Chapter 6: Partners

48 3 1
                                    

Naomi.

"Okay, so about our Valentine's Day party, I've decided na kukuha nalang tayo ng cater. I'm sure dadami ang kalat sa classroom natin kapag budol fight. So to be safe and tidy, catering nalang." Sabi ni Ms. President.

"We'll just plan about the expenses next time." Dagdag ng vice president namin.

"Gusto ko lang tanungin kayo kung agree ba kayo dito. Since Valentine's Day naman ang pinaguusapan, I was thinking if we should be with our special someone. Can be our friends or you know, someone you like. May isang part ng program where in, magbibigay ka ng message sa iyong friend or someone. What do you think?" Ano ba yan? Kailangan ba talaga? Paano naman ako magdedeliver ng message?

"Okay naman yan. At least mafefeel natin ang Valentine's Day. Diba guys? I agree." Said our vice president.

"Louie, what do you think?" Hay nako. Alam ko na ang plano niyo. Kaya pala ganon yung plano niya eh.

Tumingin si Louie sa akin. "How about Naomi? Paano siya?" Nag eye roll si ms. President namin. Problema niya?

"It depends if she wants to deliver a message or not. Based on her situation, mas mabuti nang hindi. I mean, you understand her right?" So anong pinapalabas mo?

"Naomi, okay lang ba sayo?" Hindi naman ako sobrang bitter kaya sige. Tumango ako sa kanya. "Hindi ka magagalit?" Umiling ako. "Sige. Okay din." I'm not really sure kung bakit ako pumayag. Pero basta masaya si Louie dun, edi okay.

"I have another suggestion." Dami mong bala ah. "Diba each has a partner naman? What if magpaparticipate ang bawat pair sa bawat game na lalaruin. It would be fun, I tell you." Nako, ayoko na dito. Wala naman akong may maitutulong eh.

"Agree, for the second time." Sabi ng vice president namin. "Ang gaganda talaga ng ideas mo."

"Okay rin ako dun." Tumingin ulit siya sa akin. "Diba Naomi?" Tumango ako. Wala naman akong choice. Kahit umiling ako, ang presidente padin ang masusunod.

"Sa decorations, lahat na tayo ang magtutulungan dito."

Pagkatapos ng mini meeting na iyon, bumalik na kami sa mga upuan namin. "Talaga bang okay ka sa mga plano na iyon? Baka ayaw mo, tinatago mo lang?"

'Hindi pa ba sapat yung mga tango ko kanina?'

"Okay. Sabi mo eh."

Day before Valentine's Day

Dismissal.

"GUYS! GUYS!  Okay! May mga partners na ba kayo para bukas? Don't tell me wala pa ah." Confident lang siya kasi nangyari na yung gusto niya. "Make sure everything's ready tomorrow."

"Naomi, okay lang ba?" Let me tell you what happened...

"Louie?" Sabi niya tapos umupo sa harap namin. "About the Valentine's Day party, wala pa kasi akong partner eh." Let me guess, she's gonna ask him out. "Pwede ka ba?" Ngumiti siya tapos nag puppy eyes. Nak ng- feeling niya cute siya?

"Ha? Eh, si Naomi na kasi ang-"

"Please???" Tumingin si Louie sa akin. "Ngayon lang?"

"Kasi.."

"Hind ka naman magagalit diba, Naomi?" Paawa pa niya. "I mean, it's okay naman kung wala kang partner diba? Kaya mo naman sigurong magenjoy kahit wala nun. Tulad din sa situation mo. Nasurvive mo naman kahit wala kang boses." Nangiinsulto ba siya?  Nakakahalata na kasi eh.

"Don't talk to her like that. Partners kami and that is final." Sa totoo lang, may point naman siya eh. Kaya ko naman mag enjoy ng ako lang. At palagi naman kaming magkasama si Louie. Pagbibigyan ko nalang muna 'to sa gusto niya, kahit nangangamoy insulto yung mga pinagsasasabi niya sa akin.

'Okay lang sa akin. Sige na partners na kayo.'

"Bakit? Wala kang partner pag ganon. Pinagbibigay mo na ba ako ngayon?" sabi niya, dramatically.

'Oh eh ano ngayon?'

"See? Nag aagree naman si Naomi eh. Sige na.." As much as I hate her, kung mas mageenjoy si Louie kasama niya, edi okay.

"Naomi, sigurado ka ba?" Tumango ako. Sure na sure na sure na sure na talaga. Umoo ka na sa kanya bago pa magbago ang isip ko. "Sigurado ka? Hindi ka magagalit?" Umiling ako.

"Baka naman hindi mo na ako kakausapin ulit?"  Umiling ako.

"O di kaya'y baka ipakulam mo ako!" Binatukan ko siya. Tingin niya sakin, bruha?

'PAYAG NA NGA AKO!'

"Hay.. Sige na nga. Okay."

"Yiee! Talaga?! Oh my gosh! I'm so happy! Thanks so much!" Bumalik siya sa upuan niya habang sumisigaw ng 'Yes'.  Pasalamat siya mabait ako..

End of Flashback

"Eh sinong kasama mo?" Me, Myself and I, siyempre. Hindi ko kailangan ng partner para sumaya.

"Naomi!" Pareho kaming napatingin ni Louie sa sumigaw nun. "May partner ka na ba?"

"Teka nga teka nga. Umalis ka nga dito. Ilang beses ko pa ba dapat sabihin na layuan mo si Naomi? Alin ba dun ang mahirap intindihin?" Tsk, ayan nanaman siya..

"Sandali nga? Hindi ikaw ang tinawag namin Louie kaya wag kang sabat ng sabat. Anyway, so may partner ka ba Naomi?" Umiling ako. "Talaga? Partner na tayo ah!" Ha? Hindi pa naman ako sumagot.

"Nahihibang ka na ba Kurt?! Hindi pwede. Kahit sino, hindi lang kayong dalawa ni Ryan."

"Tungkol parin ba 'to noon? Nung 'ginamit' na namin? Ano ka ba dude? Ang tagal na nun. We're in highschool. Hindi ka parin ba nakamove on?" Tanong ni Kurt.

"Hindi lang yun. Binully niyo rin si Naomi. Akala niyo nakakatuwa? Sa tingin niyo ba papalampasin ko lang lahat iyon?" Nako, maliit na bagay pagaawayan nila?

"Immature pa tayo noon. Iba na ngayon kaya wag kang maginarte jan." Sabi naman ni Ryan sabay akbay kay Louie.

"Umalis na nga kayo. Kahit ano pang sabihin at gawin niyo, hindi ako papayag sa gusto niyo." Inalis niya agad ang kamay ni Ryan sa balikat niya.

"O baka nagagalit ka dahil hindi mo na siya partner, kasi mas pinili mo si Suzie." Sabi ni Kurt tapos nagsmirk siya na lalong napainit ng ulo ni Louie. "Well, kami na ni Naomi ang partners ngayon kaya, magsisi ka jan." Tumingin silang dalawa sakin. "See you tomorrow my, MY partner." Sabi ni Kurt tapos ngumiti.

Tulad nga ng sabi ko, hindi na nila ako inaapi tulad noon. Pero pag dating sa kanilang tatlo ni Louie, things aren't going well between the three of them.

"Kahit sino wag lang isa sa kanila." Ano bang problema niya? Tama naman sina Kurt eh. Immature pa sila noon. Iba na panahon ngayon.

'Okay naman si Kurt ah. Wag ka ngang OA.'

"Basta, hindi pwede. Subukan talaga nilang lumapit ulit sayo makikita nila boxing skills ko."

A Silent GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon