~2~

12 0 0
                                    

Meet an unexpected someone
- JRL

Roze's pov

"Oyt mga beyb anong pwedeng gawin ngayon??"

Tanong ni Rei habang nasa kalagitnaan kami ng pagaalmusal.

Tsk kahit kailan talaga hindi pwedeng maboring ang isang to. But by the way ako pala si Roze Lorine. No need to have an intro right? I guess you all know me already.

" bili na lang tayo ng gamit sa school at mag groceries na rin tayo"

And that is Jei, ofcourse siya lang naman ang pinaka proactive sa aming apat bukod din kay jaira medyo proactive rin kasi yan even if she's a little bit serious.

Sumangayon naman si Jaira sa suggestion ni Jei. Tumingin naman silang tatlo sa akin, hayss do i need to have a say on this too? Hmmm

I just use my favorite line "hmm" to let them know my response. Nahuli ko pang sabay sabay nilang inikot ang mga mata nila. Madalas lang ako magexplain pag kailangan lang yung tipong di na nila maintindahan yung gusto kong ipahayag.

" maganda siguro kong maghiwalay hiwalay tayo mamaya para naman marami tayong matapos" seryosong suggest ni Jaira

"Ehhhh?? Sama sama na lang tayooo" pilit naman ni Rei at nagpout pa sabi niya kasi cute daw siya pag ginagawa niya yan napailing lang ako.

" I agree with that, and maybe ako yung maiiwan dito sa bahay" sinabi ko yan ng hindi man lang tumitingin sa kanila but i can feel na ang sama na ng tingin nila sa akin.

" Ikaw na lang ang bibili ng mga school supplies, Jei at Rei kayo sa food tutal bagay naman isang mahilig lumamon at isang mahilig mag luto" sabi sa amin ni Jaira, ok naman sa akin i guess maganda naman ang kahihinatnan nito

"TEKAAAA?? Asan yung pangalan mo dun?" Pagmamaktol ni Rei kay Jaira, nagtanong pa talaga ofcourse bibili yan ng kakailangan niya para sa sports and some stuffs.

"Tutulong lang ako kay Roze pag may need siya pero habang wala pa eh tatambay muna ako sa Sportzine nagbebenta sila ng mga limited edition ngayon" buti na nga lang at meron dito nun at baka mapalayo pa kami ng mall sa paghanap lang nun.

"Awieeee sige ligo na tayo para maka alis na agad!" Sabi ni Rei ng patalon talon, napailing nalang ako.
--------------------
Reiclean's POV

"Ok, so magkikita kita tayo sa Jubilee mamayang mga 2:30-3:00, siguro naman at that time nabili na natin lahat ng kailangan nating bilhin. Always update us on our gc para alam natin kung asan ang isa't isa----"

Tango nalang ako ng tango habang nag sesermon si mama Jei, pano ba naman kasi daming satsat di nalang lumarga agaaaadddd.

"ARAY KO NAMAN!" Saad ko ng bigla akong binatukan ni Roze un pala nag papaalam lang na umalis, kaya kumaway nalang rin ako habang naka pout.

"Tara nay! Este Jei pala hikhik bili na tayo grocery natin! I want pasta for dinner!" I said habang hila hila siya with matching talon pa para mukha akong cute at harmless na bunny.

-----------------------
Jaira's pov

Ako na lang ang naiwan dito kaya naman napagisipan ko ng hanapin yung  bola na limited lang which is may pirma ni Chicken Curry.

San nga ba dito yung Sportzine. May nakita naman akong isang guard sa tapat ng penshoppe, lumakad naman ako papalapit at kinalabit si kuya

"Excuse me can I ask? San po dito yung Sportzine?"

"Ah iha lumiko ka lang pakanan tapos dumertso ka hanggang sa may pakaliwa na pagkatapos mong kumaliwa diretsohin mo lang ulit yun at makikita mo na" malumanay na saad sa akin si manong guard

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TandemWhere stories live. Discover now