Chapter 2: Handsome Friend

84 3 0
                                    

Naomi.

*Ring*

"Okay class dismissed. See you this afternoon." Umalis na yung teacher namin. Nagsialisan din yung mga classmates ko. Well as for me, naiwan ulit ako dito.

Kinuha ko ang baon ko at kumain. Hindi ko naman kailangang pumunta pa sa canteen. Siguro, punong puno na doon. Hindi naman masyadong maingay dito dahil halos lahat ng estudyante nasa canteen na.

"Nag-iisa ka nanaman dito?" Oh? Tumingin ako sa pinto. Si Louie lang pala. "Wala ka parin bang kaibigan?" Pumasok siya tapos umupo sa tabi ko. Umiling ako bilang sagot.  "Talaga? Edi, ako nalang." Sabi niya tapos ngumiti.

Sigurado ba siya? Kinuha ulit yung notebook ko at nagsulat ng, 'Hindi naman kailangan. Okay lang ako.'

"No, no, I insist. Hindi rin naman ako sinasama nila Kurt at Ryan kaya sa tingin ko hindi kaibigan ang turing nila sa akin." Sambit niya. Kawawa naman siya. Ang yabang talaga ang dalawang iyon.

'Sige. Magkaibigan na tayo =)' Lumiwanag naman yung mukha niya nang makita yung sinulat ko.

"Talaga ba Naomi?" Tumango ako. "Thanks. Walang bawian ah." Kinuha rin niya ang baon niya at kumain. Mukhang masarap ang ulam niya ah. "Gusto mo?" Umiling ako. Nakakahiya, ngayon lang naman kami nagkakilala. "Hay, bibigyan nalang kita." Kumuha siya ng limang pirasong karne at nilagay iyon sa tupperware ko. "Wag kang mahiya, okay?" Ang bait naman niya, may itsura pa. "Sekreto lang natin 'to ah. Ako nagluto niyan. Tikman mo nga."

Talaga? Kinain ako ang kanin kasama ang karneng binigay niya. Masarap nga! 'Ikaw ba talaga ang nagluto nito?'

"Oo. Nagpaturo lang ako kay dad. Galing ko diba?" Kumain ulit ako. "Dahan lang. Gutom ka ba? O palakain ka lang talaga?"

'Both'

"Nakakatawa ka. Um, Naomi, hindi naman sa nangingialam ako ah, pero may mga nambubully ba sayo dito? Yung totoo ah."

'Sinabihan lang akong pipi. Yun lang.'

"Sino yun?!" Sigaw niya sabay tayo. "Hindi ka niya pwedeng sabihan ng ganon. Kulang ba siya sa aruga?! Tuturuan ko siya ng leksiyon!"

Umiling ako. 'Hindi na. Maliit na bagay lang naman yun. Hayaan mo na.'

"Naomi, as your friend, tungkulin ko nang protektahan ka. Okay? Hindi ka dapat ginaganon ng mga kaklase mo."

'Kaya ko na ang sarili ko kaya wag kang mag-alala. Salamat sa concern mo Louie.'

"Ayaw mo nun? May gwapo kang knight in shining armor? Masarap pang magluto." Sabi niya tapos nagwink pa. Okay lang ba siya?

'Di na. Okay lang ako, salamat.'

"Basta kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako, okay? Sige, kain ka na jan. Mukhang gutom ka na talaga. Eat well Naomi." Nakakatuwa siya.
...

"Naomi, naomi, may tanong ako." Tumingin ako sa kanya. "Ano ang sabi ng aso sa pader? Sige hulaan mo." I shrugged. Ewan ko ba sa trip niya. Hindi naman nagsasalita ang aso. "Alam mo?" Umiling ako. "Edi, wolwol. HAHAHAHHAHA!" Nu raw? "Come on.. Nakakatawa kaya yun!" Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi nito.

'Gutom lang yan Louie. Kumain ka na nga.'

"Oo na oo na." Kumain na rin siya.

--

"Una na ako Naomi. Dumadating na ang mga kaklase mo. Babye!" Kumaway ako tapos umalis na siya.

"Hoy ikaw!" Sigaw ng isang kaklase ko. "Bago ka palang dito pero nilalandi mo na kaagad si Louie? What the heck?" Lumapit sila sa akin. "Sandali nga. Diba pipi ka? Paano ka nakikipagusap kay Louie? You're faking it!" Anong problema nila?

"Nagsasalita ka naman siguro. Nagkukunware ka lang para makuha ang atensiyon ng mga tao. Faker!" Sabi ng isa tapos tinulak ang upuan ko, dahilan para mahulog ako sa sahig. "Haha! Bagay lang sayo yan!" Nagsitawanan ang mga kaklase ko. Ayokong umiyak...

