Chapter 44: Tristan's girl

Start from the beginning
                                    

[Nakahiga na ako. Matutulog na lang.]

Narinig ko pa ang paghikab niya.

[Please sing me a song.]

"Anong kanta?"

[Our song...]

"'Yung kay Taylor Swift?"

[Mika.. I really want to knock your head kung may laman talaga 'yan.]

"Bakit?"

[Our song... 'yung kinakanta mo noong naliligo ka.]

"Ahhh." 'Yun pala 'yun. Kala ko naman 'yung kanta ni Taylor Swift. hihi ^o^

Nagsimula na akong kumanta. Paikot-ikot ako sa labas ng bahay ni Tristan habang kinakantahan si Nathan. Ayyiiieeee! Iyon daw ang kanta namin. Ahhhh! Kinikilig ako.

"Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman"

Patuloy lang ako sa ginagawa ko. Tinapos ko 'yung kanta pero hindi na siya sumagot pa sa kabilang linya. Wala nang umiimik pa.

Nakatulog na kaya siya?

"Nathan?"

[...]

"Tulog ka na ba?"

Tanungin ba raw kung tulog na? Haha! Ano kaya kung sumagot siya ng 'Oo. Tulog na ako.'

"Good night, Moo. Mahal na mahal na mahal kita. Super to the hightest level. Ibababa ko na ha? Hihi! Mmmmmwwwwwaaaa!" Ibababa ko na sana 'yung call nang magsalita siya.

[I love you so much, Mika... sooo much. Hindi pa ako nakakatulog. Ngayong 11am pa lang ako magpapahinga.] Iba na 'yung boses niya. Pagod na pagod nga ata siya. Akala ko pa nga nakatulog na siya eh.

Teka?

"Eleven nang umaga dyan? Dito 11pm eh. Bakit ganun?"

[Ganun talaga... at ngayon pa lang ako matutulog. Busy ako magdamag.]

"Ahh, okay. Sleep ka na. Mwaaaa! I love you!"

[I love you.]

Natapos na ang pag-uusap namin. Iniisip ko kung ano ba talaga ang ginagawa ni Nathan. Hindi ko pa kasi siya nakitang ganoon kapagod. Waaa! Baka namamayat na si Nathan ko doon! Hindi pwede!

Masaya kong tinitigan ang wallpaper kong picture ni Nathan.

"Nakakainis kang tingnan."

Nagulat ako nang marinig ang boses ni Ira sa bandang likuran ko. Naka-crossed arms siyang nakasandal sa gate na mukhang kanina pa akong pinapanood.

"Nandito ka rin pala."

"Yes. I am invited." Lumakad siya palapit sa 'kin na parang nanlilisik ang mga mata. Ang sexy niyang maglakad. Bagay rin sa kanya ang damit niya. Mukha siyang mayaman.

"You know what Mika..." Hinawakan niya ako sa mukha. Iniwas ko naman ito. "Gustung-gusto kong sirain ang mukha mo. Gustung-gusto rin kitang sabunutan."

Inikutan niya ako na para bang tinitingnan ang buong katawan ko.

"Ano bang problema mo sa 'kin?"

"Malaki. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit naghihirap ang taong iyon. Kaunting-kaunti na lang, Mika... Mawawalan na ako ng pasensya sa 'yo," sabi niya saka pumasok muli sa loob ng bahay nina Tristan.

Hindi ko maintindihan ang sinabi sa akin ni Ira. Nakainom ba siya? Bakit ba galit siya sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya?

Nagkumpulan ang ilang tao sa isang lugar. Nakita ko si Nicole na natataranta kaya agad akong pumunta sa kanila. Halos hindi ako makadaan dahil sa sikip.

"Nix, anong nangyari?"

"Si Tristan kasi eh, naglasing siya."

"Tol, ano bang nangyayari sa 'yo? Umayos ka nga!" sita ni Arden.

"Bitawan mo ako. Kaya ko," sabi ni Tristan na lasing na lasing. Pilit siyang inaalalayan ni Arden pero tinatanggal niya ang pagkakahawak sa kanya nito.

