DARK PAST 15

2.2K 36 0
                                    

Part-1 Meet Thera Walker

Kilalanin natin ang babaeng naging dahilan ng galit ni Liam kay Maia Majesta at dahilan ng pag-iwan ni Aia sa dati nyang buhay.

Someones's POV

2010***

"Wow, ang Princesa namin college na dalaga na talaga." si Daddy Zyan Walker.

"Ang pretty mo talaga Princess." Si Mommy Sari Walker.

"Baka may lalaki akong makita na lalapit sayo, i sho-shot gun ko sila." Kuya Liam nya.

"over ka kuya? panu kung manghihiram lang ng notes yun?" depensa ni Thera OA ng pamilya nya.

"E, anong magagawa namin super pretty at bait ng Princess namin baka e take advantage lang nila yun sayo." daddy nila.

"Kaya were here to protect you Princess." si Kuya Liam.

"Halika nga, group hug nalang tayo." sabi ni Thera at nagyakap sila.

Sila ang pamilya Walker, a perfect family that everybody wanted. Mayaman at mababait na magulang, Gwapo at hot na kuya ng pamilya at ang Princesa.

***

Inihatid ng driver sa school si Thera, hindi sya pinayagang mag drive ng parents.

Maganda ang San Martini International University, mayayaman ang nag-aaral dito, kita naman sa sasakyang tumigil para maghatid ng estudyante at aalis din agad.

Bumaba ng sasakyan si Thera naka simpleng tshirt na may hello kitty na print at jeans lang sya.

Ibang-iba sa mga nakaka salubong na estudyanteng akala mo may sasalihang beauty pageant o di kaya costume party sa kapal ng make up ng mga ito.

Nagpatuloy sa paglakad si Thera para hanapin ang bulletin board kung nasaan ang designated building at schedule nya. Madali lang nya itong nakita dahil marami ring estudyante ang nag kukumpulan.

"Excuse me po, pasingit naman." nagpa talon-talon na sya, pero walang naka dinig at pumansin sa kanya.

"Mister....Mister..." kinulbit-kulbit nya ang lalaki sa unahan.

"Problema mo miss?" sabi nito.

"Pwedeng pa excuse, di ko kasi makita ang bulletin." sabi nya.

"Sana pumasok ka ng maaga ano? Para nauna ka dito." sabi pa nito.

"Pangit ng ugali, Gwapo sana." bulong ni Thera.

Pero dahil maypagka bingi yung lalaki yung huling sabi lang ni Thera ang nadinig nya.

"Psh, ang hirap maging gwapo first day of school pa lang di na mabilang ang fangirls ko. Tama nga si ate kamukha ko si Suho." sabi nung lalaki.

"Si Suho yung Exo?" sabi ni Thera.

"Oo, bakit?" mayabang na sabi nung guy.

"Hahaha!... kamukha mo nga si Suho!" patuloy lang sa pagtawa si Thera.

"Tsk. kita mo pati ikaw. Lord anong gagaw---" natigil sya.

"Oo kamukha mo si Suho nung nag crossdress sya, hahaha tapos dapat dyan sa buhok mo nasa bandang leeg e tapos medjo kulot sigurado kamukha mo yun!" dagdag nya.

"Hoy,hoy... hindi ako mukhang bakla!" depensa nung lalaki.

"Hahaha gusto mong makita yung picture?" asar nya sa lalaki.

Dahil nakakahawa ang kasiyahan ni Thera, napatawa na din yung lalaki.

"Hoy, babae tawa ka ng tawa tignan na natin yung schedule mo." nabigla pa si Thera ng hilahin sya nung lalaki.

His Wife Dark PastWhere stories live. Discover now