Chapter 17:That Night

356 11 0
                                    


" makabihis na nga! " padabog kong sabi.

Tinungo ko muna yung pinto upang i siguradong nakasara na talaga yun. Mahirap na kung ano pang mangyari sakin.

Mahirap na talaga

Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Ok lang naman tong sout ko ah! Isang terno na pajama na blue. Hindi ko na kailangan mag pa sexy pa as if naman may mangyayaring honeymoon saming dalawa. At as if naman na papayag ako.

Hindi

Hindi

Hindi!

Never!

Habang nagdadrama pa ako sa salamin ay may biglang kumatok sa pintuan.

Tinungo ko agad iyon upang malaman kung sino ang kumakatok.

Si ate girl pala kanina

" bakit po? " tinignan nya naman ako mula ulo hanggang paa

Anueng problema nito sakin? May dumi ba ang pajama ko? O talagang judgemental lang si ate?

" ate? " nagulat naman sya at biglang nag sorry

" mam, kakain na raw kayo ni sir. " ani nito

Ayokong sumalo sa lalaking iyon noh!bahala sya sa buhay nya.

" sabihin mo nalang sakanya na busog pa ako " tumango naman siya at umalis na.

Taene niya. Bahala na siya sa buhay niya.

Bumalik na ako sa loob ng kwarto at humiga sa kama.

Tinignan ko ang phone ko.

Wala man lang missed calls or missed message na galing kay miko.

"Tawagan ko kaya siya? "

"Ok lang kaya yun? "

"Bahala na nga!"

09*********

(Ringinggg)

"Skhyyy!!" Bungad ng nasa kabilang linya. Wait muna? Lasing ba sya?

" Miko!, san ka ngayon? " nag aalala na ako kung ano pwede mangyari sakanya pag lasing siya.

" Mochii koooo!!! May asawa kana palaaa!!! Ansaya Ng buhay diba? " ano bang nangyayari sakanya?

" miko naman oh! Pinag aalala mo ako eh! " tumawa naman siya

" nag aalala ka? Puntahan mo ako dito ako sa bar na diko alam kung anong pangalan. Basta yung malapit sa campus at yung may bouncer na kamukha ng bestfriend ko noon, HAHAHAHA"

" Miko! Nakaka inis ka ah! "

*toot toot*

Inend call nya.

Pupuntahan ko ba siya?

O baka si Mika nalang ang tawagan ko upang puntahan siya.

Dinial ko agad number ni Mika pero out of reach ito. Naka turn off ata ang phone.

" pano na to? "

Nagbihis agad ako at bumaba.

Nakita ko si Azaekel sa Couch sa Sala na nanonood ng soccer.

Hindi ko nalang siya pinansin at tsaka pumunta na dun sa pintuan.

" San punta? "

Nagulat ako ng bigla nyang pagsasalita.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na pupunta ako kay Miko.

" Sa .... department store! " at umalis na .

That Cassanova Mafia Guy (On-Going)Where stories live. Discover now