Chapter 4: Kidnapped

402 29 53
                                        

Chapter 4: Kidnapped

Nathalia’s POV

Inilapag ko ang dalawang basket ng puting rosas sa harap ng magkatabing lapida bago dahan-dahang umupo sa damuhan. Marahan kong hinaplos ang nakaukit na pangalan doon at malungkot na ngumiti.

“Birthday ko na po ngayon. Dalaga na po ang a-anak n‘yo.” Pilit kong pinasaya ang aking boses pero pumiyok pa rin ito.

Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha sa ‘king kanang mata. Pero agad kong pinalis ito at hinamig ang sarili bago muling dumilat. This is supposed to be a happy day.

“Sana nandito pa po kayo. Siguro masaya tayong nagdiriwang ngayon.” Kinagat ko ang ibabang labi.

“Bata pa lang ako noon ay ang dami n’yo ng plano na nabuo agad para sa ‘kin. Magmula sa pagtatapos ko ng high school, sa magiging debut ko, sa pagtatapos ko ng kolehiyo at hanggang sa dumating ang panahon na ipagkakatiwala n’yo na sa ‘kin ang pamamalakad sa kumpanya. Dahil ako lang ang nag-iisang tagapagmana n’yo. Maging sa kung sino ang mapapangasawa ko...”

Bahagyang nalukot ang mukha ko nang maalala ang tungkol sa bagay na ‘yon.

“Na sana pala ay hindi na lang naging parte ng plano n’yo.”

Marahas akong napahugot ng hininga. Kung may magagawa lang sana ako para baguhin ang mga nangyari sa nakaraan. Pero alam ko naman na kahit ilang beses ko pang hilingin ay hindi na maibabalik pa ang mga nangyari rati. Hindi na magagawang ibalik pa ang mga buhay na nawala. Ang mga buhay na nasira. Ang karangyaan na nanakaw. Ang mga desisyong nagawa. Ang mga taong pinagkatiwalaan na hindi naman dapat.

Sa isang iglap ay nawala ang lahat sa ‘kin noong masalimuot na gabing ‘yon.

Pilit ko mang kalimutan ang nakaraan ay kusa pa ring bumabalik ang masasakit na alaala sa bawat araw na dumaraan. Sa bawat pagmulat ko ng aking mga mata paggising sa umaga hanggang sa pagpikit nito sa gabi. Maging sa panaginip ay hindi ako magawang patahimikin.

Bakit ang unfair ng buhay? Bakit kung ano pa ang masasakit na karanasan ko sa buhay ay ‘yon pa ang nanatili sa ‘king memorya?

It’s been seven years, and yet, it feels like it just happened yesterday. Ni hindi man lang nawala ang sakit na nararamdaman ko. In fact, my heart aches even more.

Kaya naman sa tuwing dumarating ang araw ng kaarawan ko at ano mang espesyal pa na okasyon ay hindi puwedeng hindi ako pupunta rito. Somehow, being here makes me feel like I’m still with them. That I’m still complete.

My parents are my comfort zone. But when they died, I learned to get out of that comfort zone and stand on my own. I learned how to be brave and tough. I learned that only I can help myself at the end of the day. That I should not depend on anyone.

Because you will never know who to trust anymore. Just like what happened before.

“Miss na miss ko na po kayo,” mahina kong bulong sa hangin.

Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pilit na pinipigilan. Hanggang sa ilang minuto lang ang lumipas ay napuno na ang buong lugar ng malakas kong paghikbi. Naitakip ko na lang ang dalawa kong kamay sa ‘king mukha at hinayaan na talunin na naman ako ng aking emosyon.

Kahit ngayon lang. Kahit sa tuwing ganitong pagkakataon lang.

Minsan ay nakakapagod rin palang magpanggap na matapang at ipakita sa lahat na malakas ka. Kahit pa ang totoo sa kaloob-looban mo ay gustong-gusto mo ng bumigay.

Ngunit natigilan ako nang biglang umihip nang malakas ang hangin. Pakiramdam ko ay may mga bisig na yumakap sa ‘kin ng mahigpit.

That made me calm and feel protected. I’m sure that it was them. Maybe it’s their way of saying that they’re okay.

Capturing Cinderella (Preview Only | Published) ✓Where stories live. Discover now