Chapter 4: Kidnapped

Start from the beginning
                                        

That I should be okay, too.

Ngumiti ako bago pinahid ang mga natuyong luha sa ‘king pisngi. Kinuwentuhan ko lang sila ng mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw katulad ng madalas kong ginagawa sa tuwing nandito ako. Pati na rin ang natuklasan ko tungkol kay Stephen Anderson ay nabanggit ko sa kanila.

Masyado na kasing mabigat sa pakiramdam na mayroon kang lihim na nalalaman at hindi mo magawang ipaalam sa kahit na sino dahil nang dahil sa takot. Kaya kahit papaano ng maikuwento ko ‘yon sa kanila ay gumaan ang pakiramdam ko.

Kahit na alam kong hindi na sila sasagot pa. Kahit na alam kong wala na akong maririnig na payo mula sa kanila. Kahit na alam kong hindi ko na totoong mararamdaman ang mahigpit na yakap nila sa ‘kin at maririnig ang matatamis nilang mga salita.

Isang oras pa akong nanatili rito bago ko napagdesisyunang umalis. Mamayang gabi pa naman ang selebrasyon na inihanda nina Mama para sa ‘kin kaya naisipan ko munang pumunta sa mall.

Habang naglalakad palapit sa nakaparada kong sasakyan ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa dalang clutch bag. Yayayain ko na lang siguro ang tropa na maglibot muna. Ang lungkot naman kasi kung ako lang mag-isa ang mamamasyal. Para sabay-sabay na rin kaming pupunta sa bahay pagkatapos.

I don’t know why, but I suddenly miss them.

Sa dinami-rami ng mga taong nagtangka na mapalapit sa ‘kin ay sila lang ang hinayaan ko. Siguro dahil halos kapareho ko sila ng naging kapalaran kaya madali kaming nagkasundo at nagkaintindihan. Isa pa ay sa kanila lang kahit papaano napanatag ang loob ko.

Ito ay dahil sa kadahilanang minsan ng nasira ang tiwala na ipinagkaloob ko sa isang tao. Na kahit kailan ay hinding-hindi na mabubuo pa.

Unti-unti kong ikinuyom ang aking kamao. I will make sure that my parents get the justice that they deserve.

Kaunting panahon na lang. Alam kong malapit ko na siyang makita.

I let out a deep sigh as I stopped right in front of my car and leaned my back against the hood. I was about to call Mads when suddenly, a black van stopped right in front of me.

Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang mga pamilyar na men in black na umibis mula sa loob nito. I was about to run towards the driver’s seat of my car when the two of them blocked my way instantly.

Naalerto ako nang mapansin na napapalibutan na nila ako.

Damn! What is this? Kidnapping?

Mahigpit akong napahawak sa clutch bag ko at kinapa ang swiss knife sa loob nito. Subukan lang nilang lumapit at hindi ako mangingiming gilitan sila ng leeg!

I cringed at that thought. I never saw this coming. I’ll use this small yet dangerous weapon to kill people!

But this is the sole purpose of that thing. For protection.

Kahit na alam kong dehado ako. Dahil bukod sa marami sila ay pansin ko na may kanya-kanya rin silang baril na nakasukbit sa mga beywang nila.

Ngayon ko pinagsisisihan na tinanggihan ko ang alok na tulong noon ni Damon para makakuha ako ng lisensyadong baril. Though I know how to use one. Thanks to them again.

Taas noo ko silang hinarap at pilit na pinatatag ang aking boses. Hindi dapat ako magpakita ng kahit anong kahinaan sa kanila.

“Anong kailangan n’yo sa ‘kin? Pera? Tell me. Madali naman akong kausap. Hindi naman natin kailangang humantong sa ganito,” pagkumbinsi ko sa kanila habang naglulumikot ang aking mga mata para maghanap ng puwede kong matakbuhan at magamit laban sa kanila.

Capturing Cinderella (Preview Only | Published) ✓Where stories live. Discover now