THE RUSSIAN BOY FROM MARS

310 147 2
                                    

Si Boriska Kiphyanovich ang sinasabing The Boy from Mars.

Siya ay onse anyos na nakakha ng mahigit 2 million views sa Youtube dahil sa kaniyang pahayag na siya ay dating nakatira sa Mars, may isang libong taon na ang nakalilipas.

Si Boris ay isinilang noong January 11, 1996 sa Volvogard, Russia.

Sabi ng ilan sa bata, apat na taong gulang pa lang si Boris ay nagtutungo na ito sa bundok malapiy sa kanila para doon humugot ng enerhiya.

Doktor ang kaniyang ina, kaya napansin agad nito ang kakaibang katangian ni Boris.

Noong 15 days old pa lang ang baby na si Boris ay kaya na niyang itayo ang kaniyang ulo.

Apat na buwan pa lang si Boris, nakapagsasalita na siya ng mga simpleng salita.

Isang taon at kalahati naman siya ng nagsimulang magbasa ng dyaryo.

Dalawang taong gulang siya ng matutong magdrawing.

Pinapasok siya sa edad na dalawa at nagulat ang teacher na mahusay na si Boris sa memorization at magaling din ito sa Language Appreciation.

Mahilig siyang magbasa ng iba't-ibang libro at nanunuod siya palagi ng Mystery Channel sa TV hanggang sa may kakaiba na siyang kwento sa ina at mga kamag anak.

"Sometimes he was sitting in his position and starts telling us detail facts about Mars." sabi ng kaniyang ina.

Sinasabi ni Boris na tumira na daw siya dati sa Mars at hanggang ngayon naman daw, may mga nilalang doon na nagtatago nga lamang sa ilalim ng lupa sa Mars dahil sa isang higanteng sakuna na naganap sa planeta.

Noong isa pa raw siyang Martian, lumilipat siya papunta sa Planet Earth para magresearch ng mga bagay bagay sa atin.

Sa panahon daw ng Lemurian Civilization ay naging piloto siya ng spaceship mula sa Mars.

May librong ibinigay sa kaniya ang kaniyang ina na pinamagatang In Search in the City of Gods.

Ang sabi ni Boris, hindi makikita ng tao ang ancient knowledge sa ilalim ng Great Pyramid of Cheops kasi raw ang tunay na kaalaman ay nasa isang pyramid na hindi pa natutuklasn ng tao pero nasa mundo natin.

"The human life would change. It has an opening mechanism somewhere behind the ears. I do not remember exactly." ang paliwanag pa ni Boriska.

Meron siyang sinabi na parang katulad sa teorya ni Eric Vondanicken tungkol sa labanan ng ibang nilalang sa ibang planeta noong unang panahon na gamit ay nuclear weapons.

"There was a catastrophe innMars where I lived. People like us still lived there. There was a nuclear war between them. Everything burns down. Only some of them survived. They built shelters and created new weapons. All materials changed. Martians are mostly breathes carbon dioxide." ang paliwanag ni Boriska.

"If you are from Mars, you do not need carbon dioxide, if I am in this body, I breath oxygen but you knowit causes aging."

Itinanong kay Boris ng iilang expert kung bakit ang manmades spacecraft ay nasisira kapag papalapit na sa Planet Mars.

Ang sagot niya ay, "Martians transmit special signals to destroy station containing harbour radiation."

Alam ni Boris ang lahat-lahat tungkol sa space at dimensions.

Kabisado niya ang structures ng Interplanetary UFOs.

Ipinaliwanag niya kung papaano gumagana ang mga UFO sa paglipad.

Ayon sa bata, ang UFO ay may anim na layers.

"The upper layer of solid metal accounts for 25%. The second layer of rubber, 30%. The third layer of metal, 30%. And the last layer with magnetic properties, 4%. If you get energy to the magnetic layer, spaceship will be able to fly across the universe."

Creepy FilesOn viuen les histories. Descobreix ara