Chapter 2: Brandt

9.9K 213 145
                                    

Chapter 2: Brandt

“Shit!!!” bulalas ko. Napaatras ako at napatakip ako ng bibig nang makitang nakadilat pa ang isang mata nito na tila nakatingin pa sa akin! Habang ang isang mata ay tila hinukay mula sa kalamnan! Hindi na makikilalala ang muka niya na tila tinadtad ng icepick ng 30 beses! Sukang-suka nako! Demonyo lang ang makakagawa nito!  Mukang hindi na sya makikilala sa itsura niya!

Hingal na hingal ako at pawis na pawis sa nasaksihan ko. Isang kapareho ko ng course ang pinatay sa building na to! Gusto kong sumigaw!

Pero hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip ko kung bakit sa halip tumakbo ako palabas ay pinilit kong magpakatatag at suriin ang duguang  katawan.

Napakabrutal ng ginawang pagpatay sa lalakeng  ito, masahol pa sa hayop, maiisip mong isang demonyo ang may kagagawan nito. Babaliktad talaga ang sikmura mo sa umaalingasaw na dugo sa sahig (ito nga ang kanina pa namin naamoy) mukang ngayon lang sya pinatay, maging ang buong  uniform niya at slacks ay  halos napaliguan na rin.

Halos mapigtas na ang mga kamay nito dahil sa pagkakabaon ng talim ng barbed wire na kung iisipin mo pwersahang hinila ang magkabilang kamay nito, halos nahukay na ang laman sa pulso niya at lumuwa na ang nalamog na laman at buo-buong dugo. Mas nilapitan ko pa ang bangkay at hindi kinaya ng sikmura ko ang nakita ko na akala ko nung una ay panali lamang--

Ang sarili niyang bituka na ikinwintas pa sa leeg niya habang nakakunekta pa ito sa wakwak niyang tiyan!

Bullshit!  Kailangan na naming umalis ni Aileen dito! Humangos ako ng takbo sa kinaroroonan niya.

“Aileen! Aileen! Gumising ka!” nakaupo sya at nakasandal sa sulok ng pader at tulala. Hindi ko pa rin maintindihan kung paanong napuno ng dugo ang katawan niya matapos bumagsak ang bangkay ng lalakeng ito!

“Aileen! Aileen! Duguan ka, anong nangyari sayo?! Ilalabas na kita dito!” sigaw ko at patakbo ako sa pwesto niya.

Namimilog ang mata niya na at nangingisay ang mga nakakuyom niyang mga kamay na puno ng dugo. Takot na takot sya! Nanginginig ang buo niyang katawan. Anong nangyayari sa kanya bakit punong-puno na sya ng dugo?!

Ngunit isang nakakatakot na pagngisi sa muka niya ang nakita ko.

“Isang malaking pagkakamali ang sinamahan mo ko dito.” sabi niya kasabay ng nakakakilabot at malakas niyang pagtawa. Nanlalaki ang mga mata niya at umiikot ang itim na parte nito. Muka na syang nahihibang!  Napapaatras nako sa kinatatayuan ko.

 “Aileen anong bang sinasabi mo!! Ano bang nangyayari sayo?!” sigaw ko.

“Ni hindi ka man lang nagdalawang isip, na pwede ako ang pumukol ng hollowblock sa ulo mo?!” tumayo sya at tila sinapian ng demonyo ang katawan niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Tulala ang muka niya at mukang wala sa sarili! Paano siya napuno ng dugo sa buong uniporme niya? Ayokong paniwalaan na imahinasyon ko lang ang Aileen na kasama ko kanina mula pa nung kumapit siya sa braso ko hanggang sa nahimatay siya dito?!

Thesis Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon