Chapter 18. Vacation

277 8 5
                                    

|A L T H E A |

Sobrang busy kami ngayon dito sa company dahil ang dami daming meeting. Lahat ng meeting ay kasama kami ni Kuya Jarvis. May time na ako yung nag pre-present ng power point and everything goes right.

Mabuti nalang talaga may napuputahan ang pinagpupuyatan ko.

Napansin kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko agad. And I smile.

Mio
Are you done?

Tinignan ko ang wall clock na nakasabit para malaman kung anong oras na bago magreply sa kanya and 7:20 na pala. Overtime nanaman ako ng isang oras.

Ayusin ko lang mga gamit ko and Im coming down :)

Ewan ko ba kung bakit nagmamadali ako basta ngayon ayokong paghintayin ng matagal si Mio. Wala naman kaming planong mag dinner sa labas baka nga ihahatid niya lang ako eh.

Pero ayoko pang umuwi. Yayain ko nalang siguro siyang kumain. Great!

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Mio na nakasandal sa dingding. Nakapikit ang mata at nakapamulsa ang kamay. He's handsome that's why I secretly picture him.

"That's a crime"

Nagulat ako ng bigla siyang magsalita habang ako naman ay tinitignan ang picture niya sa phone ko kaya bigla kong naitago sa loob ng hawak kong bag.

"W-what? Wala akong ginagawa"

"Nakalimutan mong alisin ang flash ng camera mo. Okay na bang evidence 'yun?"

Oh no. Bakit ba ganyan siya makatingin sa akin. Pero di ko napansin na may flash ang camera ko ah.

"Okay fine. Pinicturan kita" pag aamin ko.

Kinuha naman niya ang phone niya galing sa bulsa pagkatapos ay hinila ako palapit sa kaniya.

"You don't need to do that papayag naman ako kung sasabihin mo eh"

Inakbayan niya ako at itinutok ang camera sa mukha namin.

"Smile"

Natutulala ako habang tinitignan niya ang mga picture namin. He's cute.

"Let's go?" Mio said.

"Saan?"

"You forgot? Pupunta tayo kila Andrew nagyaya silang manuod ng shooting diba?"

OMG. Oo nga. Sa sobrang busy nakalimutan ko na 'yun. Hinila ko na agad si Mio dahil malamang nagtart na, dapat 7:30 nakarating na kami doon. Naku Althea dapat inagahan mo matapos.

Mabuti naman maraming alam na shortcut si Mio nakakaiwas kami sa traffic. Mas mabilis kaming makakarating kapag ganito. 

"Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ang sarili na umibig pang muli

Kung di rin tayo sa huli"

Sinasabayan ni Mio ang kanta ng December Avenue at ako nakatitig lang sa kanya.  Lalo ko siyang minamahal dahil sa boses niya. 

"Baka naman matunaw ako"

Napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang ngumiti sa akin. Sanay na dapat ako pero yung puso ko sobrang bilis ng tibok Mygad!

"Alright, andito na tayo"

Sabay kaming naglakad ni Mio at hindi nga ako nagkamali nag start na nga ang shooting.  Habang papunta kami ay hinahanap na agad ng mata ko si Mica sa kaniya kasi kami tatabi.

Getting Back TogetherWhere stories live. Discover now