"Students what is happening?! Naomi bakit nasa sahig ka na?" Tinulungan ako ni Teacher na makatayo. "Who did this? Was it Beth? Or was it Nei?"

"Teacher it was an accident. Naguusap lang kami ni Nei tapos sumandal ako sa upuan ni Naomi kaya siya natumba. I'm sorry Naomi. It was really my fault." Sinadya mo yun.

"Good. Thank you for admitting your mistake Beth. It was a good move. Now, go back to your proper places!" Nagsiupuan na ang mga kaklase ko. "Are you okay Naomi? First day mo palang, chaotic na. I'm really sorry."

'Okay lang po teacher. Hindi maman masakit.'

"Really? If you're not feeling well, pwede kitang dalhin sa clinic. Are you sure you're okay?" Tumango ako. Nahulog lang naman ako. Kung sasabibin ko yung totoo, lalong magagalit sa akin sina Beth. "Okay, our lesson continues.."

--

Bago ako lumabas sa room, sinamaan muna ako ng tingin nila Beth. Paglabas ko naman, hinarangan ni Kurt ng paa niya ang pinto, at dahil hindi ako nakatingin, alam niyo na siguro yung nangyari. "Ano ba yan? Pipi na lampa pa!" Sigaw niya at nagtawanan sila, kasama na sina Beth at Nei. "Babye Naomi. Sana nag enjoy ka sa first day mo." Lumabas na silang lahat.

Bakit ba kasi kailangan nilang laitin ako? Hindi ko naman sila inaano ah. Tumayo ako at lumabas sa room. Nasa corridor na ako nang... Ay sandali, kailangan ko palang maiwan dahil walang tao at hindi pa bumabalik si teacher. Tumakbo ako pabalik doon.

"Walang ta-" Asht!

Bakit kailangan ko pang makabangga? Teka, Louie? "Uy, Naomi, ikaw lang pala. Alam mo ba kung saan pumunta sina Kurt? Sabay kasi kami dapat umuwi eh." Umiling ako. "Ahh, salamat nalang. Ikaw? Sinong kasama mo? May service ka ba?" Tumango naman ako. "Ah.. Bakit ka pala tumatakbo?"

Nagsulat ulit ako, 'Wala kasing tao sa room kaya babantayan ko muna. Aantayin ko lang si Teacher na bumalik'

"Ang bait mo noh." Uy, grabe siya ah. "Siguro kung may boses ka ngayon, iisipin kong perfect ka." Oh? Sobra naman yun. "Unang una, mabait ka. Ikalawa, masayahin at mukhang walang problema, ikatlo, maganda ka. Paano nalang kung may boses ka na?" Nakakatuwa naman siya, ulit.

'Eh ikaw? Perfect din ba ang turing mo sa sarili mo?'

"Well, siyempre. Sa mukha kong 'to? Tsk, mukha palang perfect na oh." Sabi niya, confidently. "Mabait pa."

'Eh yung matalino? Papasa ka ba?'

"Haha, yun lang."

"Naomi! Hay, pasensiya na. Salamat sa pagbantay sa room kahit hindi kita inutusan. Sorry if your first day wasn't the one you expected." Ngumiti ako sa kanya na ibig sabihin ay okay lang. "Sige. Uuwi ka na ba?" Tumango ako. "Magkasama kayo ni Louie?"

"Ahh, teacher hindi po. Susunduin siya ng service niya. Ako naman po magcocomute nalang." Sagot ni Louie.

"So I'm guessing, friends kayo?" Tumango ako, si Louie naman ngumiti lang. "Okay sige. Salamat ulit ha. Magingat kayo. See you tomorrow." Pumasok si teacher sa classroom niya.

"Alis ka na?" Tumango ulit ako. "Sabay na tayong lumbas." Hindi pa ako nakapagsalita, hinila niya agad ako palabas.

*Peep* *peep*

"Sundo mo na yung puting sasakyan na yan?" Tumango ako. "Ah, sige. Bye Naomi! Ingat ka!"

Mabilis akong nagsulat sa isang pirasong papel ng 'Bye din. Ingat ka din sa paguwi mo Louie.' at iniwan sa gilid niya at tumakbo papunta sa sasakyan.

"Naomi, sino yun? Aba, ang bata bata mo pa, ganon na agad?" Tanong ni yaya. Ehh, hindi naman eh. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Okay, okay...pero Infairness, may itsura siya. Parang Prince Charming."

Hindi naman ako bitter kaya oo, may istura naman.  Cute nga niya eh.

A Silent GoddessWhere stories live. Discover now