DARK PAST 34

1.6K 20 0
                                    

"Babe?" patuloy akong nagbabasa ng libro habang magkatabi kami ni Liam sa kama.

"Yes?" walang lingong sabi ko.

"Bakit di mo hinintay ang yaya na kinuha ko sa agency? You know...i dont trust someone who just knock on your door and you know..." sabi ni Liam.

Isinara ko ang librong binabasa, at tumagilid para mapagmasdan ko si Liam. Diretso itong nakatingin sa kisame at nakaunan sa kanang braso ang ulo nya.

"Mabait naman si Cristi ah. Tsaka nakita ko naman na maalaga sa bata." sabi ko na sinuklay-suklay ng daliri ko ang buhok nya.

"Alam mo naman na sobrang kulet nyang anak mo. Pero si Cristi nakikita kong mahaba ang pacensya at magiliw sya sa mga bata." tumigil ako sa pagsuklay ng buhok nya. "Wala naman akong nakikitang mali sa kanya Babe."

Nagbuntong hininga ito. "Do you trust her?" kunot noong sabi nya.

Natawa ako. "Babe naman, wag ka ngang mapanghusga."

"Kasi naman, baka nagpapanggap lang yan...alam mo na baka pag wala tayo may gawin yan sa anak natin." sabi nya na mababakas sa mukha ang pag aalala.

"So anong gusto mo?" mahinahon
kong sabi.

Siguro nga naging padalus-dalus ang desisyon kong kunin agad ang serbisyo ni Cristi. I dont know pero there's a strong feeling na humihila sakin para papasukin sya sa buhay namin.

Ngumiwi ito at nagkamot ng noo. "I....just...ugh!"

Dumistansya ako sa kanya at napabuntong hininga na rin. "Okay, ill talk to her tomorrow."

Napabalikwas si Liam. "Hey, hindi naman natin sya kailangang tanggalin diba?"

"No. ofcourse not. Hindi naman natin sya kailangang tanggalin agad dahil lang wala tayong tiwala o ano pa mang panghuhusga. Pwede naman tayong mag check ng pulis o NBI records nya. You know there's always a way to know a person." sabi ko pa.

"So pursigido ka talaga na kunin sya?" tiningala ako ni Liam.

Tiningnan ko rin sya sa mata. "Ayaw mo ba talaga sa kanya?"

"Hindi naman sa ayaw kaya lang...i just want to secure our family. Especially si Briel dahil sya ang walang muwang dito." Liam.

"Okay sige, away ko na rin na sumama ang loob mo at pag-awayan natin to. Tawagan mo nalang ulet ang Agency na kinontact mo." sabi ko at humiga ng patalikod kay Liam.

Medyo masama ang loob ko sa kanya. Hindi man nya diretsong sabihin alam ko na away nyang kumuha ng Yaya para sa anak namin.

"Wait, dont tell me e-fa fire mo sya? E Babe, you just hire her." sabi nya na napa upo pa sa pagkakahiga.

Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. "Ano ba talaga ang gusto mo? Ang gulo mo ah! Kanina hindi mo man direktang sabihin gusto mo syang tanggalin bilang yaya ng anak mo. Ngayong paaalisin ko sya ayaw mo rin. Ano ba talaga?! Nakaka inis ka na ah!" napalihamos ako ng noo.

Napayuko ito at tinakpan ang mukha gamit ang mga palad.

"Hik...hik...s-sorry..."

Laglag ang panga ko noong nakita ko si Liam na may nagbaksakang luha sa mukha at humihikbi. Ano bang nangyari? Napa sobra ba ako ng inis at napag taasan ko sya ng kilay.

"B-babe? What's the matter? Bakit ka umiiyak? M-may masakit ba sayo?" hinimas ko ang braso nya. "D-dito ba?" naguguluhan kong tanong.

Ngunit laking gulat ko ng tapikin nito ang kamay ko at humiga ng patalikod sakin habang patuloy na humihikbi.

His Wife Dark PastWhere stories live. Discover now