Prologue

13 0 0
                                    

Mr. and Mrs. Cordoves and the Children

==============================

13 years ago

"Simula ngayon Mommy at Daddy na ang itatawag nyo samin huh?" Ani Mrs. Cordoves na nakangiti. Nakaluhod sya sa harap ng limang batang babae para magkapantay sila.

Dahil hindi biniyayaan ang mag asawang Mr. and Mrs. Cordoves ay nagpasya silang mag ampon ng mga bata. Limang magagandang batang babae. Isang multi millionaire na businessman at businesswoman. Hindi sila nagkaroon ng anak sa kadahilanang may diperensya sa matris si Mrs. Cordoves. Ilang beses silang sumubok na magkaanak pero sa tuwing nabubuntis si Mrs. Cordoves ay lagi itong nami - miscarriage.

Pinayuhan na sila ng doktor na kapag nagka - miscarriage pa ulit ang Ginang ay baka mas lalong malagay sa peligro ang buhay nya. Hindi naman na pumayag pang sumubok pa ulit si Mr. Cordoves dahil masyado nyang mahal ang kanyang asawa para malagay pa sa peligro ang buhay nito. Hinikayat na lamang nya ang kanyang asawa na umampon na lang at doon ibuhos ang kanyang pagmamahal. Pumayag naman ito.

Pumunta sila sa limang bahay ampunan para mag ampon ng tig isang batang babae. Nung una ay tatlo lang ang gusto ni Mr. Cordoves pero sa pagpupumilit ng asawa ay napapayag nya itong lima. Mas masaya daw kasi pag malaking pamilya sila.

Bakit walang lalaki? Simple lang, dahil ayaw ni Mrs. Cordoves. Ito namang si Mr. Cordoves ay dahil mahal na mahal nga nya ang asawa ay sinunod na lamang nya ang gusto nito.

Nasa early 40s naman na sila at kailangan nila ng magiging tagapagmana ng lahat ng ari arian nila.

Nagsitanguan lang ang mga bata.

"Mamaya ipapasyal namin kayo ni Daddy para makapagbonding tayo. Saan nyo ba gustong pumunta?"

Walang sumagot sa mga bata. Tila.nahihiya pa sila sa isa't isa at sa magiging pamilya nila.

Napangiti si Mrs. Cordoves.

"Masanay na kayo mga anak. Dahil ako na ang Mommy ninyo. Okay? At mula ngayon ay magkakapatid na kayo. Ayaw nyo ba yun?" Aniya at tumayo. Agad namang pumulupot sa bewang nya ang braso ni Mr. Cordoves na nakangiti.

Wala pa ring sumagot sa kanila.

Liningon ni Mrs. Cordoves ang asawa with the "help me" look sa kanyang mukha.

Bumuntong hininga muna ang lalaki bago gumalaw. Binuhat nya ang pinakabata sa lima.

"At ako na rin ang Daddy nyo ngayon kaya wag na kayong mahiya." Kiniliti pa nya ang batang karga na napabunghalit ng tili at tawa.

"Aaaaaaaah! Daddy t-tama na po. Nakikiliti ako. Aaaaaaah. Hahahahaha! " Tili ng tili ang bata habang pinipigilan ang kamay ng Daddy nya sa pagkiliti.

Ibinaba naman na nya ang bata. "Oh ano? Hindi pa kayo magsasalita? Kikilitiin ko kayo." Aniya at hinabol na rin ang mga batang tumili at nagsipagtakbuhan sa living room ng mansyon.

Ngiting ngiti si Mrs. Cordova habang pinapanood ang kanyang mag aama na naghahabulan at nagkikilitian.

"Daddy awat na. Si Mommy naman po." Sabi nung nakatatandang bata habang hinihingal na tumatawa. Umupo sya sa sofa at sumunod rin ang apat pang mga bata.

Agad na nawala ang ngiti ni Mrs. Cordoves nang lumingon sa kanya si Mr. Cordoves. Nakangiti ito ng nakakaloko sa kanya habang tumataas baba ang kilay nito kaya agad syang kumaripas ng takbo paakyat.

"Kids, Mommy's escaping. Habulin natin sya." Sigaw ni Mr. Cordoves.

