Chapter 5: The Proposal

397 23 27
                                        

Chapter 5: The Proposal

Nathalia’s POV

Nakatulala lang ako sa kawalan hanggang sa huminto ang van na sinasakyan namin. Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagod nang dahil sa walang tigil kong pag-iyak kanina. Namaga na lang ang mga mata ko at namaos na rin ang boses ko nang dahil sa pagmamakaawa pero wala pa rin itong naging silbi. Tila naging bingi sila sa ‘king mga hinaing at bulag sa takot na bumabalot sa ‘kin.

Hindi ako umimik nang hilahin ako palabas ng sa tingin ko ay kanang kamay ni Stephen. Mahigpit ang naging pagkakahawak niya sa braso ko na para bang magagawa ko pa silang takasan sa lugar na ‘to.

Nasisiguro ko na hindi lang isang simpleng tauhan ni Stephen ang lalaking ‘to dahil narinig kong tinawag siyang boss ng isa sa mga kasamahan niya kanina.

Ngunit nahigit ko na lang ang hininga nang makita ang mga lalaki na nakasuot ng kulay itim na suit, na nagbabantay sa paligid at mayroong mga nakasukbit na baril sa kanilang beywang.

Sa pag-angat ko naman ng tingin ay bumungad sa ‘king harapan ang isang mansyon. Mataas ito na sa tingin ko ay hanggang ika-limang palapag. Bawat bintana ay mayroong tila mga nakadikit at nakaumang na baril na tila bigla na lamang puputok sa oras na may gawin kang hindi maganda.

Bahagyang umawang ang bibig ko nang dahil sa mga nakikita. This mansion looked like hell to me.

“Good morning po, Sir Ace,” magalang na bati ng mga katulong na sumalubong sa lalaking katabi ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Nakahilera sila malapit sa pintuan at ang lahat ay pawang mga nakayuko.

Ngayon ko mas lalong napatunayan na tama ang hinala ko. Hindi talaga basta-basta ang isang ‘to.

So, Ace is his name.

Bigla akong natigilan. His name sounds familiar.

Nilingon ko siya at pinakatitigan ng husto. Nakangiti siya sa mga katulong na para bang wala siyang ginawang masama.

I gasped the moment I finally recognized who he was. Isa siya sa mga business partner ni Stephen na kasama nito sa isang interview ng isang article na nabasa ko!

Ibig sabihin ay involve rin siya sa kung anumang ilegal na gawain ng lalaking ‘yon?

“Good morning din sa inyong lahat!” masiglang bati niya sa mga ito na tila ba isang normal lang na araw ngayon.

Pagkatapos ay muli niya akong binalingan at kinaladkad. Hinayaan ko na lang na tangayin niya ako sa kung saan.

I’m already tired of begging and fighting. Isa pa ay hawak nila ang buhay ng mga mahal ko kaya kahit gustong-gusto ko na baliin ang buto niya ay hindi ko magawa. Paniguradong natataranta na ang mga kaibigan ko at maging sina Mama sa paghahanap sa ‘kin.

Pero bago pa man namin tuluyang malampasan ang mga katulong ay nag-angat na sila ng tingin. Hindi nakalampas sa ‘kin ang dumaang awa sa kanilang mga mata.

Mapait akong ngumiti. Dahil alam ko na hanggang awa lang ang kaya nilang ibigay sa ‘kin. Kahit gustuhin ko man na humingi ng tulong sa kanila ay hindi ko magagawa. Panigurado kasing manganganib din ang kanilang mga buhay.

Dahil alam ko na tulad ko ay hawak din sila sa leeg ni Stephen. Wala silang ibang magagawa kung hindi ang manatili rito at magsilbi. Ang panatilihin ang kanilang katapatan para patuloy na mabuhay.

I know that’s how it works when you’re working with such kind of person. My conscience won’t take it once something bad happens to them just because of me.

“What took you so long? Anyway, he informed me that an emergency happened, so he went out of the way.”

Natigilan kami sa paglalakad nang salubungin kami ng isang sopistikada at matangkad na babae na pababa ng hagdan habang nakakunot ang kanyang noo. Nakasuot siya ng itim na stiletto at kulay pula na halter dress. She even has a fair white skin. Papasa siyang gumanap bilang Snow White sa isang palabas.

Capturing Cinderella (Preview Only | Published) ✓Where stories live. Discover now