SLENDERMAN

186 69 1
                                    

May kinatatakutang nilalang na kung tawagin sa England ay Slenderman.

Kung tutuusin kasi, isa lang itong kathang-isip na karakter pero bakit daw ba ilang buwan na itong nakikitang pagala-gala kapag gabi.

Sa kilalang haunted place na malapit doon, ang nakikita sa lugar na ito dati ang mga batang walang puti sa mata at puro itim lang at ang isang kaluluwang maligalig na nagwawala kapag lumilitaw.

Pero ngayon nakikita na rin si Slenderman sa lugar.

Sabi ng isang turista, habang naglalakad siya isang gabi at magpapahangin, biglang may tao mula sa isang puno, lumilipad ito at lumampas sa kaniyang ulo.

Nakita niya ang mga mata nito, kulay dugo at kumikintab.

Sabi ng malapit rin sa lugar kung saan nakita ng turista ang nilalang, nakaharap niya na si Slenderman.

Nagising siya na may mga kalmot na tunog sa kaniyang kwarto, pagtingin niya sa kaniyang paanan, naroon nakatayo si Slenderman.

Isang puting-puting lalaki na napakanipis ng katawan pero patulis ang ulo at matatalim ang ngipin nung ito ay ngumiti sa kaniya.

Ang taas nito ay lampas sa 8 ft.

Wala man itong masamang nagawa kapag nagpapakita ay sinasabi ng maraming nakakakita na nakakaranas sila ng pagkamanhid at hindi makakilos sa harap ni Slenderman.

Sabi ng ibang eksperto, sleep paralysis ang karanasang ganito ng mga nakasaksi sa nilalang.

Ibig sabihin, hindi naniniwala ang mga dalubhasa sa pagpapakita ng nilalang kundi iniuugnay nila sa masamang tulog ang mga pangitain.

Sabi pa ng isang eksperto, ang kasong ganito ang nagiimbestiga kay Slenderman, may mga report kasi na dinadaganan din ng nilalang na ito kapag nagigising sila kaya hindi sila makagalaw, malinaw na ito daw ay kaso ng sleep paralysis.

Creepy FilesWhere stories live. Discover now