Chapter 27 - Finger Hearts

1.2K 45 7
                                    

Taehyung...

"Lee-ah," narinig kong tawag sa pangalan ko mula sa malayo.

Hindi ko agad matukoy kung saan nanggagaling ito. Mahina at halos hindi ko na marinig ang boses. Pinilit kong minulat ang aking mga mata at natagpuan ang mukha ni Shower-unnie na nakatungo sa'kin. Pumikit-pikit ako at sinubukang ngumiti.

"Mabuti't nagising ka na," aniya at tumalikod.

Lumapit siya sa microwave na nakalagay sa mesa sa gilid at pagbalik ay may dala nang tray kung saan nakapatong ang isang mangkok na may lamang soup.

"Kain ka na."

"Ano 'to?" tanong ko.

"Nabagok ba ang ulo mo at nakalimutan mo na ang Samgyetang?" nakatawa nitong biro.

Imbes na sumagot ay natahimik ako at napaisip. Parang nangyari na 'to. Ganitong ganito na rin ang naging pag-uusap namin kanina lang bago ako matulog. Sandali lang. Panaginip lang ba ang mga nangyari kanina? Ibig sabihin ba, hindi totoo ang napanood ko sa TV tungkol sa nakunan na larawan ng isang fan sa Achasan Mountain?

Kinuha ko ang kutsarita at anyong susubo ngunit nanginginig ang mga kamay ko. Kukunin sa'kin ni Unnie ang kutsara, alam ko. Ito ang susunod na mangyayari.

"Ako na nga ang magsusubo sa'yo."

Tama nga! Nauulit lang ang mga pangyayari! Pero bakit? Naguguluhan na ako! Alin sa mga nangyayari ang totoo? Alin ang mga panaginip lang? Nakaramdam ako ng parang pagtusok sa may sentido ko kaya napangiwi ako. Nag-aalalang hinawakan ni Shower-unnie ang aking balikat.

"Okay ka lang, Lee-ah?" anito.

Tumango ako at pumikit. Ano ba'ng nangyayari? Hindi ko na naiintindihan ang mga nagaganap. Naguguluhan na talaga ako! Pagmulat ko, nakatunghay pa rin sa'kin si Shower-unnie kaya ngumiti ako para maibsan ang pag-aalala niyang nababakas ko sa kanyang nakakunot na noo.

"Nasaan nga pala sina Unnie?" pag-iiba ko sa usapan. Kinuha ko ang kutsarita sa kanya at sinabing ako na lang ang magsusubo sa sarili ko. Tutal, medyo kaya ko naman na.

"Galing na sila rito kagabi, kasama ko," sagot ni Shower-unnie. "May meeting sila ngayon nina Ms. Jendi tungkol sa concert natin. Hindi na muna ako pinasama para bantayan ka."

"Gano'n ba?" sagot ko. "Mianhae, Unnie. Kung hindi dahil sa'kin, nakakapag-practice ka rin sana at hindi nakakulong dito."

"Ano ka ba?" saway nito. "Mas gusto ko nga rito at nakakapagpahinga ako."

Tumawa ito sa sinabi. Napangiti rin ako at sinubukang ituloy ang pagkain ng soup. Medyo lumamig na ito nang kaunti. Dapat maubos ko na 'to agad. Ramdam ko na rin kasi ang pangangalam ng sikmura ko.

"Ano'ng oras na kaya? Baka nagsisimula na," narinig kong sabi ng kasama ko. Tumayo si Shower-unnie at lumapit sa TV.

"Huwag!" mabilis kong saway. "Huwag mong bubuksan ang TV, Unnie. Ayokong manood!"

"Bakit?" nagtataka nitong tanong.

"W-wala naman," sagot ko at yumuko sa nakasara kong mga kamao.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang nangyari na talaga ang lahat ng ito. Ayoko namang sabihin sa kanyang tila alam ko at nababasa ko ang mga susunod na magaganap. Tila alam ko na kung ano ang mapapanood naming balita ngayon sa TV dahil nangyari na nga ito sa panaginip ko-- kung panaginip nga ba talaga 'yon o memorya.

"Ayaw mo ba'ng mapanood ang interview kay Suga-sunbae?" aniya.

"Interview?" sa halip ay nagulat kong ulit.

Trapped in an A.R.M.Y's Dream [WATTYS 2019 Winner]Where stories live. Discover now