okay na okay ang companya natin." Sana nga hindi dahil sa akin kung bakit nagback out sina tito. "Tara na."

Nilagay ni dad ang mga gamit ko sa likod ng kotse at dumiretso sa bahay. Sa dating school ko ulit ako mag eenrol this school year. Gusto ko din kasing makita at makausap si Naomi. Miss na miss ko na siya.

Naomi.

"Op, dito ka lang. Hindi ka pwedeng sumunod sa mga babaeng yun. Alam mo naman ang mga pinaggagagawa nila diba? Bad influence." Hindi pa nga ako nakatayo eh.

"Sigurado ka bang sasama ako sa kanila? Hindi ba pwedeng pupunta ako sa restroom? Ikaw talaga Kurt, overprotective ka na, judgemental ka pa."

"Edi magcr ka na. Cr na dun. Basta wag kang sumunod sa mga babaeng pasikat na yun." Hindi naman talaga.

Naglakad ako papunta sa CR.

At nakita ko siya

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

At nakita ko siya...

"Anong ginagawa niya dito? Diba dapat nasa U.S. siya?" Hindi, hindi..hindi mo siya kilala diba? Wala lang siya.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Pakialam ko kung bumalik siya? He's just a nobody now.

"Hey Naomi!" Ay patay. "May gagawin ka ba mamaya?" Hindi dapat ako nakikipag usap sa kanila.

"Oo eh."

"Sayang. You know what, ipagpaliban mo nalang yan. Bar tayo mamaya. My treat. Mukhang hindi ka nageenjoy sa life mo eh."

"Ah hindi, okay lang talaga. Busy kasi ako. Um, mauuna na ako. Salamat nalang." Aalis na sana ako pero hinila nila ang braso ko.

"Alam mo ang OA mo! Kami na nga ang nagaaya sayo, pabebe ka pa."

"Sa hindi ko nga gusto eh. Bakit niyo ba ako pinipilit?"

"Our friend likes you." So? "We want you to meet him."

"Papaano naman kung ayaw ko? May magagawa ba kayo? Marami pa akong gagawin."

"No, you're coming!"

"Hoy!" Sabay kaming napatingin sa kanya. "Wag niyong pilitin kung ayaw." Aba..

"Ahaha, sige kuya.." Naglakad sila paalis. Ano yun? Nainlab lang?

"Miss, okay-" Bigla siyang natigilan. "Naomi?" Huh, naaalala pa pala niya ako? Ang ex kaibigan niya. Akala ko nakalimutan na niya ako.

"Salamat." Naglakad ako paalis. Kung magtatagal pa ako doon, baka kung ano pang masabi o magawa ko.

"Sandali lang Naomi!" Binilisan ko ang paglalakad. Ayokong makausap siya. Hinila niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. "Nagsasalita ka na ba? Totoo bang, bumalik na ang boses mo?"

"Bitawan mo ako."

"Ganon ka ba magsabi ng 'I miss You' sa bestfriend mo?"

"Huh, best friend? Are you joking? Ni hindi nga kita kilala, best friend agad? Nagkakamali ka yata."

"Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw si Naomi. Ikaw yung best friend ko!" Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong 'best friend' niya.

"Wala akong kaibigang, nananakit ng damdamin at bigla biglang umalis. Kung sino man ang tinutukoy mo, siguro umalis na din siya." Inalis ko ang kamay ko sa kamay niya. "Hindi ako ang kaibigan mo." Tumakbo ako pabalik kay Kurt. Naiiyak nanaman ako dahil sa kanya.

"Naomi! Bakit ka umiiyak? Diba sinabi kong wag kang lumapit sa mga babaeng iyon? Tignan mo ang nangyari."

"Kurt si Louie, bumalik siya.. Nandito siya.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumulo nanaman ang mga luha ko ng dahil nanaman sa kanya.

Hinila ako ni Kurt at niyakap. "Wag ka nang umiyak. Tapos na yun. Akala ko ba nakalimutan mo na ang ginawa niya, pati narin siya? Hindi ka niya deserve."

Oo, tama siya. Hindi dapat ako umiiyak dahil sa kanya. Hindi ko na siya kilala. "Tama ka Kurt. Hindi na ulit ako iiyak." Kumawala siya at pinunasan ang mga luha ko.

"Tara na. Ilang minuto nalang, magsastart na ang first subject natin." Kinuha ko ang bag ko at naglakad papunta sa classroom.

Habang naglalakad kami, nakita ko ulit siya. Hindi ko na siya papansinin. "Naomi?" Hay, nakita niya kami.. "Naomi! Sandali!"

Hinila ko si Kurt papasok sa classroom namin. Hindi naman makakapasok ang lalaking yun dito. "Konti nalang talaga, masasapak ko na siya." Sabi ni Kurt.

Pinatong ko ang ulo ko sa mesa. Hay, buti naman hindi kami naabutan ng isang yun. Gulo talaga pag nagkasuap na kami ng masinsinan.

"Everyone, please say hello to our new student. I mean, ang nagbabalik.." Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya. Dito siya? Magkaklase kami? Hindi pwede!

"I'm Louie Salazar. Dito ako nag aaral since elementary and I'm happy to be back here. Salamat." Nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

"Okay Louie, please sit behind Naomi." Po? Hindi! Bakit sa lahat ng mga upuang bakante, sa tabi ko pa talaga?

Umupo siya sa gilid ko. Hindi 'to nakakatulong..

"Naomi, I'm sorry.."


A Silent GoddessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora