Chapter 3: Alone

70 3 0
                                    

Naomi.

"So anak, kamusta ang first day mo? Did it go well?" Tanong ni mommy. Ayoko nang magalala pa sila ni daddy. Nag thumbs up ako para hindi sila magalala.

"That's good. Wala naman palang problema after all. I told you she's a strong one, Faye." Sabi ni dad.

"Salamat naman. I was worried about you the whole day. Mabuti naman kung ganon. Kampante na ako." I'm happy to hear that.

--

It's been a month at hindi naman araw araw binubully ako ng mga kaklase ko. Isa pa, palagi namang nakabantay si Louie kahit pinapaalis ko siya.

"Hindi ako aalis o hindi ako aalis?" Ano ba namang klaseng tanong yan? "Naomi, I'm fine with this. Kung pwede lang sanang magtransfer ng section, ginawa ko na. Kaso wala akong valid reason para gawin yun. Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Nandoon ang kaibigan ko. Kailangan niyo akong itransfer doon' diba?"

'Okay lang ako. Hindi naman nila ako nilalait araw araw.'

"But they are still bullying you and it's a big deal. Hayaan mo, pag sinaktan ka ulit nila Kurt ako na ang makakalaban nila. Ginamit lang naman nila ako."

Tama, ginamit lang nila Kurt at Ryan si Louie para maging famous din sila. I accidentally heard their conversation. But he doesn't mind.

"Porket may kapansanan ka, lalaitin ka lang nila? Hindi ako papayag." One thing I hate about him, the ONLY thing I hate is that, ang over protective niya. "Basta nandito ako, walang dapat manlait at manakit sayo."

'Salamat'

*Ring*

"Tara na. Pag nalate ka, hindi mo nanaman ako papansinin, diba?" Hinila niya ako patayo. "Tulad ng nangyari last week." Tinulungan ko pa kasi siya sa assignment niya kaya nahuli kaming dalawa ng pasok. Ayon, isang linggo ko rin siyang hindi pinansin.

Tumakbo kami papunta sa classroom namin. Pasalamat siya hindi kami nalate. Nahuli kong nakatingin sina Beth sa akin. Isang masamang tingin. Ano nanaman ang plano niya?

--

"You will have a group project and your topic is about matter. Construct something that can explain your given category. Count off from one to three.."
..
..

Group one? Kasama ko sina Beth? "I don't want to stress all of you pero you will present it tomorrow morning. See you tomorrow, class dismissed."

Bukas? That means, malalate akong umuwi? Nagpaalam kami kay teacher at umalis na siya. "Okay group Solid, dito tayo gagawa ng project so expect niyo na na late tayong uuwi." Sabi ni Beth. "Okay people, let's work! Dun tayo sa court gagawa."

Nauna na silang pumunta sa court. Nagpaalam muna ako kay Louie, baka magantay siya sa wala. "Oh, Naomi, uuwi ka na?" Umiling ako. "Saan ka pupunta? Wag mong sabihing, gagala ka?"

'Sa court lang. May project kami.'

"Talaga ba? Edi hihintayin kita." Ayan nanaman siya. "Kahit hanggang gabi pa kayo dito.."

'Uuwi ka o hindi kita papansinin ng isang taon?'

"Oo na! But don't expect me to not worry. Sige, alis na ako. Mag ingat ka ah." Kumaway ako at umalis  na siya. "See you tomorrow!"

Dumiretso agad ako sa court. "Okay guys, maiiwan kami ni Nei dito, the rest bumili kayo sa labas ng materials." Nagsilabasan na ang mga kagrupo ko. "Eh ikaw pipi? Diba sabi ko kami lang ni Nei ang matitira?"

"Oh! We're gonna need her to clean the whole place. Kumuha ka doon ng walis at maglinis ka. We need to have a clean surrounding. Go!"

Kumuha ako ng walis at naglinis. Pinagtatawanan naman ako nilang dalawa. "Masunurin naman pala eh. Sige, pagkatapos mong maglinis, itapos mo yan doon sa likod. May basurahan doon sa taniman."

Pagkatapos kong maglinis, dinala ko na ang basura sa likuran, tulad ng sinabi nila sa akin. Maraming insekto dito tapos marami ring kalat. Nakita ko yung basurahan na sinasabi nila pero bago ko pa matapon ang dala ko may humila sa akin.

"Akala mo ba hindi kami nakakahalata? Bago ka palang dito pero close na close na kayo ni Louie. Anong ginawa mo sa kanya?" Sina Beth at Nei... "Ano?! Sumagot ka!"

"Beth, pipi nga diba? Paano ka niyan sasagutin?" Sabi naman ni Nei.

"May point ka. So para mabayaran mo ang kasalanan mo sa amin, magoovernight ka dito!" Ano? Ano bang kasalanan ko sa kanila? "Nei, give me the rope." Rope? Lubid? Anong gagawin nila?!

Bigla nalang kinuha ni Beth ang dalawang kamay ko at ginapos gamit ang lubid. Sinubukan kong kumawala sa kanila pero mahirap na. Sinubukan kong sipain sila pero sinipa din nila ako pabalik. "Stop moving! Gusto mo bang ihulog ka namin sa bangin?" Ano?!

Pagkatapos nilang itali ang dalawang kamay ko sa isang puno, nagtawanan silang dalawa. "See you tomorrow Naomi. That's kung okay ka pa. Let's go Nei." Naglakad sila paalis.

Sandali! Paano ako dito?! Paano ako makakaalis dito? Hindi naman ako makakasigaw...paano na ako? Sinubukan kong alisin ang tali sa akin gamit ang ngipin ko pero ayaw talaga eh. Ano nang gagawin ko? Paano ako makakauwi nito? Wala na akong nagawa kung hindi umupo umiyak.
..

Napansin kong malapit nang dumilim ang paligid. Wala bang tao dito? Buong gabi, nandito lang ko? Paano ako makakaalis dito?!

Gustong gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. May narinig akong kung anong ingay. Baka ahas o kung anong hayop na iyon? Anong gagawin ko?! Sa sobrang takot ko napayuko lang ako at umiyak ulit hanggang sa nakatulog nalang ako.

--

Nagising ako nang biglang bumuhos ang ulan. Tumayo ako at tumingin sa paligid. Madilim na talaga at wala nang tao. Paano ko 'to sasabihin kela mommy? Magagalit sila... Biglang kumulog at napatalon ako sa kinatatayuan ko. Sana hindi nalang ako sumama dito... Gusto ko nang umuwi. Napaupo ako at umiyak ulit.

--

"Naomi?! Naomi! Anong ginagawa mo dito!? Bakit ka nakatali jan?!" Nagising ako sa sigaw ni Louie. Umaga na pala. "Naomi ano 'to?!" Mabilis niyang pinutol ang lubid gamit ang pocket knife niya. Salamat naman at nandito siya. "Okay ka lang?" Agad ko siyang niyakap at umiyak ulit. "Bakit ka nandito?! Sinong may gawa sayo nito?! Ililibing ko yun ng buhay!" Kumawala ako. "Namumutla ka na. Tara, dadalhin kita sa clinic." Tinungan niya akong makatayo at dinala sa clinic. "Ma'am nurse, okay lang ba siya?"

Tinignan muna ng nurse yung I.D. ko. "Naomi, you just need some rest at kailangan mo ding kumain para bumalik ka sa dati. You'll be fine don't worry. May ilang sugat ka but I already cured them. Don't stress yourself, okay?" Tumango ako. Mabuti naman kung ganon. "Louie, pakibantay muna siya dito. I'll call your Adviser and Naomi's parents. Let her eat that one tray of food. Kailangan niya yan." Naglakad paalis si Ma'am nurse.

"Anong pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?" Siyempre. Hindi pa ako nakakain simula kagabi. Dinala niya sa tapat ko ang tray ng pagkain. Susubuan pa niya sana ako pero tumanggi naman ako. Malaki na ako noh. "Tsk, sige. Ikaw nang kumain niyan, sige ka. Nanghihina ka pa Naomi. Gusto mo bang magalala ang parents mo?"

Siyempre hindi. Sana nga hindi nalang ipinarating ito a kanila eh. Umiling ako.

"Then let me. I'm your friend at tungkulin kong tulungan ka. Hayaan mo na ako please? Minsan lang naman."

Bago pa ako makasagot sinubuan na niya kaagad ako. Galing.

A Silent GoddessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang