Chapter 79 - Yellow (March 17, 2019)

Start from the beginning
                                    

"Huwag na kasing kusotin." Suway sa kanya ni Andres.

Bahagya siyang tumango. Maya-maya, sinundan niya na si Andres sa pagbaba ng bus. Nakita niya ring sumaludo si Andres sa kundutor bago sila tuluyang makalayo.

"Namamaga ba talaga?" Tanong ni Mia nang naglalakad na sila sa kalsada.

"Huh?"

"'Yung mata ko, kung namamaga ba ng sobra-sobra." Ulit ni Mia.

Pero ang totoo. Hindi naman talaga siya ganoon ka-conscious sa itsura niya. Masyado na siyang lugmok nitong mga nakaraang araw na tuluyan niya na talagang kinalimutan 'yung pag-aayos ng sarili. Na hanggang ngayon, hindi pa rin niya nagawang mag-ayos.

Masyado lang kasing kakaiba 'yung pakiramdam niya ngayong bumalik na siya ng Verde. 'Yung amoy ng mga paligid. The humidity and temperature na tamang-tama lang sa paglalakd. The sound of the leaves rustling. Pati 'yung kapansing-pansing punto ng mga tao sa paligid dinig na dinig na niya na parang nagsasabing, heto na nga at nagbalik na siya.

At kahit pa nga nag-stay pa siya ng isang taon sa Del Verde University, isa pa rin ang lugar na 'yun sa pinaka-iniiwasan niya. The place of her supposed realized dreams. Na ngayon simpleng lugar na lang. Parte na lang ng mga what could have been niya.

"Naniningkit ka lang." Bahagyang tumatawa si Andres habang sinasagot ang tanong niya.

"Eh 'di namamaga nga."

"Ano naman?" Ginulo nito ang buhok ni Miala bago muling nagsalita. "Huwag ka na kasing umiyak. Noong nauna kitang nakita, ganyang-ganyan ka din eh. Umiiyak ka din."

"Huh?" Nag-isip si Mia. "Hindi ah."

"Oo nga."

"Grabe ka. Kahit na mukha akong tanga 'nung kasal nila Jane at Tom— oh God bless his soul— eh hindi naman ako umiiyak 'nun no."

"'Di naman kasi 'yun eh."

"Huh?" Miala becomes confused even more.

Ngiti lang ang isinagot ni Andres habang hinihila siya papasok sa sa campus.

Bigla tuloy napaisip si Mia. Dahil hindi naman siya tanga. Kung hindi lang halo-halo 'yung pakiramdam niya simula kaninang isinakay siya ni Andres sa linya ng mga bus na pinaka-iiwasan niyang sakyan. Kung hindi nga siguro siya niyakag ni Andres dito, baka hindi na siya ulit babalik pa. Na kahit pa nga si Riley na mismong ka-batch niya dito, hindi siya mapabalik.

"Nagkita na ba tayo sa university? Sa Del Verde ka ba nagaaral?!" Malakas na tanong ni Miala bago pa gumana ang utak niya to do the math. "Wait. Ilang taon ka na kamong vet? Ay, imposible tayong magkita dito sa uni."

"Hindi nga." Malumanay na sagot nito

"Eh anong sinasabi mo?"

"Patience, my love."

Napatahimik na lang si Mia hindi lang dahil sa wala siyang maisagot, kundi dahil sa term of endearment nito that came from nowhere. Na parang wala lang nangyari. Although she didn't wish otherwise, iniisip lang niya ang consequence ng kagaanan ng sitwasyon.

Sumakay sila sa stop ng jeep na nagkataong nasa tapat rin ng apartment na sana kukunin ni Lenard dati, kung sakaling natuloy sila. Isa rin sa mga iniiwasan niyang tignan noong nagaaral pa lang siya, pero ngayon ay medyo iba. Medyo magaang na kahit papaano.

"Dalawa boss." Ani Andres habang nagbabayad. "Pasensya na walang barya. Diretso lang sa may kaliwa kami ah."

"Ay, main road ang daan namin, may ginagawa sa may yellow eh." Sagot ng driver habang kinukuha ang bayad.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now