Ang nakikita kasi namin ngayon ni Kenrick ay isang lumang bahay at mukhang sira sira na dahil hindi na ito nababantayan o nalilinisan. Mukha siyang pang sinaunang bahay na hanggang ngayon nakatayo parin pero wala ng gusto pang tumira.

"Sigurado ka bang dito ang address na binigay ni Jared?" Tanong ko at parang gusto ng umatras. Nakakatakot kasi. Labas palang ng bahay parang ayoko ng tignan. Huhu, need help.

"Oo." Mahinang sabi ni Kenrick at parang nagtataka narin kung bakit ganito ang nadatnan namin. Habang nakatulala kami sa bahay, biglang may lumabas sa pinto nito. At nung makita niya kami lumapad ang ngisi niya.

"Oh nandito na pala kayo." Sabi niya at linapitan kami. "Tara na sa loob, nandun na ang ibang inimbitahan ko."

"Niloko mo lang ba kami, Jared?" Tanong ko at nagsimula ng manggigil. Ngumisi lang si Jared at naglakad papasok sa bahay. Hinawakan naman ni Kenrick ang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya.

"Pasok na tayo." Sabi niya.

"Ih, ayoko. Alam mo namang takot ako sa ganyan." Sabi ko at napalunok.

"Malay mo ganito ang theme ng party." Sabi niya. Napatawa ako ng mapakla.

"Grabe, pinag-isipang mabuti." Sabi ko sabay irap. Bumuntong hininga nalang ako at naglakad papasok. Ano pa bang magagawa ko? Nandito na kami eh. Sayang naman yung pag-punta namin dito kung mag-iinarte pa 'ko.

Nang makapasok kami ni Kenrick, narinig namin ang ingay ng iba't ibang boses. Tumaas ang dalawa kong kilay ng makitang puro kaklase lang namin ang nandito. Wala ng iba. Pero iilan lang siguro ang narito na kaklase namin. Mga kinse lang yata ang nandito.

Akala ko ba birthday party ng kapatid ni Jared?

"Oh nandito na sila Kenrick at Katrine." Biglang sabi ni Xiela at nginitian pa ako. Biglang dumako ang tingin ko kay Jared na ngising ngisi sakin. Mukhang may kalokohan 'tong ginawa.

"Asan ang party?" Tanong ko. Nakita kong natigilan silang lahat bago sabay sabay na tumawa. Kumunot ang noo ko.

"Mamaya pa girl. 'Wag kang atat. Sa gabi ang party. Overnight ito." Sabat ni Catriona habang tumatawa. Nandito rin pala ang demonyitang ito. Hindi ko nalang siya pinansin at nanatiling kay Jared ang tingin ko. So, nagsinungaling pala ang asungot na 'to para sumama ako. Bwisit ka, Jared. Pinapatay na kita ngayon sa isip ko.

"Huwag ka ng magalit, babe." Biglang lumapit sakin si Evan. Nangasim bigla ang mukha ko. Nandito rin pala ang isang asungot na 'to? Badtrip.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na 'ko eh. Titiisin ko nalang 'yung mga mukha niyo." Sabi ko sabay irap. Napadako ang tingin ko kay Sean na nasa sulok at umiinom ng Juice. Lumapit agad ako sakaniya.

"Nandito ka rin?" Tanong ko.

"Akala ko rin birthday party." Sagot niya. Napailing iling nalang ako sa kalokohan ni Jared. Bwisit talaga 'tong si Jared. Talagang nagsinungaling pa siya kay Sean para mapapayag ito. Ilang minuto ang tinagal namin at puro ingay lang ng mga kaklase namin ang narinig. Hanggang sa makarinig kami ng tugtog galing sa speaker. At talagang nagdala pa sila ng malaking speaker ah? Pinaghandaan talaga ang overnight na 'to.

Overnight.

Nanlaki ang mata ko ng ma-realize na hindi pala ako papayagan ni Mama. Magagalit 'yun kapag nalaman niyang hindi ako matutulog sa bahay. Tumayo ako at lumapit kay Kenrick. Kasama niya ngayon si Eula na feeling mabait. Nagtatawanan sila habang umiinom ng Juice. Ewan ko kung Juice ba 'yon or alak? Grabe talaga, sa murang edad umiinom na sila ng alak.

Tumaas ang kilay ni Eula ng makita ako. Hindi ko na siya pinansin at tanging kay Kenrick lang nakatuon ang atensyon ko.

"Bakit, Katrine?" Tanong ni Kenrick sakin.

"Puwede mang-hiram ng phone? Tatawagan ko lang si Mama." Sabi ko. Nakita ko naman ang biglang pagtawa ni Eula sa gilid namin.

"Wala kang phone?" Tanong niya at parang nang-aasar. "Ito oh," Inabot niya sakin ang phone niya. "Gamitin mo. Marami naman ako niyan sa bahay."

Humugot ako ng malalim na hininga para kumalma. "Huwag na."

"Sige na, gamitin mo na. Gusto mo angkinin mo pa eh." Sabi niya sabay ngisi. Nakakainsulto na ang babaeng 'to. Anong akala niya sakin? Porket wala akong pambili ng ganyan aangkinin ko na ang gamit ng iba? Kabanas ka girl.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit ba ang hilig mong makisali? Hindi naman ikaw ang kausap ko."

Magsasalita pa sana siya pero nagsalita agad si Kenrick kaya napatikom ang bibig niya. Ano ka ngayon girl?

"Ito oh," Inabot ko ang cellphone ni Kenrick. "Naka-save diyan ang number ni Tita."

Nakita kong nanlaki ang mata ni Eula. Akala niya siguro hindi kami ganon ka-close ni Kenrick para hindi nito malaman ang number ng Mama ko. Urur. Bestfriend ko 'yan kaya pati number ng Mama at Papa ko meron siya. Hahahaha.

"Sige, salamat." Sabi ko sabay flip hair at lumayo na sakanila. Binuksan ko ang phone ni Kenrick. Nagulat ako ng makita ang wallpaper niya. Mukha ko ang nandito habang natutulog. Bwisit na Kenrick 'to! Ang pangit ko kaya dito. Mabilis kong pinalitan ang wallpaper niya ng picture niya tsaka pumunta sa contacts at dinial ang number ni Mama.

"Shit, walang signal dito?" Asik ko sa sarili.

"Sino ba tatawagan mo?" Napatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Evan sa tenga ko. Bwisit. Asungot talaga 'to.

"Ginulat mo 'kong hayop ka!" Bulyaw ko. Ngumisi lang siya at nilagay ang dalawang kamay sa loob ng kaniyang bulsa.

"Sino ba kasi tatawagan mo?" Pag-uulit niya.

"Si Mama. Papagalitan ako nun kapag nalaman niyang overnight 'tong pinuntahan ko."

"Don't worry, di ka papagalitan nun."

Tumaas ang kilay ko. "Paano mo naman nasabi, ha?"

"Pinaalam kana namin sa Mama mo." Nakangising sabi ni Evan.

Nanlaki ang mata ko. "Paano?"

"Hiningi namin 'yung number ng Mama mo kay Kenrick tapos tinatawagan namin. Ah basta, 'wag ka ng mag-alala. Di ka papagalitan nun." Sabi niya.

"Sure ka?" Paninigurado ko. Tumawa naman siya at tumango. Ginulo niya pa ang tuktok ng buhok ko.

"Bakit ba kasi naisip ni Jared na mag-overnight? Hindi niya pa sinabi ang totoo." Naiinis na tanong ko.

Ngumiti siya. "Isipin mo nalang na isa 'tong  memories nating magkakaibigan."

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now