Chapter 5: An Old Friend

Start from the beginning
                                    

"Ikaw"

"Eeeeeeeeeeeh?" 

O____O <--- Mukha ni Ayumi.

Hinalikan ko kasi sa cheeks. Cheeks lang, kayo ah. "Bye ASAWA KO, pakabait ka" Tapos kumaripas na ako ng takbo papunta sa klase ko. Pagkapasok ko sa loob may tarantadong nakabunggo sakin. =.= 

"Sensya na br--" Nagkatinginan kami. "Tss, may natangay na masamang hangin."

"Long time no see Kiel Natividad." Ngisi ko.

 ***

AYUMI'S POV

BWAHAHAHAHAHAHAHAHA! Success ang plano ko. Buti nalang napapayag ko si Kuya David na gawing block section ang third year at ipaghiwalay ang boys sa girls. Akala mo maiisahan mo ako Chiro. 

"MIMI!" 


"NANA!"

Nagyakapan kami. With Beso-Beso. "Ikwento mo na ang honeymoon mo teh! Nae-excite akong marinig kung gaano kayo ka-wild sa kama ni Chiro"


*PAK* Binatukan ko. "Langya ka naman Nana eh pero dahil napaka-ganda mo ngayon, eto na!" Tapos kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari simula noong kasal hanggang sa halik ni Chiro sa akin kaninang umaga.

*PAK PAK PAK PAAAAK!* Waaaaaaah! Ang sakit ng hampas sa akin ni Yanna. "KALOKA ang lovelife mo 'teh! Inggit ang beauty ko! May pa-kiss kiss pa kayong nalalaman! Pero Mimi, paano si KN ng buhay mo? Iiwan mo na ba? Sasaluhin ko na ba?" 

Ay, Siraulo. Crush kasi ni Yanna si Kiel pero pinaubaya na niya sakin dahil bagay daw kami. "Hindi naman alam ni Chiro kung sino yung lalaking kasama ko. Ang alam lang niya ay may lalaki ako. So Kahit papano, safe parin ang relasyon namin ni Kiel" 


*PAK* Haru Jusko, ako naman ang nakatanggap ng batok. "Mimi naman, hindi ko binigay sayo si Kiel para gawing kabit. Pareho lang kayong masasaktan niyan sa huli" 


"Tss, Yaan mo na. Mahal naman namin ang isa't isa." Nag-peace sign ako. Alam ko naman kasing babatukan nanaman ako nyan. "Tsaka gumagawa naman ako ng paraan na malayo kay Chiro. Nag-effort nga ako sa pagpapahiwalay sa boys at girls eh" 

"OO NGA PALA, IKAW! IKAW ANG SALARIN KUNG BAKIT HINDI AKO MAKAPAG-BOY HUNTING!" Maka-duro naman 'tong babaeng itech, wagas. Akala mo naman wala ng bukas para sa kanya. "Mimi, kapag bumagsak ako ng Third Year, ikaw ang magbabayad ng tuition ko ha?" 

"Gaga ka Nana, ikaw? Babagsak? Nako 'teh, mauuna muna akong bumagsak bago mangyari yun. Ni hindi ka nga nag-aaral pero nakaka-top ka." Sabi ko.

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now