DARK PAST 8

2.9K 47 1
                                    

Aia Pov

Present

Poot at Galit. Yun ang makikita sa mata ni Liam, galit sa taong naging dahilan ng pagmatay ng kapatid nito at poot dahil sa paghihirap ng ina nito. Hindi nya gugustuhing Makita ang ganung galit sa mata ng asawa lalo pa at....

"Ang lalim ng iniisip natin ah." Sabi ni Julie.

Nag paalam sya sa asawa kanina para makipagkita sa mga kaibigan at para kumpirmahin na rin ang bagay na gumugulo sa kanya.

"Chin...Julie naalala nyo yung si Thera?" tanong nya sa mga kaibigan.

"Thera?" si Chin na nag-iisip "Oo parang pamilyar ang pangalan..."

"Sino ba yan?...kalaguyo ng asawa mo?" nanlaki pa ang mga matang tanong ni Julie. Pinandilatan naman ito ni Aia.

"Wala kayong maalalang Thera? Sigurado ka yo?" tanong nya pa

"Ikaw pala ang nakikilala bakit tinatanong mo samin?" pabalang na sagot ni Julie.

"Tumigil ka nga Julie, mukha ba syang nagbibiro.Oo Aia pamilyar nga ang pangalan nya." Si Chin.

"Teka lang huh, saan mo ba kasi narinig ang pangalan nya." Si Julie na naguguluhan

"Thera....sandali sya ba yung?" tanong ni Chin

"Oo. Naalala mo buong pangalan nun?" sabi ni Aia.

"Yung Thera na pinag-uusapan nyo ba ay yung napatay sa..." bigla nalang nasabi ni Julie

Napatingin naman si Chin at Aia sa kanya.

"Hahaha...ang hina nyo talaga" natatawang sabi ni Julie "Walker...Walker ang last name nya." Baliwalang sabi nya.

Bigla napatigil sa pagtawa si Julie ng mapagtanto ang kanyang sinabi. Napatuwid sya ng upo at nagkatinginan silang tatlo.

"Aia. Anong kaugnayan nya kina Liam?" kinakabahang tanong ni Chin.

Hindi agad nakasagot si Aia, napapayuko, titingala at ibabaling sa ibang direksyon ang paningin. Hindi nya masabi sa mga kaibigan ang nadiskubre dahil sya mismo natatakot.

"Kapatid...nag-iisang kapatid ni Liam si Thera." Maya-maya nasabi nya.

Napatayo na si Julie at nagparoon, parito. Napayuko naman si Chin.

"Binibiro ba talaga tayo ng tadhana? Mahigit dalawang taon tayong nagtago pero heto pa ang kahihinatnan?" pumalatak pa na sabi ni Julie.

"Ugh! Ano to tayo pa ang lumapit sa pusang naghahanap ng daga?!" bulalas ni Chin.

"Natatakot ako...paano kung...paano kung malaman ni Liam?" sabi ko.

"Baka habang natutulog na ako takpan nya ng unan ang mukha ko hanggang sa mawalan ako ng hininga." Nanghihinang patuloy ko

"Tumigil ka Aia!" napasigaw at napatayo na din si Chin hindi nagugustuhan ang iniisip ng kaibigan.

"Diba wala naman silang alam?" maya-maya pa sabi ni Julie.

"Wala...hindi nila kilala si Maia Majesta." Sabat ko.

"Good, mahihirapan silang hanapin si Maia Majesta dahil iilan lamang ang nakakakilala sa kanya." Sagot naman ni Chin.

"Tama Chin, dahil ang mga tao sa loob ng Society lamang ang nakakakilala sa kanya at ang sa..." hindi naipatuloy ni Julie ang sasabihin.

"Kung ganun kahit sino pang pinakamagaling na imbestigador ang maghanap sa kanya hindi nila matatagpuan ang hinahanap nila, lalo pa ngayong..." at sinulyapan nito si Aia.

"Lalo pa ngayong nasa paligid lang tayo at naka-abang ganun ba Chin.?" Pagtapos ko sa sasabihin ni Chin. Tinitigan nya lang ako.

