Chapter 44: Tristan's girl

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang sama mo. Salamat ha!"

Tumawa siya sa kabilang linya. Haaay. Gusto kong makita ang pagtawa niya. Ngayon lang siguro uli siya nakatawa nang ganito dahil seryoso siyang tao. Naiiyak na naman tuloy ako.

*sniff.. sniff*

[Mika, baka makarating ako ng Pilipinas dahil sa pagsinghot mo, nadadala ako. Ang lakas eh.]

"Hoy yabang mo! Kapag umiiyak ka, ganun din naman ang ginagawa mo! Sumisinghot ka."

[I never cried...]

Eh? Talaga? Kahit noong bata pa siya? Imposible!

"Imposible! Umiyak ka na noong bata ka pa. Siguro nga pag nadapa ka, iyak ka agad eh."

[Hindi pa ako nadadapa at kung madapa man ako noong bata ako, I won't cry. Wala sa vocabulary ko ang salitang pag-iyak.]

"Eh noong sanggol ka pa? 'Di ba syempre iiyak ka dapat nun kapag gutom ka? Hello, Moo! Walang taong hindi marunong umiyak."

[Maybe noong sanggol ako. Pero hindi 'yun kasama kasi wala pa akong isip noon.]

Ang yabang naman nito!

"Edi ikaw na ang hindi marunong umiyak! Hmp!" May biglang pumasok sa isip ko kaya gusto kong itanong sa kanya. Nandito na rin naman kami sa topic na ito eh.

Kung hindi pa umiiyak si Nathan, paano kung...

"Moo, paano kung... mamatay ako? Iiyak ka ba?"

[Fck! What's wrong with you Mika?! You're such an idiot! Don't ask stupid things!]

"Tinatanong ko lang eh! Iiyak ka ba?"

[I said stop! Aish! You're changing the topic, Mika. I told you to listen, right?! I have to say something very important.]

Important? Ano kaya 'yun?

"..."

[Get ready 'coz after a week you'll be going here. My butler Greg is already preparing your passport.]

"Ano?!"

[Kailangan ko pa bang ulitin?! Nasabi ko na kaya. Sabi ko, makinig ka nang mabuti, 'di ba?]

"Passport?! Anong passport?!"

[God, bakit ba pinanganak kang mababa ang IQ?]

"Sorry naman, 'di ba? Pwedeng mag-sorry?"

[Pupunta ka dito after a week so get ready.]

"Yehey! Makikita na uli kita, Moo? Then makakapunta ako sa ibang bansa, ganun ba? Yes! Waaaah! Excited na ako, Moo! You're the best! Ano pa lang itsura dyan? Maganda ba? Kasing ganda ko? Kasi ang ganda ng suot ko ngayon. Sayang hindi mo ako nakikita. Haha!"

[Aish... masisira speaker ng cellphone ko sa 'yo.]

"Eh kasi excited na agad ako! Waaah! Gusto ko nang mag-next week, Moo!"

[But... one week ka lang dito. I only asked Andrea to give me a favor.]

"Ay... daya! One week lang? Pwedeng one month? Dyan na ako! Kahit katulong mo, okay lang sa 'kin."

[No.]

"Daya talaga.. haay. Pero okay na rin kasi makikita na uli kita."

[Pagdating mo dito, bigyan mo ako ng maraming kiss ah.]

Namula na agad ako. Sobra akong kinikilig. Kyaaaah!

[ Moo... I'm very tired.]

"Gusto mo na bang matulog?"

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon