Chapter 22. It's the right thing.

149 5 1
                                    

|A L T H E A.  Z A R A|

Nagising ako sa lakas ng pagkatok. Mygad! Ang ganda ganda ng panaginip ko eh, kakagat na ako sa pizza eh. Hay naku talaga.

"Coming"

Bumangon ako at diretso sa pinto.  Paniguradong si Kuya Jarvis 'to. Inaayos ko ang buhok ko habang pinagbubuksan  ko siya ng pinto.

"Zara ang tagal mo naman gumising.  Maligo ka na dahil may pag uusapan tayo nila Dad."

Sabi na eh.

"Kuya alam mo istorbo ka"

Ginulo niya ang kakaayos kong buhok kaya lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Faster, okay?  Hintayin ka namin sa baba"

Bago ko pa maisara ang pintuan nakaalis na siya.  Bilisan ko?  Eh siya nga hindi pa nakakaligo eh.

"Good morning Dad, Morning Mom"

Tinignan ko lang si Kuya Jarvis. Naiinis pa rin ako sa kaniya istorbo kasi sa pagtulog eh. Tapos ngayon ngingiti ngiti lang.

"Ang aga aga ang sungit"

"Wag mo akong kausapin"

Kumagat nalang ako sa hotdog para naman gumanda ang araw ko.

"Ang tatanda niyo na nag aaway pa rin kayo" saway sa amin ni Mommy.

Ayan tuloy pinagsasabihan nanaman kami ni Mommy.  Dadalawa na nga lang daw kami away pa ng away.  Eh bakit naman daw kasi ang sungit ko pero pag may kailangan kay Kuya Jarvis nagiging mabait.

Okay lang Mom,  peyborit mo talaga si Kuya.

"Oo nga pala Zara. Balak namin ng Mommy mo na bigyan ka ng bodyguard dahil sa nangyari. Kailangan mo 'yun" sabi ni Dad.

Umiling ako sa sinabi niya.  Ayoko ng may palaging nakasunod sa akin.  Ayoko 'nun.

"Dad hindi na kai--"

"Wag ka ng umangal dahil kahit anong gawin mo hindi na magbabago ang desisyon namin"

Di ko pa nga tapos ang sasabihin ko pinahinto na ako agad.

"Palagi ko naman pong kasama si Mio eh,  di na talaga kailangan"

"Hindi sa lahat ng oras kasama mo siya.  May trabaho din si Mio na kailangan niyang gawin" sabi ulit ni Dad.

I guess wala na nga akong magagawa pa para mabago ang desisyon nila.  Para din naman sa safety ko at syempre ayoko ng maulit 'yung nangyari. Laking pasasalamat ko nalang talaga na wala silang ginawa sa akin.

Hindi pa rin talaga malinaw kung bakit nangyari 'yun.  Wala pa ring sinasabi sa amin ang mga police.

"One more thing Zara napag isipan mo na ba ang pagpunta sa London?" sabi ni kuya habang ngumunguya.

Oo nga pala. Nakalimutan ko na ang bagay na yan.  Pero alam ko naman na ang gusto ko. Hindi ko na dapat pag isipan pa.

"I'm not going Kuya.  Dito nalang muna ako"

"Andito lang kasi si Mio kaya ayaw mo mag punta doon"

"Hindi kaya.  Di pa kasi ako ready. Marami pa akong dapat malaman kuya gusto ko pag punta ko doon prepared ako"

Totoo naman ayokong magpunta doon na wala akong alam.  Saka totoo rin naman na ayokong umalis dahil andito si Mio.

"Kailan ba balak ni Mio na magpakasal kayo? "

Bigla akong napaubo sa sinabi ni Mommy.  Hindi ko inaasahan 'yun na tanong. 

Mygad!  Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano ko ba I-eexplain.

Getting Back TogetherWhere stories live. Discover now