"Kung walang isda sa dagat wala silang mahuhuli kahat gumamit pa sila ng lambat." Makahulugang sabi ni Julie.

"May pangkuryente sa tubig, para mapalabas ang isda." Sabat naman ni Chin.

"Niintindihan ko kayo napakahirap lang harapin ni Liam at ang pamilya nya, nagkakasakit na ang ina nya. Patuloy nilang hinahanap ang hustisya." Sabi ko

"Diba naibigay na ang hustisya ng makulong si Savanna?, anong hustisya pa ang hinahanap nila?" sabi naman ni Julie.

"Aia." Lumebel sa kanya si Chin at hinawakan ang kanyang mukha nya "ngayon lang maynagmahal sayo at masasabi mong sayo, ingatan mo ito huwag mong hayaang mawala. Magmasid ka lang sa hakbang nila, manatili ka sa tabi ni Liam at magiging normal ang buhay mo." Sabi pa nito.

"Tama Aia, kahit gaano man tayo nakalapit at nakapasok sa buhay nila unahin mo pa ding isipin ang sarili mo huwag mong hayaan mawala ang ito, ibaon sa hukay lahat ng iyong nalalaman." Sabi pa ni Julie.

"Pabubuksan nila ang kaso ni Thera, maghihirap silang hanapin ang taong sumira sa pamilya nila, samantalang ako... kaya kong..." hindi ko maituloy ang nais kung sabihin, dahil di ko man sabihin ayaw kong mawala si Liam sa akin.

"Wala tayong kinalaman doon, Aia!" bahagya pang tumaas ang boses ni Chin.

"Pero sana may nagawa ako!"

"Aia, nandoon din kami pero wala kaming naitulong sayo." Balik sabi ni Chin.

"PWEDE TAMA na!" sigaw sa kanila ni Julie "Tama na, wag na tayong magsisihan hindi tayo matutulungan nyan mas lalo tayong hindi makakapag-isip kung patuloy kayong kaakuin ang pangyayaring walang may gusto."

"Kaya ikaw Aia tumahimik ka lang, kung hindi mo kayang Makita si Liam araw-araw mas mabuting iwan mo nalang sya" sabi ni Chin.

"hindi...hindi ko gagawin yun mahalaga sya sa akin."

"Kung ganun tapos na ang usapang ito." Pinal na sabi ni Julie.

"Nakaraan na nayun, kaya tama na." Chin.

"Nakaraang kahit kailan hindi matatakasan!" ako.

"Hindi nga matakasan, pero pwedeng paglaruan." Julie.

"Panu kung tayo na pala ang pinaglalaruan." sabat ko.

"Alam mo kung paano maglaro Aia, kaya huwag mong sabihin at ipakita sa amin na takot ka." mapanghamon na sabi ni Chin.

"Ikaw ang nagpapa lakas samin Aia, umaasa kami sa tatag mo kaya huwag mong hayaan ikaw mismo mawalan ng tiwala sa sarili, dahil sabay-sabay tayong babagsak." sabi ni Julie.

"Nahihirapan ako, ang hirap. May pinoprotektahan ako, ang relasyon namin ng asawa ko. Kung noon nangyari to wala akong aalalahanin. Susubukan ko, alam kung hindi nyo ako papabayaan." madamdamin kung sabi.

"Aia, huwag mong subukan gawin mo. Nandito lang kami magkasama nating haharapin to." at hinawakan ni Chin ang mga kamay ni Aia.

Tama ang mga kaibigan ko kaylangan kung protektahan ang pagsasama naming ni Liam. Yun ang na buong desisyon ni Aia.

Matapos silang mag-usap ay nagpaalam na sa mga kaibigan si Aia at dumiretso ng bahay nila ni Liam. Tahimik ang bahay noong dumating siya. Paakyat na sya ng hagdan ng may narinig syang nagsalita.

"Maia?"

Napanga-nga at nanlaki naman ang matang humarap si Aia kay Liam. Tinawag nya akong Maia???

***

MAJESTY

His Wife Dark PastWhere stories live. Discover now