Chapter 23. Last Kiss.

138 3 0
                                    

|A L T H E A. Z A R A|

Ilang araw na akong niyayaya nila Mica para magkita kita pero hindi ko pa rin sila pinagbibigyan. Ang dami ko na ngang palusot at nauubusan na ako.

Napabangon ako sa kama ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Alam kong nailock ko 'yun. Narinig ko ang boses nila Mike kaya paniguradong sila ang nagbukas.

"Beshie! " Rinig kong boses ni Mica.

"Yan ba ang busy? Kahiga ka lang naman eh" sabi naman ni Mike.

"Sinong nagsabing magpunta kayo dito? " sabi ko.

"Ay ang sungit. Meron ka ba? " sabi ulit ni Mica.

Napailing nalang talaga ako. Tama talaga ang hinala ko kapag tuloy tuloy ang pag tanggi ko bigla bigla nalang silang pupunta dito. Naupo sila Kervin at Andrew sa sofa si Mike at Mica naman nahiga sa kama ko. At nakita kong palapit sa akin si Mio umupo siya sa tabi ko.

"Na miss ka namin Thea" sabi ni Andrew.

"Di ka niya miss" sagot naman ni Mica.

Hindi ko pinapakitang hindi ako okay dahil ayokong magtanong sila at ayoko rin namang mag kwento. Pero alam niyo ba 'yung sinasadya ka talaga ng tadhana alam niyo ba 'yung ikaw yung paboritong laging sinasaktan. Kasi feeling ko talaga sinalo ko lahat ng sakit eh. Makita ko lang si Mio ang hirap ng huminga eh.

"Are you avoiding me? "

Oh My God. Nakailang pikit ako at ilang beses huminga ng malalim. Hindi naman mahirap ang tanong niya eh pero bakit nahihirapan akong sumagot.

"No.Im just tired."

"Hindi ka pumapasok paano ka napapagod?"

Pagod na pagod na pagod na ako Mio. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong ipaglaban ka pero sa huli hindi naman ako ang pipiliin mo. Pagod na ako. Ano ba ang dapat kong gawin.

Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko.

Dumiretso ako agad ng banyo dahil hindi ko na kayang pigilan ang pagtulo ng luha ko. Tinatakpan ko ang bibig ko para hindi nila ako makarinig.

"Beshie okay ka lang? "

Rinig ko ang pag katok nila sa banyo. Pero hindi ko magawang sumagot.

"May sakit ka ba Althea? " rinig kong sabi ni Kervin.

Althea naman wag ka ng umiyak lakasan mo naman ang loob mo. Napaka iyakin mo talaga kahit kailan.

--

We have a date. Niyaya ako ni Mio para mag dinner dahil hindi na raw kami nakakalabas at hindi raw niya ako nakakasama. Pumayag ako para kahit papano hindi niya mapansin. Gusto kong maging normal pa rin ang lahat sa amin.

Gustuhin ko mang magalit sa kaniya hindi ko magawa. Wala eh. Sobrang mahal ko. Ganito ata talaga.

"What are you doing this past few days?"

"I just don't feel to work. Pahinga lang ako."

"Hindi mo ba ako na miss? Hindi ka nagpapakita sa akin eh. Gusto kitang puntahan pero ayaw mo" Kita ko ang lungkot sa mata niya pero walang wala ito sa lungkot at sakit na nararamdaman ko ng malamang siya ang pinili mo. Hindi ko na nagagalaw ang pagkain sa harap ko.

"Are you okay?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

Im just wondering ano kaya ang mangyayari sa akin pag wala na siya. Pag tuluyan na niya akong iwan. Magiging masaya kaya siya kay Aliah. Ako kaya magiging masaya pa.

Getting Back TogetherWhere stories live. Discover now