DARK PAST 16

2.1K 34 0
                                    

Part-2 Meet Thera Walker

Someone's POV

"Selena saan susunod na klase mo?" si Thera.

"Break ko pa ikaw ba?" Selena.

"Hindi ko pa din time, tara sa canteen?" aya nya.

"Ok sige." Selena.

Magkasama silang lumabas ng klassroom, ngunit nabigla sila paglabas ng makita ito. Ano na naman ang ginagawa nya? Gulo to.

"Hello Thera." sya.

"Anong ginagawa mo dito?" nilampasan sya ni Thera.

"Bakit ang snob mo ngayon ok naman tayo kanina ah?" sabi ni Wayne.

"Alam mo bang pumunta pa ang ex mo kanina sa klassroom namin para balaan akong layuan ka?" tumigil sya sa paglalakad para harapin ito.

"Just dont mind her." sabi ni Wayne.

"Hindi sa takot ako Wayne, dahil wala naman akong ginagawa sa kanila ang sa akin lang huwag nyo akong idamay sa gulo nyo. Please lang layuan mo ako." sabi Thera at hinigit na si Selena paalis.

Pero kung akala nyang titigil na si Wayne, nagkakamali sya dahil sumunod pa din ito sa kanila.

"How sweet hinahabol ng Boyfriend si Girlfriend" hinarang na sila ni Vianca at alalay nito.

"Vianca its not what you think, kasi...." si Thera.

"Tama miss Vianca si Wayne ipinagtabuyan na sya ni Thera pero sumunod pa din." sumabat na si Selena.

"And after all Vianca youre my ex anong karapatan mong magalit kung magkasama kami ni Thera?" si Wayne.

"wala akong paki alam basta ang gusto ko Thera, layuan mo si Wayne!" si Vianca.

"Pwede kayong dalawa!!!" di napigilang sigaw ni Thera.

First day of college life nya parang hell na. Dahil sa dalawang mag syota na to ang isa hinahabol sya ang isa binabantaan syang luyuan. Ugh! what a life.

Pero nagulat sya ng...

PAK!*

Sinalubong lang naman sya ng sampal ni Vianca. Hindi sya nakagalaw sa kinatatayuan.

"P-para saan yun?" parang tangang tanong nya.

"No one dares to shout at me!" sabi ni Vianca.

"Mag sorry ka!" sigaw naman ng alalay nya.

Halos maiyak naman ang Prinsesang si Thera, buong buhay nya noon lang nya naranasang masampal at masigawan sa harap ng maraming tao.

Oo mabait sya pero matigas ang ulo nya! Tinuruan sya ng magulang ng mabuting asal pero tinuruan din syang huwag mag paapi.

PAK!!!*

Mas malakas na ganting sampal nya kay Vianca.

Nagulat ang lahat sa ginawa ng baguhang si Thera, isang tulad nya ang nakagawa nun sa isang kinakatakutang personalidad sa University nila. Wala ngang alam ang inosenteng si Thera.

"Ang rude mo naman Vianca, alam mo matapang ka lang kasi napapaligiran ka ng alalay mo. Pero isa lang ang napansin ko, Duwag ka!" matapang na sabi ni Thera.

"Aba't alam mo ba ang ginagawa mo Thera? Hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo." Vianca.

"Duh, ayan ka na naman sa pagbabanta mo e, bring it on duwag na Vianca. Kahit buong university nga kakampi mo takot ka kay Felize, isa lang ibig sabihin kumakapit ka lang sa mga alalay mo." lintanya ni Thera.

His Wife Dark PastWhere stories live. Discover now