"Ingat ka Kuya. Good night "

"Goodnight Baby Gie. Sweetdreams"-kumaway pa ito at sumakay ng kotse nya at pinaandar ito. Hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

Ni lock ko yung pinto at agad na inayos yung mga dapat ayusin.

Mga bandang 11:26pm ng matapos ako at hindi ko na nagawa pang tumungo sa kwarto ko at sa sofa na tuluyang dinalaw ng antok.

Kinabukasan...

Maaga akong nagising at muntik pa akong muholog ng mag stretch ako ng braso.

Tss!

Sa sofa na pala ako natulog kagabi. Pagbangon ay saka ko naramdaman ang pananakit ng katawan ko, Nangawit.

6:31 am na pala pagtingin ko sa orasan. Tumungo akong kusina. At nagluto ng makakain nagulat pa ako ng makitang ang daming pagkain sa refrigerator  .

Saka ko lang naalala ng dumating nga pala si kuya kagabi.

Thursday pa lang ngayon...Tatlong araw pa bago sumapit ang linggo.

Nag prito lang ako ng bacon at ham. Nagtimpla ng kape. Nagsalang na rin ako ng kanin sa rice cooker.

Nang matapos akong magprito ay nilagay ko sa plato , Nilapag sa mesa at naupo ako saglit habang hinihintay maluto yung kanin.

Humigop ako ng kape at maya maya lang ay tumayo na ako para tignan kung luto na. Nang luto na ito ay agad akong nagsandok . Naupo akong muli at nagsimulang kumain.

*Ding-dong*

Napataas ang kilay ko. Napapansin ko parang napapadalas ang pumupunta dito ah.

Sino na naman kaya yan?

*Ding-dong*

Okay sana kung si Kuya Hence pero mukang Hindi sya. Bahala sya kung sino man yan. Masamang naiistorbo sa pagkain.

"Hindi mo talaga ako pagbubuksan ng pinto ah"-napaangat ang tingin ko. At Bumungad si Kuya Acer na nakauniform. Naupo ito sa katapat ko.

"Wow! Ang swerte ko naman. Sakto hindi pa ako kumakain. "-kumuha ito ng plato at nilagyan ng kanin. Kumuha rin ito ng bacon at ham. Kumain ito na parang gutom na gutom. Tss! Tinakasan nya na naman si Nanay Rosa. Marami kaseng pinapakain sa kanya ni Nanay Rosa.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain at ng matapos ako ay agad akong tumayo at nilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

"Dalian mong maligo Baby Gie ah   ,sabay tayo pumasok. "-narinig kong sigaw nya pagkapasok kong banyo para maligo.

*****

Paglabas ko ng apartment ko ay nakita ko si kuya Acer na nakasandal sa kotse nya. Talagang hinitay nya ako ah.

"Kuya, mag bibisekleta na lang ako"-napatingin naman ito sa akin.

"Pagkatapos mo akong paghintayin ,at ngayon sasabihin mong magbibisekleta ka na lang. "-nakakunot noo na sabi nito "Hindi pwede ,sumabay ka na sakin. "

"Sige na Kuya. Magkita na lang tayo sa school"-kinukumbinsing sabi ko sa kanya.

"Kaya nga nagpunta na ako dito sa apartment mo at sunduin ka para sabay na tayong pumasok sa school dahil malabong magkita tayo dun. Malawak at masyadong malaki ang Kingson University, Mahgie. At sa 9th building ang section ko malayo kumpara sa room nyo. "

Nagulat naman ako ng makitang seryoso nga si Kuya. Kaya pala hindi ko sya makita sa school.

"Tss! Oo na, sasabay na"

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now