Matutumba pa siya kaya hinawakan na naman siya ni Arden.

"Tristan! Teka, anong nangyari sa 'yo?!"

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaya naman pinuntahan ko siya agad at inalalayan. Ano bang nangyari?! Tiningnan niya muna ako at saka ngumiti.

Nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko. Nakita ko naman ang mukha niyang nagmamakaawa.

"Mika, she rejected me again."

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Bakit ganun? Bakit sobra akong naaawa kay Tristan? Yayakapin ko sana siya pero pumagitna si Ira sa 'ming dalawa.

"Huwag mo siyang hahawakan!" pagbabanta ni Ira.

"Arden! Alam kong hindi tayo close, but please.. ilayo mo muna ang babaeng 'yan sa kanya!" dagdag ni Ira.

"Halika, Amazona girl." Itinayo ako ni Arden at umalis na kami. Naupo muna ako sa mga nakalabas na silya sa malapit at nilingon si Tristan. Inalalayan siya ni Ira pati na rin ng ibang tao.

"Ano bang nangyayari? Bakit ganun na lang ang galit sa 'kin ni Ira?" tanong ko. Naguguluhan na ako. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero hindi ko alam kung bakit ang init parati ng dugo niya sa 'kin.

"Siguro wala lang siya sa mood," sabi ni Arden.

"That b*tch! Feeling girlfriend siya ni Tristan!" nagngingitngit na sabi ni Nicole.

Ilang sandali lang ay bumalik na sa normal ang lahat. Nagpatuloy ang party. Ang daming kakilala ni Arden. Sikat na sikat pala talaga ang Three Prince. Siguro kung nandito si Nathan, baka isa siya sa pinagkakaguluhan ng mga babae.

"Kawawa naman si Tristan, 'di ba?"

"Oo nga eh, sobrang curious ako kung sino 'yung babae na tinutukoy niya. Naiinggit ako!"

"Buti pa 'yun. Pero grabe ha! Ang kapal ng mukhang tanggihan ang isang Tristan Dela Rosa!"

"Hindi ko pa nakikita 'yung babae but I loathe her already! 'Wag lang siyang magpapakita sa 'kin!"

Ang dami kong naririnig sa paligid. Naiinis ako. Kawawa naman si Tristan.

"Teka? Bakit wala si Nathan Smith? Hindi kumpleto ang Three Prince?"

"Hindi mo ba alam 'yung balita? Nangibang bansa siya para sa singing career niya."

"Talaga?! Kyaaaaaah! Sayang naman! Pero siguradong mas maraming babaeng magkakagusto sa kanya!"

"Swerte ng girlfriend niya!"

"May girlfriend siya? Sino?!"

"Ewan. Hindi naman sikat eh."

"Pero wait! Singing career? Ano kayang sabi ng magulang niya? Kasi balang araw siya ang magmamana ng J.S Company, 'di ba? Siya 'yung future CEO?"

Narinig ko rin na pinag-uusapan nila si Nathan. Okay! Edi ako na nga ang hindi sikat. Psh! Hindi nila alam na nakakasalubong na nila 'yung girlfriend ng NATHAN na pinag-uusapan nila.

Nilapitan ako ni Tita Celine at mukha siyang malungkot.

"Tita." Una akong bumati sa kanya. "Kumusta na po si Tristan?"

Umiling siya. "Lasing na lasing."

"Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nung babae kay Tristan. Ideal man naman si Tristan. Nasa'n ba siya? Nakita niyo na po ba siya?"

Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko. May nasabi ba akong masama?

"Bakit po?" tanong ko. Naguguluhan ako sa ipinapakita niyang expression.

"Kung gano'n, hindi mo pala alam." Napabulong siya saka tumingin sa ibang direksyon pero narinig ko 'yun.

"Ang alin po, iyong babae? Opo, hindi ko pa siya nakikita. Tsk. Kainis!

Ngumiti na lang si Tita sa akin.

"Nakakatuwa ka. Sige hija, maiwan na muna kita. Kailangan ko pang asikasuhin ang ibang bisita," sabi niya bago ako iwan.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Where stories live. Discover now