Chapter 10. Pregnant

356 12 1
                                    

| A L T H E A |


Alas kwatro palang ng madaling araw ng bigla akong magising dahil sa malakas na kalabog sa labas. Pinipilit kong wag pansinin ang mga iyon hanggang sa nakakarinig na ako ng pag hikbi. Tumayo ako at lumapit sa aking pintuan dinikit ko ang tainga ko sa pinto para mas lalo kong marinig.


"I'm Sorry"


Parang kilala ko ang boses na 'yun, hindi ako pwedeng magkamali. Binuksan ko agad ang pinto and as expected si Mio nga.

Nakaupo siya at nakasandal siya sa pader. Hindi niya ata napansin ang pagbukas ko ng pinto. 


"Kasalanan ko ang lahat Althea."


Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Ano ba ang mga pinagsasabi niya.


 "Mio okay ka lang ba?"


Tinignan ko ang kanyang mukha at may nakita akong luha galing sa mata niya. Anong nangyari bat siya umiiyak? Tinignan niya ako ng matagal gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Gusto kong yakapin siya pero hindi ko rin magawa. Sobrang dami kong gustong itanong pero kahit isa wala man lang akong maitanong.

Nakaamoy ako ng alak at sigurado akong galing kay Mio 'yun. Paniguradong may problema siya kaya siya nagkakaganyan.


"Kung maibabalik lang sana ang lahat." Muli nanaman niyang sabi. Bumibilis ang pagtibok ng puso. 


Tinulungan ko siyang makatayo at ngayon pantay na kami. Nagtagal ang aming tinginan ng ilang minuto pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa kwarto niya.

Nadagdagan nanaman ang mga gusto kong itanong sa kanya.

Bumalik ako sa loob at naupo sa kama. Hawak hawak ko ang phone ko. Ang dami kong text message galing kay Kervin pati na rin kay Kuya Jarvis pati na rin pala missed call. Huminga ako ng malalim bago humiga. Panigurado hindi na ako makakatulog nito.

Ang dami na palang nangyari hindi ko akalain na magiging ganito. Ilang buwan na rin pala simula ng magulo ang relasyon namin ni Mio pati ang relasyon nila dad at tito stephen. Saan ba talaga nagsimula ang lahat? Naguguluhan pa rin talaga ako. Ang alam ko lang ay ang pag sisisi nila sa amin. 

Hindi ko maisip kung bakit naapektuhan ang relasyon namin  ni Mio. Kung bakit kailangan naming maghiwalay at lumayo sa isa't isa. Mahal naman namin ang isa't isa kaya ko naman ipaglaban siya.

Pero ako pala ang hindi niya naipaglaban. Sumuko siya agad at hinayaang masira kami ng ganito. Lalo pang nagpagulo sa isipan ko kung bakit galit na galit siya sa akin noon tapos ngayon ay humihingi siya ng sorry.

At ang pagkakaalam ko sila ni Aliah. Pero bat ayaw niyang mag usap sila.

Ang gulo mo Mio. Sobrang gulo mo. Umikot ako sa kama ko at tinignan ang pictue frame namin nila dad. Napangiti ako dahil ang saya namin kita sa aming mga mata na wala kaming iniisip na problema ibang iba ngayon.


"Promise pag uwi ko okay na lahat dad. Magiging okay na ang pangalan natin. Magiging masaya na ulit tayo tulad ng dati. Hindi na masisira ang family natin. Hindi na ako magagalit at magtatampo sa inyo"


Tumayo ako para kunin ang laptop ko. Inopen ko ang mga nakasave na files ni dad. Ipapakita ko lahat ito kay Tito Stephen. Ipapakita kong hindi kami ang dahilan.

Getting Back TogetherWhere stories live. Discover now