Chapter 27. Again.

95 2 1
                                    

|A L T H E A. Z A R A|

"Anong sabi mo?"

Ang bilis bigla ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pati ang kamay ko ay biglang nanginig.

Gusto ko ulit marinig. Gusto kong makasiguro kung tama ba ang narinig ko.

"Lagot ako nito kay Aliah" sabi niya na nakatingin kay Lexus.

"Can you say it again, please?"

"Hindi buntis si Aliah" Lexus said.

Hindi ako nakasagot agad. All this time mali ang pananiniwalaan ko. Niloko niya kaming lahat sinira niya kaming dalawa ni Mio.

"Im sorry Althea. Sorry kung ngayon lang namin 'to sinabi"

Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sasabihin ko pero may gusto akong gawin.

"Nasaan si Aliah?"

Pagkatapos nilang ibigay sa akin ang address nagmadali akong lumabas ng caffe, saktong sakto nga naman ang biglang pagbuhos ng ulan.

Kakausapin ko siya, sasabihin ko na alam ko na ang lahat na kapag hindi niya sinabi kay Mio ang totoo ako mismo ang magsasabi. Buo na ang desisyon kong pabayaan sila pero dahil sa nalaman ko hindi ko na hahayaang mawala pa sa akin si Mio.

Nagparaya ako dahil sa alam kong mag kakaanak sila pero ngayong alam ko ng hindi siya buntis hinding hindi ko na papakawalan si Mio. Wala ng magiging dahilan para ikasal silang dalawa.

Inapakan ko ang gas ng sasakyan ko para mabilis na makarating sa bahay ni Aliah. Hindi na ako makapaghintay na makita siya. Pagkatapos ko sa kaniya ay pupuntahan ko si Mio, hindi ko na mahihintay ang umaga pa para makita siya.

Natutuwa ako sa nalaman ko.

Nakapatay ang ilaw ng bahay niya pero nagawa ko pa ring mag doorbell. Kinatok ko ng kinatok hanggat sa pagbuksan niya ako ng pinto.

"Hey, what are you doing here?"

Sinalubong ko siya ng sampal. Kanina ko pa gustong gawin yan. Kating kati na ang kamay ko.

"Shit! Did you just --"

Bago pa siya makapag salita ulit sinampal ko na siya.

"Ano bang problema mong babae ka!?"

Gusto ko pa siyang saktan. Saktan ng saktan. Dati pa pala pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil akala kong buntis siya.

Pero naawa ako sa kaniya dahil kailangan niya pang gawin 'yun para lang makuha si Mio. Nakakaawa siya.

"Alam ko na ang lahat. Alam ko ng hindi ka totoong buntis"

Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Ngumisi ako. Busted.

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Your friend, Sheina told me everything. Kaya wag ka ng magsinungaling."

"That girl."

"Layuan mo na siya Aliah. Maawa ka kay Mio! Wag mong gawin 'to sa kaniya."

"Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan ko kayong dalawa? Tingin mo Althea mahal ka ni Mio? Hindi niya ako pipiliin kung hindi niya ako mahal. And one more thing para malaman mo na nga talaga lahat, alam ni Mio na hindi ako buntis pero papakasalan niya pa rin ako."

"No!"

"Poor girl. Pinalabas lang namin lahat 'yun para may dahilan siyang layuan mo siya at iwan ka niya. Plinano namin lahat 'yun."

Getting Back TogetherWhere stories live. Discover now