DARK PAST 21

1.9K 41 0
                                    

**I just love you, thank you.. kasi nakaabot ka sa Chapter na to.**

TAGAPAGSALAYSAY POV. ◑▂◐

Pumarada si Aia sa isang mataas na gusali, ayon sa address na nakuha nya dito daw nakatira ang kaibigang matagal nyang hindi nakita. Napangiti si Aia at isinuot ang shades. Glamorosang bumaba ng kotse, nakaboots na itim, black jeans, leather jacket at nakapaloob ang hanging tube at super red lips. Lahat napapalingon sa reynang bumaba sa lupa. Napakalakas ng aura nito, nakangiti ngunit nakakakilabot.

Diri-diretso itong naglakad patungo sa elevator ng building. May limang tao ang naunang nakasakay na sa elevator ngunit lahat sila gumilid para bigyan ng malaking espasyo ang binibini. Tahimik lamang sila sa loob, hindi nag kikibuan, at tanging paghinga ang madidinig ang iba sa kanila pigil pa ang paghinga.

Pagbukas ng elevator sa 21st floor naunang lumabas si Aia, sinundan lamang sya ng tingin ng naka sabay sa elevator. Dinaanan ng paningin ni Aia ang bawat unit number ng mga nakatira dito. At ng mapadako ang tingin nya sa unit number 514.

"Gotcha!" parang nanalo na napapangiti pa ito.

Pinadaan nya ng mga daliri ang buzzer ng unit, hinaplos-haplos ito. At pagkaraan, kasabay ng pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito na parang isang tigre handang manakmal ng biktima buong pwersa nyang pinindot ang buzzer.

Unti-unting nagbukas ang pinto ng unit. Nakapaskil na naman ang matatamis na ngiti ni Aia. Ng makita ng nakatira sa naturang unit kung sino ang bisitang gumambala sa kanya ay nanlaki lamang ang kanyang mga mata sa taong nakatayo ngayon sa harap nya.

Hindi nya mahanap ang dila at makapag bigkas ng kahit isang salita. Dahan-dahang tinanggal ni Aia ang shades, napaka-amo talaga ng mga mata nito. Kung titignan parang sabik na sabik itong makita ang dating kakilala.

"Kumusta Vannah? bumisita ka pala sa bahay namin, bakit di ka tumuloy? Napilitan tuloy akong hanapin kung saan ka natira at ako na mismo ang bumisita sayo." nakangiti at malambing nitong sabi.

"Anong kailangan mo?" si Savannah.

"Ikaw, anong kailangan mo?" bigla na naman nagbago ang tono ni Aia.

Nakakabaliw sya (tagapagsalaysay)

"Natatakot ka ba sakin Aia?" nagawang sabihin ni Savannah.

"Oo." diretsong sagot ni Aia.

Nagulat naman si Savannah sa diretsong pag-amin nito. Hindi nya aakalain na ang dating superior ay aamin na natatakot ito sa katulad nya. Hmmm...mukhang magandang oppurtunidad para mapag laruan si Maia Majesta.

"Oo...natatakot ako..." humakbang ito.

"Sa mga banta mo." humakbang ulet ito papasok ng bahay. Napaatras naman si Savannah.

"Kaya heto ako ngayon, makikipagsabayan sayo. Kilala mo ako Savannah, hindi ako ang taong mapapa bagsak mo ng walang kahirap-hirap." patuloy ni Aia.

At tuluyan ng nakapasok sa bahay ni Savannah, tahimik lamang na nakamasid ang huli. Dinaanan ng mga kamay nito ang mga kagamitan ni Savannah, may pagkakataong tumitingin din ito sa mga frame. Nang mapadako ang tingin nito sa isang malaking larawan na nakasabit sa dingding ng bahay, malawak ang pagkakangiti nito.

"Sino sya? Ang cute naman." baling nito kay Savannah.

Sinamaan lang sya ng tingin ni Savannah. Nagkibit balikat naman si Aia. At naupo sa sofa, idinipa nito ang mga braso sa arm rest ng sofa at nag cross legs.

"Maupo ka Vannah, baka mangalay ka nyan. Huwag ka ng mahiya bahay mo naman ito." nakangiting sabi nito.

"You're insane." natatawang naupo si Savannah sa sofang kaharap ni Aia.

His Wife Dark PastWhere stories live. Discover now