Napatili na lang si Mrs. Cordoves nang habulin nga sya ng mga bata paakyat pati na rin ng asawa. Agad syang pumasok sa kwarto nilang mag asawa. Isasara na sana nya ang pinto pero naiharang ni Mr. Cordoves ang mga braso nito. Pumasok ito kasunod ng mga batang tumatawa pa rin.

"Wala ka ng kawala ngayon." Ani Mr. Cordoves. Humakbang sya paatras ng dahan dahang lumalapit sa kanya ang asawa.

"Don't you ever think about it Mr. Cordoves." Banta ni Mrs. Cordoves.

"Oh yes I will dare think about it Mrs. Cordoves." He said in a husky voice.

Wala ng maatrasan si Mrs. Cordoves kaya napaupo na lang sya nung tumama ang likod ng tuhod nya sa dulo ng kama.

Napatili na lang si Mrs. Cordoves.nung hulihin sya ni Mr. Codoves at kiniliti. Sumampa na rin ang mga bata at nakisali sa dalawa. Ilang minuto pa silang nagkilitian bago nagpasya ang mag asawa na ipakita ang kwarto ng mga anak nila.

Makikita sa reaksyon ng mga bata ang pagkamangha at tuwa sa loob ng kwarto nila. Kulay pink ang bawat sulok ng silid. Parang doble ng kwarto ng mag asawa ang laki ng kanila. May isang california king bed na punong puno ng iba't ibang stuff toys.

"Ito ang magiging kwarto nyong lima. Pinagsama na lang namin kayo para naman makilala nyo ng lubos ang isa't isa at mga bata pa naman kayo." Paliwanag ni Mr. Cordoves.

Nagsisampahan ang mga bata sa kama at nagtatatalon talon doon. Natutuwang pinagmasdan lamang sila ng mag asawa habang magkaakbay.

Isinandal ni Mrs. Cordoves ang ulo sa balikat ng asawa.

"Thank you honey."

"For what?" Nagtatakang tanong ni Mr. Cordoves. Iniharap nya ang asawa sa kanya.

"For not giving up on me. Hindi mo ko iniwan kahit na hindi kita mabig--" Nilagay ni Mr. Cordoves ang hintuturo sa labi ng asawa para pigilan ito sa pagsalita.

"I have you and it's more than enough. I will never be contented lalo pa't may anak na tayo at lima pa." Ani Mr. Cordoves. "Mahal na mahal kita honey at wala akong pakialam kahit na hindi tayo biniyayaan. Mas importante ka sakin more than anything else. Okay?"

Tumango tango langbsi Mrs. Cordoves at hinalikan ang asawa.

"Yiiiiiieeeee" Tukso ng mga bata. Agad na naghiwalay ang mga labi nila ng maalalang may mga bata pala sa loob. Nilingon nila ito. Natawa ang ginang ng makitang nakatakip ang mga mata ng pinakabata sa kanila.

"Tapos na po ba?" Tanong pa nito na.mas lalong nagpatawa sa kanila.

Bumaba ang nakatatandang bata.at yumakap sa mag asawa. "Salamat po ha?" Hinaplos ni Mrs. Cordoves ang likod ng bata na umiiyak. Lumuhod sya sa harap nito at ngumiti.

"No. Kami dapat ang magpasalamat sa inyo ng mga kapatid mo for coming into our lives." Yumakap sa kanya ang bata.

"Maraming salamat pa rin po kasi sa wakas ay may matatawag na rin po kaming pamilya namin." Narinig ni Mrs. Cordoves na nag iiyakan na rin ang apat pang bata kaya medyo naluha na rin sya.

Humiwalay sya sa pagkakayakap at kinulong nya ang magkabilang pisngi ng bata sa kanyang mga palad at pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi nito. Ngumiti sya at pilit na nilabanan ang pagluha.

"Naku, ang iyakin naman pala mga anak ko. Mana sa Daddy nila." Biro nya.

"Anong sakin? Baka satin kamo hon." Hirit naman ni Mr. Cordova.

"Halinga kayo." Tawag ni Mrs. Cordova sa mga bata. Agad naman silang nagsilapitan at yumakap sa ginang. Nakiyakap na rin si Mr. Cordova.

Pagkatapos ng drama nila ay bumaba na rin sila para mag lunch at pagkatapos ay namasyal sa isang amusement park.

London (The Cinderellas #1)Where stories live. Discover now